"ZELLE AKALAIN MO YUN TINULUNGAN TAYO NUNG MR. FIERTONE NA YUN... AKALA KO TALAGA KASI MASAMA SIYANG TAO NA WALA SIYANG PAKIALAM SA PALIGID NYA AT SA MUNDO PERO AKALAIN MO YUN............."
Isinalampak ko na lang ang headset sa tenga ko dahil sa ingay ni Raize na wala nang ibang ginawa kundi purihin ang lalaking yun, hayysss. Tch! Parang yun lang.
Nandito kami ngayon sa isang 24/7 na store, bibili lang kaming pagkain kasi paubos na naman ang stock namin sa ref. Raize kasi wala nang ibang ginawa kundi tumambay sa harap ng ref pag walang pasok. -.-
Kumuha na sya ng isang cart kaya nagsimula na akong mamili inuna ko ang gatas.. I love Milk.
Ngunit habang namimili ako biglang may nakita akong isang pamilyar na marka sa kamay ng lalaking kumuha ng isang botelya ng gatas.. automatic na nanindig ang mga balahibo ko. At parang nanghina ang mga tuhod ko.
Isang lalaki na naka black na jacket na may hood ang may marka na naman sa kamay ng tulad sa babaeng nakitang patay sa loob ng gym namin. Ang lalaking to ...
"Miss?"
B-bakit siya may marka niyan?
Ano ang koneksyon niya sa babaeng yun?"Miss?"
Hindi maari... Hindi pwede...
"Miss magkano to?"
Bigla kong nahugot ang hininga ko ng may isang matandang babae ang nag tanong ng presyo sakin."Uhm. D po ako saleslady..." sabi ko at agad na binalik ang paningin ko sa kinaroroonan ng lalaki ngunit wala na ito doon.
******
Pauwi na kami ngayon ni Raize at hanggang ngayon nasa utak ko parin ang lalaking yun kanina. Bakit may marka sya nun? Lahat ng may markang ganun ay namamatay.. kadalasan ay estudyante ng school namin. At dahil meron sya nun ibig sabihin na nasa panganib ang buhay niya. Malakas ang kutob ko na may koneksyon ang pinang gagalingan ng markang yun at ang eskwelahang pinapasukan namin nila Raize ngayon.
Sino sya?
********
Kakarating ko lang sa apartment at heto sa harap ko sila Riaze at Caster na kanina pa nag dedebate."Kahit naman anong gawin natin Raize, hindi parin natin pwedeng basta na lang gawin ang gusto mong mangyari.. maaaring manganib ang mga buhay ng inosenteng estudyante na nag aaral sa loob ng eskwelahang iyon kung totoo ngang may koneksyon sila sa grupong may markang ganun." Saad ni Caster. Sinabi ko kasi sa kanila ang nakita ko kahapon sa loob ng tindahan at ang mga possibleng kaugnayan nun sa mga nangyayaring pagpatay sa mga taong may markang kulay itim na tatlong triangle na magkasama at may buwan sa gitna.
Ngunit hanggang ngayon wala parin kaming naiisip na paraan upang mapatigil to.
***
Maagang nagising si Raize upang maghanda ng pagkain kaya maaga din kaming naka pasok sa paaralan.
Pagdating namin sa classroom ay sumunod din ng dating ang aming guro at hinati kami sa apat na grupo.
Si Caster at Raize ay magkasama at ako lang ang nahiwalay. I don't know. Sinasadya ata ng tadhana ang dalawa.
Our teacher give us time to plan for our booth at sabi pa niya. This activity will take a big part for our grades. This Whelford Fest will be a graded event sabi nya kaya all students was expected to do their best and participate.
Lahat ng grupo ay busy na sa pag paplano ng mga gagawin para sa kani-kanilang booth. Maliban lang siguro sa'min. Kulang kami ng myembro at apat lang kami ngayong magkaharap imbis sana na sampu.
YOU ARE READING
DARKNESS INSIDE
AcciónAll of us had this hidden darkness deep within ourselves. But how can you change a heart that the primary concern is to seek for revenge? Then she met him. ******** [She] Makakapag higanti pa nga ba ako, kung ang pag hihigantihan ko ay unti- unti na...