8

382 9 0
                                    


Mabilis na dumaan ang mga araw siguro ganito daw talaga iyon pag malungkot ang tao ay halos inaabangan kahit na ang segundo pero kapag may saya kang nararamdaman ang minuto ay parang segundo lang ang araw ay parang oras lang

Nang dahil kay amber pakiramdam ko nagiging okay sakin ang lahat ang mga dating di ko ginagawa ay ngayon ay nagagawa ko na

Makipagusap sa iba ngumiti sa iba
Pakiramdam ko ito ang pinaka masayang parte nang buhay ko matapos ang 12 taon

May kaibigan ako sa paaralan may kaibigin din ako sa bahay
Si jeska

Magkaibang magkaiba sila ni amber si amber makulit lang pero medyo tahimik din

Si jeska makulit na madaldal mapilit pa at kahit patulog ka na talaga hindi sya tatahimik hanggat may madadaldal sya

Ang sabi ni aunti malaki na raw ang pinagbago ko dahil natuto na daw ako magsalita ngayon at ngumiti

Hindi ko yun tinatanggi dahil na rin siguro sa masaya naman talaga ako.

"Hoy conard malapit na bakasyon nyo diba? "

Ito nanaman po sya

"oo ngayon ang simula nun makakalimutin ka talaga nakaraan ko pa sinasabi sayo"

"punta tayo sa may ilog! " kung di ako nagkakamali malamang kating kati nanaman ang paa neto gumala

Hindi sya pinapayagan nang lola nya na umalis pag hindi ako kasama nya

"Aalis kami ni amber mamaya " walang gana kong sagot dahil kung hindi ko yan tatanggihan aabutin nang hapon yan kakaaya

"Conard anak ngayon ang simula nang bakasyon nyo hindi ba? " masayang tanong ni aunti mira

"Opo kaya wala nang pasok ngayon araw " tinuloy ko na ang pagkain ko

Hindi naman sa galit pa din ako kay aunti mira pero hindi ko pa din kasi maalis sakin yung palaisipan na kung hindi dahil sa kanya sana kasama ko pa ang mga magulang ko

"babaeng multo anjan ka pa ba? Gusto mo pa ba pumunta sa ilog? "

Nabadtrip ako sa sarili kong iniisip gusto ko lang magpahangin

"ayoko na dahil taga araw ngayon maraming mangga ang hinog na kaya mangunguha na lang ako "

"kapal nang mukha mo inuubos mo nanaman yung mangga namin jan ipapahuli na talaga kita sasabihin ko ikaw yung kumakain nang mangga "

"sabi ko nga mainit punta tayo sa ilog"

Nang matapos ako kumain ay nagmadali ako lumabas nang bahay
Sobra talaga ako naiinis

"Hoy Conardness ! Hintayin mo naman ako"

Sigaw ni jeska sabi sa inyo talaga walang awat ang bibig nya

BOOGSSS!

"HALA" halos tumalon lahat nang ugat nakakakbit sa puso ko nang tumalon pababa si jeska

"Ano bang ginagawa mo! Bakit ka tumalon! " lalo ata ako nainis

"mwehehe gulat ka? Kape ka kasi nang kape . Dahil tagulan marami rin ang langgam na kasalo ko sa mangga kaya kapag bumaba ako nang hindi tumatalon lulusobin nila ako habang gumagapang ako pababa doon " mahabang pahayag nya at talaga may actions pa

"SA LAKI MONG YAN NATATAKOT KA SA LANGGAM! " DE KASE AKO NAKASIGAW

"ikaw nga laki laki mo takot ka sa dilim ei " nakanguso nyang sagot

"Tara na nga "

Nagsimula na kami maglakad papunta sa ilog napansin ko ang paa nya na parang paa nang pulubi
Simula nakilala ko sya wala talagang saplot ang paa nya

Kahit tirik ang araw malamig ang hangin at napakasarap sa balat maraming puno at halaman sa paligid napaka perpekto nang lugar kung wala lang babaeng patay gutom sa harap ko ang romantic talaga nang lugar haha

Nagsimula syang mamutol nang sanga nang puno di ko alam paano sya natuto nyan pero ang galing nya talaga hindi nya gusto ang tumingin tingin lang

Kaya nya ako niyaya sa ilog malamng ay gutom nanaman sya at gusto nya kumain nang isda o kung ano man kahit kilan talaga patay gutom sya

Nakakuha sya nang limang tangkay na tuyo at pinapulot nya rin ako nang tuyong dahon madalas namin tong ginagawa pag linggo kasi sa ganung araw lang ako nasa bahay maghapon

"Bilisan mo naman ! Laki laki nang katawan mo di ka makakuha nang madameng dahon! "

Sigaw ni jeska na maraming hawak na tuyong tangkay

"Sandali lang naman bakit ba nagmamadali ka? Naisipan mo na din ba kainin ang tuyong dahon? " pangaasar ko sa kanya

"hindi ah hindi yan masarap lasang lupa haha"

Nanlaki ang mata ko sa sagot nya tangina seriously?

"totoo kumain ka na neto??"

"oo nung di pa kita kaibigan tapos naubos ko na yung mangga nyo ayoko talaga kumain sa bahay kaya tinikman ko yan" tumango tango pa sya

Napailimg na lang ako saan ka ba makakakita nang babaeng kumakain nang dahon jusko

Hi votes and comment po kung nagustohan nyo salamaaaat

-MelainieeeMoto

Sesin (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon