14

355 9 0
                                    


Nakalabas na ko nang hospital,
Pero pang nandun pa rin ako Haha.

Hindi ako pwede pumasok o kung ano pa man kailangan ko magpahinga, muntik na ko mamatay dahil sa katanghan nang Puso ko Hahaha bakit ba di pa ako masanay?

"Hoy Conardness!! Kumain ka na! mukha ka ngang zombie di ka pa kakain Haha Bukas mukha ka nang bangkay. " maingay na sigaw ni Jeska habang nagbabaligtad nang inihaw na isda

Asan ako? Ito nasa labas nang mansyon kasama si jeska, wala kasi syang pinalalagpas at patay gutom talaga sya , uubosin nya ata lahat nang isda sa lawa na yan ! Pati mga pananim namin kinakain nya na, di nako magtataka kung idemanda na sya nang auntie ko tsktsk.

Napaiktad ako nang maramdaman ko ang pares nang brasong pumupulupot sa katawan ko mula sa likod. Tila tinatambol ang dibdib ko sa lakas nang Tibok.

"Ano bang ginagawa mo? "inis na sigaw ko sa kanya inaalis ko ang kamay nya pero hinihigpitan nya ang yakap sakin.

"Ano iniisip mo muna? Pag sinabi mo aalisin ko na yung braso ko "

Nakatalikod ako sa kanya, pero alam ko na nakanguso sya Haha

Huh? Tinanong nya ba ano iniisip ko?

"Bakit di mo na ba naririnig ang iniisip ko? "

Lumuwag ang yakap nya pero di nya parin inaalis yun

"Hindi na ei. Hindi ko rin alam kung bakit, " malungkot nyang sagot sakin

"Totoo? " gulat ako nang maintindihan ko lahat, pero napangisi din ako nang makaisip nang kalokohan

"Haha jeska di mo ko madadala jan! Kala mo di ko alam mga kalokohan mo ahh! " natatawa kong sagot sa kanya mabilis nyang hinigpitan uli ang yakap sakin

"Edi sabihin mo kung ano iniisip mo" nakangiti nyang sagot

ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko, kaya para akong nakuryente sa ginawa nya, lalo pang bumilis ang tibok nang puso ko Haha Alam ko pwede ako mainlab sa babaeng to, pero di ako nagmamahal nang babaeng multo at patay Gutom HAHAHAHA

"iniisip ko lang kilan kaya kita papalayasin sa lugar namin, ubos na ang isda sa lawa na yan ubos na din ang bunga nang pananim ni auntie kahit di pa sila naghaharvest ganun ka katakaw! "

Mabilis nya inalis ang pagkakayakap sakin HAHA PIKON

"pag namatay ako wala nang kakain nyan " nakasimangot lang sya sakin

"ibig bang sabihin nun? Malabo na patahimikin mo ang lugar na to Hahaha "

"pssst jeska! Psst iloveyou hihi"

"uy feeling maganda na yan "

"psst haha di mo ko naririnig? Totoo sayang love pa naman kita "

Napangiti ako sa sarili kong kalokohan

Kinalabit ko sya at agad na pinakitaan nang nakakainis na ngiti

"Ano? Kilig ka nanaman Haha Baka mangisay ka nyan? "

Nagulohan syang lumingon

"May nakakakilig ba sa pag papalayas sakin dito? Ano conard? Nabaldog ka ba? Bat nabugok ulo mo? "

Nawala ang panginis na ngiti na pinapakita ko sa kanya dahil sa pagtataka

"Pag tumgin ka! "

Nang palingon na sya

"Pandak Ka HAHAHAHAH"

Pero nagkamali ako pumunta pala sya sa tabi ko para uminom nang buko

Anong nangyayare?

"Jeska! Jeska mahal ko!! Yiiee ngingiti na yan! "

"jeska alam mo ba blue yung brief ko Hahahaha"

"Jeska kita ko yung kuko mo. May kamote na Haha"

"jeska! Totoo krass na kita yiie malapit na kita maging love yiie titingin na yan"

ginawa ko na lahat para makuha ang pansin nya pero hindi pa rin umeepekto . Hindi ko nga namalayang nasa harap ko na sya

"Ano nanaman iniisip mo conard? Bat ang layo nang tingin mo?"

Ibig sabihin totoong di nya na ako naririnig bakit? Paano nangyare yun? Paanong nawala yun nang ganun kadali?

"jeska kilan pa nawala yung pagka rinig mo sa isip nang iba? " curious talaga ko ei

"di ko alam kung kilan eii basta nagising na lang ako sobrang tahimik, maiigi na din to di maingay "

Nakaramdam ako nang lungkot para sa kanya kaya niyakap ko sya. Di ko alam pero tingin ko ito yung kaisa isang bagay na magagawa ko ang yakapin sya nang mahigpit, iparamdam na di sya nagiisa, tulad nang lagi nyang pinaparamdam sakin pag ako yung nawawalan nang pagasa at gusto na ring sumuko,

Di ko hahayaang maramdaman nya, ang mga bagay na hindi nya hinahayaang maramdaman ko.

Di ko hahayaang masktan ka nang tulad sakin ,

Kung ako walang ikaw, wag ka magalala meron kang Ako Na mananatili sa tabi mo

Comment and vote po kung nagustohan nyo Thankyouuuuuu

-MelainieeeMoto

Sesin (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon