Zelle's POV:
Pagkalabas ko ng classroom agad kong tinawagan si Raize tulad ng utos niya sakin. Nung una maayos niyang sinagot yung tawag ko pero di nag tagal parang naging timang bigla.. may pa Ninang-ninang Prof-prof pa sya.. (-_-) binaba ko na yung tawag pagkatapos..
Nag lakad lakad ako baka sakaling makita ko siya. May mga studyante akong nakaka salubong. Deretso Lang yung tingin ko habang naglalakad ng biglang may humila sakin. Malapit na ito sa locker room namin. Nakaramdam na ako ng sakit at hapdi sa ulo at braso ko na hindi pa magaling.
Dinala ako ng humila sakin sa isang parang abandonadong classroom dito sa Whelford.. mainit at medyo madilim dito. May mga silyang sira na at kesaming puno ng lawa.
Pagkapasok palang namin dun ay agad na akong itinulak sa may dingding malapit sa pintuan. Di ko talaga makita yung mukha niya dahil may suot itong itim na mask. Pero base sa pananamit ng isang to lalaki siya.
Iniharang niya yung braso niya sa leeg ko at yung kabilang braso naman at nakahimas himas sa buhok ko..
I clenched my jaw.
Shit!
"Good girl.." mahinang anas nito habang patuloy parin sa ginagawa niya..
Nanatiling nasa baba ang mga kamay ko habang dahan dahan itong ikinuyom. Napasinghap ako at napapikit ng biglang inilapit niya yung mukha niya sakin.. ni hindi ko magawang ilayo ang mukha ko sa kanya dahil na pako na ako sa pader.
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata ng maramdaman ang mga kamay nito na unti unting gumagapang sa braso ko. Sobrang hapdi parin nito kaya di ako masyadong maka galaw. Parang wala nang lakas ang lumalabas sa kaliwang braso ko dahil sa sobrang hapdi.
"Uh--wag ka nang pumalag.. masasaktan ka lang lalo eh at mas lalo mo lang gagalitin si queen" Ani nito sabay himas ulit sa buhok ko.
Nakakadiri ang isang to!
Taste my fist pag nakawala ako dito.Hinintay kong medyo mawala ang hapdi sa braso ko bago ako gumalaw.
Gamit ang kaliwang braso, hinila ko ang braso niya na ginamit nyang pang harang sa leeg ko at ginawa ko namang pang batok yung siko ng kanang braso ko. Deretso sa sahig ang lalaki na di ko alam kong gising pa.
Agad akong lumabas sa silid na iyon at agad na hinanap ang CR. Kinapa ko ang sugat ko sa braso
Shit! I cursed again ng makaramdam ako na medyo basa na ang tela na nakatakip sa sugat ko.
Medyo na mamanhid na din ito. Malamang dahil ito sa lakas ng pagtama nito sa pader kanina. Nakita ko naman ang unti-unting pag dami ng mga dugo na lumalabas sa sugat ko na unti-unti ding minamantsahan ang telang parte ng damit ko na nakatakip dito. Hindi ko parin nakikita kung saan banda yung CR dahil hindi pa naman ako nakakapag CR dito.
Huminto ako sandali at isinandal ang balikat sa puting ding ding ng hallway.
Kinapa ko ang bulsa ng jeans ko para sana tawagan si Raize dahil nasa bag ko ang mga gamit at gamot sa sugat ko pero wala rin dahil wala dito yung phone ko. , marahan akong napapikit at napa buntong hininga sabay ihip ng buhok ko ng maalalang inilagay ko pala ang cellphone ko sa loob ng bag ko kanina bago mag simula ang klase.
(-_-) Anong katanghan to?
It's almost 11:30 ng tingnan ko ang aking wristwatch at malamang nag sisimula na ang klase kaya malabo na din kung dala ko man ang cellphone ko dahil mahigpit na ipinagbabawal ang anomang maiingay na bagay sa loob ng room kapag class hour.. maliban nalang talaga sa mga studyanteng walang galang.
YOU ARE READING
DARKNESS INSIDE
AcciónAll of us had this hidden darkness deep within ourselves. But how can you change a heart that the primary concern is to seek for revenge? Then she met him. ******** [She] Makakapag higanti pa nga ba ako, kung ang pag hihigantihan ko ay unti- unti na...