CHAPTER 1: 🖤

473 12 0
                                    

SA LOOB NG HALOS sampung taon hinasa siya upang maging magaling sa lahat, tinuruan siya kung paano gumamit ng ibat ibang klase ng armas, kung paano makipaglaban at iligtas ang sarili sa pinakamatinding kapahamakan.

Matitinding pagsubok ang kanyang pinagdaanan bago siya naging magaling sa mura niyang edad, may piring sa mata siyang pinalakad ng naka paa lang at iniwan sa gitna ng kagubatan na nakatali ang kamay at paa at may panyo sa bibig. Isa iyong pag subok sa kanya na bigay ni Lenux na ang bilin sa kanya ay dapat makabalik siya sa mansyon bago paman sumikat ang araw.

Takot na takot siya sa mga panahon na yun nanginginig ang buo niyang katawan dala narin ng ibat ibang tunog na naririnig niya pero nilakasan niya ang loob niya humanap siya ng paraan upang makawala sa pagkakatali.

Kahit masakit at humahapdi na ang kamay niya ay tiniis niya, natutunan niyang gamitin hindi lang ang mga mata kundi pati narin ang tenga.

Pinakiramdaman niyang mabuti ang paligid, naging alerto siya sa bawat segundong naroon siya sa loob ng kagubatan at ng makawala siya sa pagkakatali imbis na matakot dahil sa ibat ibang imahe na bumubuo sa utak niya pinili niyang pumikit at pakiramdaman ang paligid kasabay non ang pag ihip ng isang napakalamig na hangin  na para bang ginagabayan siya tungo palabas ng kagubatan.

Saka niya sinimulang tahakin ang madilim na daan pabalik sa mansyon. Inaalala at dinadama ang daan na tinahak nila upang makarating sa loob ng gubat.

Ikinagulat ng lahat ang pagbalik niya sa mansyon na ligtas bago paman sumikat ang araw.

"Good job..Zelle" ani ni Lenux habang sinasabayan siyang maglakad papasok sa mansyon.

"Of course." Kinuha nito ang towel na binigay sa kanya ng mga butler at pinahid niya iyon sa kanyang noo.

Naka upo na sila sa itim at mahabang couch ng mapansin ni Lenux ang sugat sa kamay nito siguro dahil iyon sa higpit ng pakakatali sa kanya kanina. Akmang hahawakan na sana ito ni Lenux na siya naring tumatayo na bilang pangalawa niyang ama ng bigla niya itong sinalubong ng salita.

"Stop. I can manage it my self." Ani nito. Napatigil naman ito at nakayukong umupo ulit.

Zelle's heart has been as hard as stone and as cold as Ice. Hindi na siya nakaramdam ng kahit anong sakit. He didn't even know what smile is simula nung araw na yun. Nung araw na nasaksihan ng dalawa niyang mata ang unti unting pagpikit ng mga mata ng ina niya. Ang paghihirap ng ama at ang kaguluhan na yumanig at nagwasak sa pamilyang dati ay matatawag niyang perpekto.

Makalipas ng ilang buwan ay napag disisyunan niya na umalis na muna sa mansyon at manirahang mag isa.

"What are your plans Zelle?" Tanong ni Lenux, this might be their last conversation for the mean time dahil seryoso na si Zelle sa kanyang pag alis.

"I think I should prepare a condo for you to stay their atleast for a month habang nag a-adjust kapa na manir—"

"No." She calmly  cut him off. "That will sound too obvious Lenux.." her voice were too calm and slow yet it throws a strong impact toward him to keep his focus on what Zelle were saying. "Me—leaving with no traces from this family would sounds better. What do you think?" She throws an eye to Lenux.

"Yeah but—" Lenux were complaining

"No buts Lenux, I will be fine." She calmly cut him off again.

"Yeah, Zelle will be fine kaya calm yourself." That was Caster, Lenux's son. He is 2 years older than Zelle. "And look at Zelle, she's so fine and ugly" mabilis na bumaling kay Caster ang matatalim na titig ni Zelle " haha just kidding Zelle calm down especially you, father." He was referring to Lenux na hindi na umimik.

DARKNESS INSIDEWhere stories live. Discover now