Zelle's POV:
Kinabukasan tulad ng natunghayan kong pagpatay ng isang lalaking studyante na sinakal ng isang lalaking studyante din.. hindi din umugong ang pagkamatay sa estudyanteng iyon sa buong paaralan. Normal parin ang pagpasok ng mga studyante, wala nang bakas ng takot sa kanilang mga muka.
Iginala ko ang aking paningin ng madaanan ang lugar kung saan nabaril sa ulo ang isang studyante dito sa Whelford. Ang sabi nila isa daw itong grade 12 student na nag ngangalang Luvenor Bitmond. Nag lalakbay ang aking paningin ng mahagip ko ang isang babae na parang takot habang nakatingin sa lugar kung saan namatay ang lalaki.
Napatigil ako sa paglalakad at walang emosyong tumingin sa kanya. Halos maiyak na siya sa takot habang nakatingin doon, nanginginig ang kanyang kamay ng takpan niya ang kanyang bibig.
"Zelle?----" si Raize nasa tabi ko siya at may sinasabi na hindi ko narinig, hindi ko siya nilingon dahil nakatuon lang ang attention ko sa babaeng yun para kasing may kakaiba sa kanya. Ganyan na ganyan din ang takot niya nung makita ko siya sa room nila.
"Uy?--" kinalabit niya ako kaya nalingon ko siya "gusto mo bang ma late?" Tanong niya tapos tiningnan ko muli ang babae.. nahuli ko naman itong nakatingin din sakin tapos ay bigla nalang tumakbo papalayo.
What's with that girl?
Curiosity began building into my mind.
Parang may kung ano sa kanya na hindi ko pa masabi and I have to know it.******
Nasa room na kami ngayon at hinihintay ang teacher namin. Wala pa si Caster.. errr bago palang magpapalate na agad? Napatingin ako sa blankong upuan ni Caster at sunod na nahagip ng mata ko ang isang upuan na wala na namang nakaupo.
Wala siya?
O baka absent lang.
Ilang sandali pa ay nakita ko nang papasok ang teacher namin at sunod ay si Caster na tumatakbong papasok sa room at naunahan niya ang teacher namin.
"Good morning ma'am!" Nakangiting bati niya dito.
"Sit down Mr. Rimendale" utos sa kanya ng guro namin na ikinatawa ni Raize, napatingin naman si Caster sa kanya, ang lakas ba naman ng tawa. Nag mamadaling umupo si Caster at ang sama-sama ng tingin sa'min.
-.- na naman.
Tumahimik na si Raize ng makaupo si Caster.
Pag nag away talaga tong mga to ngayon i'uuntog ko ng sabay mga ulo nila sa semento. -,----------
"Okay class... Gen-Math is the...." Bigla siyang napatigil ng pumasok ang isang lalaki na kasalukuyang pinapahidan ang dugo na nasa kanang bahagi ng kanyang labi.
Napatingin ako sa necktie niya na hindi na maayos ang pagkakalagay at bukas ang isang butones nito sa itaas. Napansin ko din ang buhok nito na basa na dahil sa pawis at ang ibang hibla ay nahulog sa mukha niya.
Sinuklay niya ito gamit ang kamay pero nahuhulog parin ang ibang buhok na medyo nakaharang na sa kanyang mata. Napatigil naman ako sa tanawing iyon sa baba ng noo nya. Ang mga mata niya.
Bagaman natural na sa akin na makikitang walang emosyon pero sa loob ko parang bigla akong nakaramdam ng isang di maipaliwanag na pakiramdam.
Pakiramdam na parang inuubusan ka ng lakas at kapag tinitigan ka niya parang pinaparalisa ang buo mong katawan, kinakapos ka ng hininga at di makagalaw.
"Your late Mr. Fiertone" iniwas ko ang aking paningin ng maglakad ito palapit sa'min bago lumiko at tinungo ang upuan niya.
Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganong pakiramdam o pati sila?
YOU ARE READING
DARKNESS INSIDE
ActionAll of us had this hidden darkness deep within ourselves. But how can you change a heart that the primary concern is to seek for revenge? Then she met him. ******** [She] Makakapag higanti pa nga ba ako, kung ang pag hihigantihan ko ay unti- unti na...