CHAPTER 4:🖤

88 3 0
                                    

RAIZE'S POV:

Anyways kakalabas lang namin sa TP at on the way na kami pauwi ng matanaw ko ang isang Grocery store.

"Ah Zelle?" Di sya sumagot pero mukang narinig nya naman.

"Pwede ba tayong huminto saglit jan sa isang Grocery store? -----wala na kasing laman ang ref eh" dagdag ko pa.

"Ok sige, bilisan mo lang"
Parang may naramdaman akong kakaiba dahil sa tono bg kanyang pananalita.

"S-sige, mabilis lang talaga to"
Sabi ko saka dali daling pumasok sa loob ng GS. Tiningnan ko naman sya mula dito sa loob, nakasandal sya sa isang kotse malapit sa motor nya. Binilisan ko nalang ang pagpili ng mga bilihin, kumuha ako ng  mga cup noodles, bottled milk at marami pang iba. Dali dali ko itong dinala sa counter Pero ang kaso lang, eh ang haba ng pila.. naman oh! Malas! Malas!

Napatingin ulit ako sa labas, Pero wala na si Zelle sa sinasandalan nya kanina. Di ko alam pero bigla akong kinutoban ng masama. Kaya naman dinala ko yong isang basket sa may counter.

"Miss dito na muna to ah, babalikan ko nalang." Diretsong sabi ko saka lumabas ng GS.

Gabi na kaya naman di ko na talaga alam kong nasan si Zelle, nag hintay ako ng limang minuto, baka naman kasi may pinuntahan lang. Pero makalipas ang limang minuto ay wala parin sya kaya nag pasya nalang akong hanapin sya.

May nakita akong isang eskenitang madilim na kahit na medyo nakakatakot ay tinahak ko parin. Baka naman kasi umatake nanaman yong mga alagad ni Lucifer na sya ring nakalaban niya nong isang gabi habang pauwi sya.

Habang naglalakad ako ay may naririnig akong mga ingay sa unahan kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad... Ay hindi tumatakbo na pala ako, kasi naman sobrang nakakatakot dito. Para akong naglalakad papunta sa aking sariling kamatayan..

Ilang sandali pa ay narating kona ang pinang gagalingan ng mga ingay kanina, at hindi nga ako nagkamali, nakita ko si Zelle na nakatayo sa gitna ng mga lalaking nakahandusay..

"Z-Zelle.." mahinang sabi ko.
May naririnig nanaman akong ingay ng mga paa ng mga taong papalapit samin.

"Raize dapa!"  May diing sabi ni Zelle, kaya naman napadapa ako agad, kasabay non ay ang pagliparan ng mga kutsilyo at iba pang mga patalim. Lahat iyon ay tumama sa poste sa may likuran namin.

Ilang sandali pa ay nakita ko si Zelle na nakatayo lang habang pinapanood ang mga nakablack na parang mga ninja na unti unti kaming pinalibutan.

Kakaiba sya ngayon, nakakatakot ang kulay na pula't itim na awra niya. Parang kaya niyang pumatay ng mga tao gamit lang ang isang tingin nito.

Ilang sandali pa ay bigla syang nagsalita.

"Why don't you all came out?" Cold niyang sabi, na nakakapagpatayo ng mga balahibo ko. Anong ibig niyang sabihin? May mga nagtatago pa at p-palabasin niya lahat? Mag papakamatay naba ang isang to? Gosh! Nandamay pa talaga T.T

"H-hoy! S-seryoso kaba? L-lahat t-talaga?"
Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Just keep at my back and stay alert." Walang emosyon nyang Sabi. Sumunod naman ako.

Pagkatapos ay agad nang sumugod ang mga lalaking nakaitim dala dala ang tig iisang mga samurai. ako naman ay natutulala at di alam ang gagawin habang pinapanood ang mga taong papalapit sa kinatatayuan ko. Nanginginig ang mga tuhod ko na para bang ayaw nang gumalaw ng mga ito. This is my first time! Di ko alam ang gagawin ko..lahat ng mga naituro sakin ni Zelle ay parang biglang nawala.

"Raize! What are you doing? Move!!" Sigaw ni Zelle..

Pero di ko parin maigalaw ang mga paa ko..ano bang nangyayari sakin. Shit Raize Move!!!

"Shit that!" She coursed.

Papalapit na ng papalapit ang mga lalaki na parang gigil na gigil nang patayin kami.

"Z-Zelle..." Mahina kong sabi na parang naiiyak na sa takot habang nakatingin sa mga papalapit na lalaki. What the hell I was doing? Move Raize move!!! Bigla akong napalingon kay Zelle ng bigla siyang mag salita.

"Catch!"agad na baling sa kanya ang atensyon ko. May hinagis sya saking tatlong maliliit na kutsilyo. At sa di maipaliwanag na dahilan ay bigla ko itong na salo ng sabay sabay gamit lang ang isang kamay.

"I know you can do it" sabi niya sabay signal ng *go* napansin ko naman ang binti at kanang balikat niya na may dugo kaya naman agad kong tiningnan ng masama ang nga lalaking papalapit sabay hagis sa kanila ng mga kutsilyo sakto namang lahat ng iyon ay tumama sa noo nila. Agad akong tumakbo upang kuhanin ang mga dala nilang samurai para may magamit ako upang matulungan si Zelle.
Sabay naming nilabanan ang mga kalaban at isa isa ring pinatumba ang mga ito. Masasabi ko talagang ang galing ni Zelle. Bihasang bihasa na sya lalo na sa mga stunts niya na parang pang Hollywood. Talon sabay ataki, high kick, ikot sabay siko ng kalaban at ang iba pa ay binabalian niya ng buto. Ang galing niya ring gumamit ng samurai ... actually lahat naman ng mga armas ay alam niyang gamitin.

Nasa tabi ko lang sya kanina pero dahil may hinabol ako ay nahiwalay ako sakanya , pero agad din naman akong bumalik pagkatapos. Lahat ng mga naituro sakin ni Zelle ay nagagamit ko na ngayon.

"Zelle? Ayos kalang?" Tanong ko sabay lingon sa kanya.. nakita ko naman siyang nakatayo sa harap ng isang lalaki ng may ilang metro mula sa kinatatayuan niya habang nakahawak sa kaliwa niyang braso na ngayon ay puno na ng dugo habang nakahawak sa samurai na nakuha niya rin siguro sa mga kalaban. Wala siyang emosyon pero ramdam ko ang pagtitiis niya sa iniindang sakit sa may braso't binti niya.

"Aisshittt" she coursed again.
Kita ko naman ang ngisi ng kalaban ni Zelle ngayon.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, napasulyap ako sa mga mata ni Zelle at napansin ko ang kaibahan ng kulay nito sa kanina.. ang mga mata niya kasi kanina ay  kulay black na may halong blue   , ibang iba sa ngayon. Naging natural na black na may parang halong yellowgreen sa gitna..  muka rin syang nanghihina kong pag babasihan ang kanyang mata.

"I think it's time for you to surrender huh, Zelle...." Nakangising sabi nito.
"Your already wounded.." he chuckles "And that girl?  I know she can do nothing, but being a huge bug on your shoulders."  Agad  ko namang naikuyom ang kamao ko kasabay nun ang  pag salubong ng kilay ko. Oo inaamin kong mahina lang ako at di ako ganon ka bihasa sa pakikipag laban, alam ko ding wala akong laban sa kanya but I can offer my life just to save Zelle even though I know in my self that I can't. But at least I tried my best not leaving her alone here and be selfish.

"You do really want  to get die huh? Oldman!" Mapang hamong sagot ni Zelle. Walang mababakas na takot sa mukha nito pero ramdam kong nahihirapan na siya.

"Kill me first if you want to bring me back to that shit place you think I can do things impossible like giving you a lot of treasure." Dagdag pa niya.

~~~~

DARKNESS INSIDEWhere stories live. Discover now