Brianna Salcedo
Nahawi ang mga tao at maluwag ang daan na ibinigay nila sa akin habang naglalakad ako papalayo sa lalaking kinamumuhian ko.
Improving yata tayo ngayon, Brianna. Dati kinaiinisan lang ngayon kinamumuhian mo na siya.
Mapanghusga ang titig ng mga tao na nadaraanan ko. Malamang nagulat sila sa paraan ng pakikitungo ko sa lalaki na kulang na lang ay luhuran nila at sambahin. Taas-noo akong naglakad at sinalubong ang matatalim nilang mga titig.
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na ako sa Mall. Napangiti ako ng maalala kung ano ang nagawa ko.
"Very good, Brianna. Very good." Sabi ko sa sarili ko habang tinatapik ang kaliwa kong balikat. I am so proud of myself.
Anong akala niya? Na matutuwa ako dahil nakita ko ang pagmumukha niya? Neknek niya! After ng mga ginawa niyang kabwisitan sa buhay ko dati feeling niya magiging masaya ako? Dapat nga hindi na siya nagbalik dito at doon na siya nabulok sa kung saan man siya nanggaling. Maghahasik na naman ng lagim ang hambog na 'yun dito.
Naku! Nakalimutan kong bumili ng pagkain at pasalubong kay Nanay! Bwisit kasi na-
"Wah!" Muntik na akong matumba dahil sa pagbangga sa akin ng isang lalaki pero buti na lang at nasalo niya ako.
Kaso, ang awkward nga lang ng posisyon namin. Nakayakap siya sa akin habang ang mga kamay ko ay nakalapat sa dibdib niya at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
Teka, mas mukha pa siyang gulat kaysa sa akin, ha? Titig na titig kasi siya sa mga mata ko at bahagya pa siyang nakanganga. Kawawa namang ang mga pinamili ko kanina pa sila nalalamog.
Tinulak ko ang lalaki dahilan para maghiwalay ang mga katawan namin sa isa't-isa.
"So-sorry." Nauutal na sabi niya habang nakahawak sa batok niya at tila nahihiya.
"Snatcher ka ba? Anong trip mo sa suot mo?" Paano ba naman kasi ay nakasuot siya ng black hoodie jacket idagdag pa ang suot niyang cap na bahagya niya pang ibinaba para matakpan ang mga mata niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid at saka muling humarap sa akin.
"Hindi ako snatcher. May humahabol lang kasi sa akin." Halos pabulong niyang sa sa akin.
"Snatcher nga." Napatingin ako sa sahig at muling nakita ang kaawa-awang lagay ng mga libro na binili ko. Mapapakinabangan pa kaya ang mga iyan?
"Hindi nga ako snatc-" Naputol ang pagsasalita niya nang biglang may sumigaw na babae hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.
"Lex baby! Nasaan ka na ba!?" Napatingin ako sa babaeng sumisigaw. In fairness, ang ganda niya tapos maputi pa. Sino kaya hinahanap niya? Baby? Anak o boyfriend?
"Damn. Bakit ba ayaw niya akong tigilan?" Nabalik ang atensyo ko sa lalaking nasa harapan ko. Nakatingin na 'rin pala siya sa babaeng tinitignan ko. Siya ba 'yung hinahanap ng babae?
"LQ kayo ng jowa mo o naglalaro ng tagu-taguan?" Napatingin siya sa akin at walang sabi-sabi na hinila ako papalayo sa babaeng naghahanap sa kaniya.
"Oy, teka! Saan mo ako dadalhin? 'Yung mga libro ko!" Pilit kong inaagaw sa kaniya ang kamay ko na mahigpit niyang hawak.
"We'll buy new books basta huwag lang dito. Let's buy somewhere else." Plain na sabi niya.
"Wala na akong pera pambili ng mga bagong books." Naglalaan ako ng pera o budget sa mga bibilhin ko para sa bahay-ampunan sa tuwing sumasahod ako. Kaya ngayon wala na akong budget para doon kasi nagastos ko na.
"Akong bahala." Patuloy lang siya sa paghila hanggang sa makarating kami sa parking lot ng mall. Pinindot niya ang kaniyang car remote control key dahilan para mag-blink ang head light ng isang sasakyan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at ito naman ako ay dali-daling sumakay. Siya naman ay umikot papunta sa driver's seat at saka pinaandar ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Gregory Neil is My Ex-Boyfriend
Chick-LitGregory Neil Almarez is one of the most sought-after bachelors in this country. Given na mayaman at pogi siya pero ang pinakahahangaan sa lalaking ito ay ang sobrang matulungin sa kapwa. He built an orphanage for abandoned kids, three apartments for...