Zelle's POV:
Nagising ako ng may malamig na bagay na pumatak sa pisngi ko. Tumingin ako sa baba at nakitang wala nang halos studyante. Agad naman na nahagip ng mga mata ko ang isang babae na nakatayo ilang sandali pa ay nagsimula na itong maglakad pabalik.
"Raize.."
Saka ko lang napansin na bumuhos na pala ang ulan at basa na ako. Agad akong tumakbo pabalik sa pinto papunta dito. Ilang beses ko itong pinilit na buksan pero ayaw. Giniginaw na ako ng sobra. *Shit! I cursed kasi parang anytime babagsak na ang katawan ko.
Pinilit ko itong buksan gamit ang kaliwang bahagi ng braso ko na hinahampas ko dito.
Ilang sandali pa ay biglang nag brownout. Napaupo ako sa sahig dahil sobrang nanginginig na ang buong katawan ko. Ng mag kalakas ako ng konti ay hinampas ko na naman ito. Ilang sandali pa ay mag liwanang akong nakita galing sa loob at sunod na nagyari ay bumagsak na ako sa semento.
*******
Raize's POV:
6pm na ng makarating kami ni Zelle sa Apartment namin.
Sobrang taas ng lagnat niya kaya binihisan ko kaagad siya. Napansin ko naman ang sugat sa balikat niya. Namamaga ito at patuloy lang ang pag agos ng dugo. Kailangan na namin siguro itong ipatingin sa doctor. Medyo matagal tagal na kasi ito at hindi parin gumagaling hanggang ngayon. Nilinisan ko ito at nilagyan ng bandage.
Hindi ko alam ang totoong kwento ng buhay ni Zelle at hindi rin kami magka ano-ano pero sa konting panahon na kami ay nagka sama parang pakiramdam ko ay kailangan niya ako bilang isang kaibigan at lalong lalo na bilang isang pamilya. Dahil kahit minsan wala pa siyang nababanggit tungkol sa pamilya niya. Never.
Inayos ko ang kumot niya at saka lumabas sa kwarto niya.
Someday... Zelle sana...
*******
Maaga akong gumising at naghanda ng almusal para kay Zelle na inilagay ko sa mesa sa loob ng kwarto niya bago umalis. Kailangan kong puntahan si mama. Mamayang 9am pa naman ang klase namin kaya may oras pa ako.
Pag dating ko sa bahay namin ay agad na bumungad sakin ang mga pamilyar na lugar sa bahay namin. Ang garden kung saan lagi akong naglalaro dati ang pool.
Tuloy-tuloy lang ako sa paghakbang sa hagdan papuntang main door ng bahay. Dalawang malalaking pinto.
Pagkatayo ko palang doon ay agad na itong bumukas. Bumungad agad sakin ang pamilyar na amoy ng bahay.
Sa tabi ng pinto ay ang dalawang malalaking tao na nakatayo.
"Why are you here?" Napatingin ako bigla sa taong nagsasalita.
"D-dad..." Nauutal kong sambit. Sa lahat ng tao sa mundo kay dad lang talaga ako takot. "M-mom told me to come po..." Sabi ko. Habang nakayuko.
"But I guess kahapon pa yun...where are your things?" Ani nito parang bigla akong nakaramdam ng kaba.
"D-dad... May a-apartment naman po ako." Pagiiba ko sa usapan.
"Then leave." Seryosong sabi nito. Nakaupo ito sa black na couch niya.
"P-pero Dad..." Napansin ko agad ang panunubig ng mata ko.
"Why?--- I said leave." Sabi niya pa. Naramdaman ko ang pag agos ng luha sa isa kong mata.
"Your mad dad?" Tanong ko.
"Just comeback when your willing to come home na." Sabi niya parang lumiwanag naman ang mukha ko.
YOU ARE READING
DARKNESS INSIDE
ActionAll of us had this hidden darkness deep within ourselves. But how can you change a heart that the primary concern is to seek for revenge? Then she met him. ******** [She] Makakapag higanti pa nga ba ako, kung ang pag hihigantihan ko ay unti- unti na...