Brianna Salcedo
"Brianna, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Sir Joseph habang bumabyahe kami pabalik ng opisina. May kailangan pa kasi siyang kuhanin doon. Isang tipid na ngiti ang isinagot ko sa kaniya at saka tumingin sa labas ng sasakyan.
Bakit parang may ibig sabihin si Mr. Serrano kanina? At, sino 'yung tinutukoy niyang boss niya na nag-invest sa company namin. At saka, bakit hindi siya ang humarap sa amin kanina? Ah, baka busy? O baka may pinuntahang emergency?
Kahit anong pilit na pag-iisip ang gawin ko ay wala akong kilalang tao na pwedeng mag-invest sa company namin. Hay naku, huwag mo na ngang isipin 'yun, Brianna at baka niloloko ka lang ni Mr. Serrano.
Pagkadating sa opisina ay nagpa-alam na ako kay Sir na mauuna na akong umuwi. Nag-offer siya na ihatid ako sa bahay pero tinanggihan ko kasi nakakahiya. Isang jeep lang naman ang sasakyan ko para makauwi.
Teka, bigla akong nagutom. Daan muna kaya ako sa mall para kumain? Kahit snacks lang tapos sa bahay na ako kakain ng heavy meal. Kaya, imbes na sa terminal ng jeep ako dumiretso ay sa mall ako nagpunta.
Habang iniisip kung saan ako kakain at ano pa ang dapat kong bilhin dito sa mall ay napadaan ako sa isang bookshop pero mas mura ang presyo ng binebenta na mga libro dito. Medyo maaga pa naman kaya pumasok ako sa loob.
Pumunta ako sa Children's Book Section at tinignan kung ano ba ang pwede kong bilhin para sa mga bata sa bahay-ampunan. Kapag mayroon akong oras ay hindi ako pumapalya sa pagbisita sa kanila dala ang iba't-ibang pasalubong na mapapakinabangan nila at isa na doon ay ang mga libro.
Mahilig sila sa pagkukulay habang ang iba naman ay mahilig magbasa. Ang iba naman ay natututo na sa pagsusulat ng alphabets and numbers, pag-identify ng iba't-ibang kulay at animals. Kapag nakikita ko ang mga batang iyon na masaya ay gumagaan ang pakiramdam ko.
Nagsimula ang pagkahilig ko sa mga bata noong College ako. May subject kasi kami na kailangan naming magsagawa ng outreach program at turuan ang mga bata sa bahay-ampunan. Doon ko nalaman na ang ilan sa kanila ay sadyang iniwan sa tapat ng bahay-ampunan, ang ilan naman ay na-rescue ng mga orphanage staff sa kalsada mula sa panlilimos sa kalsada.
Sila ang nagpamulat sa akin na dapat maging thankful ako sa kung anong meron ako: Pamilya, sariling tahanan, edukasyon at ang pagiging malaya. Kaya, ipinangako ko sa sarili ko na tutulungan ko sila lagi sa abot ng aking makakaya. Gusto ko 'rin na magtayo ng mga bagong bahay-ampunan para sa mga bata na sa kalsada pa 'rin natutulog.
Kaso, sadyang may mga masasamang tao na gagamitin ang kahinaan ng iba para sa sarili nilang kapakanan. Siyempre, kunwari tutulong sa kanila pero ang totoo gusto niya lang na magmukha siyang mabait sa mga tao. Pabida masyado, mas pabida pa kay Jollibee. Naku, nanggigigil na naman ako.
Bigla akong natigil sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang sigawan ng mga tao. Napalingon ako sa labas ng bookshop at natanaw ang mga taong nagmamadaling maglakad papunta sa kung saan. Ano kayang meron? Pagkatapos kong bilhin ang lahat ng mga dapat bilhin ay sinundan ko ang mga tao kung saan sila papunta. Habang patuloy ako sa paglalakad ay palakas nang palakas naman ang naririnig kong sigawan hanggang sa mapunta ako sa Activity Area ng Mall.
Hindi mahulugang-karayom ang lugar dahil sa dami ng tao. Napatingin ako sa second floor hanggang sa pinakamataas na floor ng mall at maraming tao 'rin doon. May mga hawak silang cellphone na nakatutok sa stage na tila may hinihintay umakyat doon. Baka artista? Dahil sa sobrang siksikan ay naiipit at natatapakan na ako ng mga tao. Ano ba naman 'tong mga 'to! Tao 'rin naman iyang mga artista na iyan pero bakit parang handa kayong makipagpatayan para lang makita sila? Umalis ako sa kumpol ng mga tao at piniling tumayo sa hindi kalayuan. Tanaw ko pa 'rin naman ang stage pero at least dito ay safe ako.
Habang naghihintay ay kinuha ko muna ang cellphone at tinawagan ang Nanay ko. Ilang ring pa bago niya nasagot ang tawag.
[Hello, anak? Nasaan ka na?] Tanong sa akin ni Nanay.
"'Nay. Andito pa po ako sa mall, may binili lang. Ano pong gusto niyong pasalubong?"
[Bilhan mo 'ko ng-] Bigla akong napatakip sa tenga ko dahil sa malakas na pagsigaw ng mga tao. Ano ba naman iyan!
"'Nay tatawag na lang po ako ulit ang ingay dito, eh! Bye po!" Pinatay ko na ang tawag at saka tumingin sa stage kung saan nakatutok ang lahat ng mga tao. Tumingkayad pa ako para makita kung sino man ang dumating dahilan para mapatid ang litid ng mga tao dito kakasigaw.
"Magandang gabi po sa inyong lahat!"
Anak ng tinapa.
Siya?! Siya ang pinagkakaguluhan ng mga tao?!
Ilang minuto ng buhay mo ang sinayang mo Brianna para lang sa hambog na 'yan? My goodness!
Aba, todo pa siya sa pagkaway na akala mo ay kakandidato sa susunod na eleksyon. Mapunit sana iyang labi mo kakangiti! Bwisit ka. Ang mga tao naman halos mamatay na kakasigaw. Seriously, guys? Huwag ninyong sayangin ang boses ninyo sa hambog na 'yan. 'Yung mga tao naman sa second floor kulang na lang lumundag papunta sa stage. Nakakaloka. Aalis na sana ako nang biglang mas dumami ang mga taong gusto siyang makita.
"Aray! Aray! Ano ba padaanin ninyo ako!" Alam kong payat ako pero please lang naman huwag ninyo akong itulak! Pero, parang walang naririnig ang mga taong tumutulak sa akin sa pagrereklamo ko. Tuloy lang sila sa pagtutulakan at pagsisigawan. Wala na akong nagawa kasi kahit anong pilit ko naaanod pa 'rin ako ng mga tao.
"Aray!! Ano ba!!" Nahampas ang likod ko sa matigas na bagay dahilan para makaramdam ako ng sakit. Pero, itong mga tao na 'to wala pa 'ring pakielam sa kung ano ang nagawa nila sa akin! Napahawak ako sa likuran ko at napangiwi ako sa sakit.
"Damn!" Sa isang iglap ay biglang tumahimik ang paligid. Iba't-ibang reaksyon ang nakikita ko sa mga tao ngayon: nakakunot ang noo tanda ng pagtataka, napatakip sa bibig habang nanlalaki ang mga mata na tanda ng pagkagulat, pero ang iba ay abot tenga pa 'rin ang ngiti.
Nasa iisang direksyon lang ang kanilang tingin kaya't kitang-kita ko ang paggalaw ng kanilang mga mata mula sa stage hanggang sa tumingin sila sa ... akin?
Hindi ako pwedeng magkamali! Sa akin nga sila nakatingin. Napalunok na lang ako ng may maramdaman akong nakatayo sa likuran ko.
Don't tell me...
"Hey, are you okay?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na 'yun.
Naramdaman ko ang dalawang kamay na humawak sa mga balikat ko at inikot ako papaharap sa kaniya. Ang lalaking pinaka-ayaw kong makita sa lahat ng tao.
"Yanang, okay ka lang ba?" Mahinang tanong niya na sapat lang para kaming dalawa lang ang magkarinigan.
Tumingin ako sa sahig at nakita kong sira na ang lahat ng mga pinamili ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa hambog na nasa harap ko at siya naman ang napatingin sa may sahig. Bahagyang napakunot ang noo niya saka muling tumingin sa akin.
Walang salitang namagitan sa amin habang nakahawak pa 'rin siya sa mga balikat ko. May ilang bulung-bulungan na akong naririnig pero wala akong lakas para sigawan sila.
"Yanan-"
"Stop!" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa pagsigaw ko. Huminga ako ng malalim bago marahas na alisin ang mga kamay niya sa balikat ko. Napasighap ang mga tao na nakakasaksi sa eksena naming dalawa. Well, I don't care.
"Stop acting like you care, asshole. You can fool these people around us but not me. Not anymore." Isa-isa kong pinulot ang mga nasirang libro. May isang lalaki na akmang tutulong sa akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Sa ganitong badtrip ako talagang makakasapak ako, eh. Pagkatapos kong pulutin ang lahat ng mga pinamili ko ay tumayo ako at muling sinamaan ng tingin ang lalaking naging dahilan ng pagkabadtrip ko ngayon.
Hindi siya nakangiti pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Nakalimutan ko, magaling nga palang magpanggap ang lalaking 'to.
"I hope this will be the last time na magkikita tayong dalawa because seeing your face digusts me."
BINABASA MO ANG
Gregory Neil is My Ex-Boyfriend
ChickLitGregory Neil Almarez is one of the most sought-after bachelors in this country. Given na mayaman at pogi siya pero ang pinakahahangaan sa lalaking ito ay ang sobrang matulungin sa kapwa. He built an orphanage for abandoned kids, three apartments for...