Zelle's POV:
Pagka pasok palang namin ay may mga kalalakihan na na humarang sa'min at kahit anong dahilan ang sabihin ko ay hindi nila ako pinakikinggan .
Damn it! Do I have to use my strength against them?
Hindi na ako nag dalawang isip at agad na pinalipad ang kamao ko sa mukha nila isa isa naman itong nawalan ng malay pero may dumating pang limang lalaki. Of course I have to fight bahala na. I have to enter this freaking building no matter what.
I kicked his balls off nung tangkain niya akong hampasin ng dalang bakal napadaing siya sa sakit at mangiyak ngiyak na namimilipit sa sakit. Sumunod naman ang apat pa at sabay sabay ang kanilang pag sugod, inihanda ko ang sarili ko at saka tumalon ng mataas kasabay nun ay ang pagsipa ko sa mga mukha nila isa isa.
Knockdown!
Agad akong tumakbo papasok ng makitang wala nang bantay. Nakapasok na ako dito dati ng dalhin ako ni Lenux upang ipakilala sa iba pang myembro ng organization. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa second floor ng building na ito ang parang meeting area nila. I was just 8 ng dalhin ako ni Lenux dito.
Pagka akyat ko palang sa second floor ay dinig na dinig ko na ang palitan ng kanilang mga salita.
"But Luarzo, aren't you even thinking.. baka may madamay na inosente sa labas!!!" Halos pa sigaw na yun na sabi ni Caster habang nakahawak sa kwelyo ni Luarzo.
"But we have no choice Cast. Kailangan natin tong gawin kung hindi ay mas marami pang inosente ang madadamay..." Sumagot pabalik si Luarzo na parang magtitimpi nalang ng galit pero hinahayaan niya lang si Caster sa ginagawa nito.
Shit! What the hell is going on?
Biglang nalipat ang tingin ni Luarzo sakin kasabay nun ang paglingon ng lahat sa kinatatayuan ko huling lumingon si Caster na unti-unting tinanggal ang pagkakahawak sa kwelyo ni Luarzo. Puno ng pagtataka ang mga titig nila.
"Glad you came." Hindi na nagtaka pa si Luarzo, alam na alam niya na walang makakapigil pa sakin kahit ilang tauhan pa ang iharang niya sa daanan ko. I can easily get rid all of it.
"Where's Zuko?" Hindi ko siya pinansin bagaman ay nilapitan ko si Caster.
I just have to ask, hindi ko kasi siya nakita sa silid na ito. Zuko is like my elder brother. He cares for me like I'm his Lil sis back when I was 8, edad ko kung saan una akong dinala ni Lenux sa Trixpoint para hasain sa pag gamit ng ibat-ibang klase ng armas. I also cares, in return.
"He just left using one of our private planes. Pinuntahan niya ang pamilya niya sa Cebu." Pagpapaliwanag sakin ni Caster bigla namang sumimangot ang mukha nito at napataas ang isang sulok ng ibabaw na labi nito.
-.-
I get it. I forgot kasama ko pala si Raize.
Hindi ko nalang sila pinansin at inilipat ang paningin kay Luarzo na seryosong nakatingin sakin.
"Get rid of that stare, explain me what the hell is going on instead." Sabi ko sa kanya iginiya niya naman ako paupo sa mahabang black na couch. Sumunod naman agad sakin si Raize na parang hindi komportable na nakaupo sa harap ni Luarzo. I'm sure nagtataka na siya kung bakit andito ang isang guro sa unibersidad na pinapauskan namin. Ang alam niya lang ay isang teacher si Luarzo.
"Is it okay na andito ako? P-pwede akong maghintay nalang sa baba." Pabulong na sabi nito sakin.
"No. Stay" mas gugustuhin ko pang marinig at malaman niya na mismo dito palang para hindi na humaba pa ang paliwanagan namin mamaya.
YOU ARE READING
DARKNESS INSIDE
AcciónAll of us had this hidden darkness deep within ourselves. But how can you change a heart that the primary concern is to seek for revenge? Then she met him. ******** [She] Makakapag higanti pa nga ba ako, kung ang pag hihigantihan ko ay unti- unti na...