ZELLE'S POV:
Ramdam ko ang pagka bigla ni Raize dahil sa sinabi ko. Anyways, inaasahan ko na tong mangyari.. it was just, not at this kind of shit.
"Z-Zelle..??"
"Then I will kill you now!" Sagot ni Galder, ang kaharap ko ngayon na handang handa nang sumugod.
I smirked."Then I will give you what you want"sabi ko sabay smirk. Napahigpit ang hawak ko sa samurai na hawak ng kaliwang balikat ko.
Agad naman siyang sumugod dala ang mahaba at matalim niyang samurai. Agad ko naman itong nasangga gamit ang dala ko ring samurai, ramdam na ramdam ko na ang hapdi ng braso ko dahil sa pwersang nailalabas ko dito.
Ilang sandali pa ay ramdam ko na namay umaagos na dugo sa balikat ko.
"Why don't you surrender?" Nakangising sambit nito.
You wish!
"And why would I---oldman?" Sabi ko sa blangko kong emosyon. Pagkatapos ay agad na naman siyang sumugod. Alam kong sobrang dehado na ako ngayon, I got a lot of bruise's sa ibang parte ng katawan ko. At may mga sugat pa akong hindi pa magaling sa braso ko.
Sunod sunod ang kanyang pag ataki at wala akong ibang magawa kundi ang pigilan lang ang bawat tira niya. Nag iipon ako ng lakas pero wala rin dahil kailangan kong maglabas ng pwersa para sanggain ang lahat ng pag ataki niya.
This old man is really strong. Pinuno ba naman ng mga assasins ni papa.. no wonder.
Raize... Please leave! Utos ko sa kanya gamit lamang ang ekspresyon ng aking mukha.
Raize's POV:
Sobrang naghihina na si Zelle at wala man lang akong ibang magawa kundi ang panoorin siyang nakikipaglaban, alam ko na kahit anong gawin ko wala parin akong magagawa hindi ko parin kayang talunin ang kalaban niya at baka maging sagabal lang ako sa pakikipaglaban niya.
Biglang tumayo yung mga balahibo ko ng lingonin niya ako. Parang may ibig siyang iparating sakin pero di ko alam kong ano. Halo halong kaba at pagkainis ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako para kay Zelle at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nakuha kung ano ang ibig niyang sabihin sa tingin niya na yun.
Biglang nawala sa paningin ko sila Zelle kaya naman agad kong inikot ang aking paningin.
Patuloy paring nilalabanan ni Zelle ang bawat tira ng matanda. May mga pagkakataon na akala ko matatalo na ni Zelle yung lalaki.. minsan naman akala ko si Zelle ang matatalo.
Ngunit labis kong ikinagulat ang mga sumunod na nangyari. Sobrang bilis pero nakita ko nalang na bumagsak na si Zelle sa sahig, duguan, parang nawalan na ng malay. Ang kalaban niya naman ay nakatayo di kalayuan sa kinaroroonan ni Zelle. Bit bit parin nito ang samurai na umiilaw sa sobrang talim.
"Should I kill you now?" Sabi nung matanda habang papalapit sa kinaroroonan ni Zelle.
Para namang may kung anong sumapi sa katawan ko at naramdaman ko nalang ang sarili kong katawan na kusang gumagalaw papalapit sa kalaban ni Zelle.
Wala na akong pakealam, but I have to save Zelle this time. Maraming beses na niya akong iniligtas.. ako naman ngayon. Itinaas ko ang hawak kong samurai at hinanda ang sarili.
Akmang aatake na sana ako ng biglang sobrang bilis ng pangyari. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakahiga sa sahig. Ang sakit ng kaliwang bahagi ng leeg ko. Napadaing ako sa sakit habang sapo sapo ang leeg na parang hinampas ng baseball bat.
Tatayo na sana ako pero para lumaban pa ulit nang biglang.
"P-pano?" Tanging salita na lumabas sa bibig ko.
YOU ARE READING
DARKNESS INSIDE
ActionAll of us had this hidden darkness deep within ourselves. But how can you change a heart that the primary concern is to seek for revenge? Then she met him. ******** [She] Makakapag higanti pa nga ba ako, kung ang pag hihigantihan ko ay unti- unti na...