Chapter 2 - The Lucky Charm

72 7 6
                                    

Brianna Salcedo

Tatlong araw na ang lumipas pagkatapos ng exclusive interview ng hambog na 'yun. At tatlong araw na 'rin akong laging iniinis ni Janesa!

"Yanang. Paki-check naman 'yung sinend kong file sa e-mail mo." Nang-aasar na sabi niya. Bigla namang lumingon sa amin si Harold, ang isa sa mga graphic artists namin.

"Yanang? Parang familiar ang name na 'yun." Sabi niya. Pinandilatan ko ng mata si Janesa pero tinawanan lang ako ng huli. Tignan mo ipapahamak pa yata ako nito, eh!

"Tigilan mo 'ko sa kakatawag niyan, Nesa. Hindi nakakatuwa." Inis kong sabi sa kaniya. Buti naman at tinigilan na niya ako at bumalik na sa pagtatrabaho.

Ano ba ang problema ng hambog na 'yun? Ang tahimik na ng buhay ko. Happy na ako kasi wala na siya tapos ngayon babalik pa? Hindi ako bitter. Sadyang naiinis lang ako kasi kung maka-arte siya akala mo siya ang mabait. Imbes na matuwa lalo lang akong nabwisit sa kaniya. Kung gagamitin niya ako para sa reputasyon niya pwes hindi ako papayag. Manigas siya!

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, puro mukha niya ang makikita sa t.v. Mas marami pa nga ang exposure niya kaysa sa mga artista, eh. Magkano kaya ang binayad niya sa mga 'yun?

Napalingon ako sa may labas ng building namin at nakita kong inuumpisahan na pala ang paggawa ng building sa tapat namin. Ang balita ko, publishing company 'rin 'yan pero ang pagkakaiba namin mas bigatin sila.

"Ilang buwan na lang matatapos na ang paggawa diyan sa kabila." Sabi ni Janesa habang nakatingin din sa tinitignan ko.

"Oo nga, eh. Bakit kasi diyan pa sa tapat natin bumili ng lupa eh marami naman sa ibang lugar." Sabi ko.

"Baka gusto talaga tayong kalabanin. Tayo lang kasi ang nag-iisang publishing company sa lugar na ito." Sagot naman ni Janesa.

"Imbes na kalabanin tayo dapat naawa na lang sila sa atin. Hindi naman tayo bigatin katulad nila. Walang puso, parang si hambog." Hindi ko na hinintay na hiritan pa ako ni Janesa ng pang-aasar at tumayo na ako dala ang mga contracts na kailangang pirmahan ni Sir Joseph. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan.

"Okay, sir. See you later. Bye." Mula sa pagkakatalikod sa akin ay humarap sa akin si Sir Joseph. Pagkakita sa akin ay binigyan niya ako ng isang malapad na ngiti, malayo sa seryoso niyang mukha kanina.

"Iba talaga ang charms ko sa'yo, Sir. Napapangiti agad kita, eh." Pabiro kong sabi sa kaniya at lumapit sa table niya. Nilapag ko na 'rin ang mga folders na kinalalagyan ng mga kontrata na kailangan niyang pirmahan. Umupo siya sa swivel chair niya at kinuha ang lahat ng folders.

"Oo naman, Salcedo. Ikaw nga ang lucky charm ko kaya kahit naghihingalo ang kompanya patuloy pa 'ring nabubuhay." Bakas sa boses ni Sir Joseph ang lungkot. Umupo ako sa upuan na nasa tapat ng kaniyang lamesa.

Masakit mang isipin pero totoo ang sinabi niya. Habang lumilipas ang mga buwan papahina nang papahina ang kita ng kompanya. Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng maraming gawa at hindi ko alam kung kailan magkakaroon ulit. Dagdag pa sa iniisip namin ay ang itinatayong bigating publishing company sa tapat namin.

"Sir naman. Wala na tayo sa school kaya Brianna na lang po ang itawag niyo sa akin. Feeling ko po kasi Tatay ko ang tinatawag niyo kapag sa apelyido niyo ako tinatawag, eh." Pag-iiba ko sa usapan. Napatawa naman ang matanda sa sinabi ko.

"Loko-loko ka talagang bata ka." Tumatawang sabi ni Sir habang patuloy pa 'rin sa pagbabasa ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan.

"Balik na ako sa table ko, Sir. Balikan ko na lang po iyang mga papers after niyo pong mapirmahan." Tumayo na ako at papalabas na sana ng opisina ni Sir nang bigla siyang magsalita.

"Samahan mo ako mamaya. May meeting ako sa isang possible investor sa kompanya natin." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. First time niya akong isasama sa meeting niya, ha.

"Oh, bawal tumanggi. Remember, ikaw ang lucky charm ko." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Sir. Hindi naman ako tatanggi, nang-uto pa.

Alas-singko na ng hapon nang lumabas si Sir at nilapag sa table ko ang mga napirmahan na niyang mga documents. Nagpa-alam na ako kay Janesa at nasabi ko na 'rin sa kaniya na isasama ako ni Sir sa meeting niya.

Habang papunta kami ni Sir sa lugar kung saan sila magkikita ng possible investor sa company namin ang saya niya. Paminsan-minsan ay sinasabayan niya pa ang kanta sa radyo. Okay lang naman sa akin kasi maganda ang boses niya.

Inihinto ni Sir ang sasakyan niya sa harap ng isang marangyang Restaurant. Pagpasok namin ay sinalubong kami ng isang babae na nakasuot ng ternong itim habang ang buhok naman niya ay maayos na nakapusod. Tuwid siyang nakatayo habang nakangiti ng napakaganda sa amin.

"Reserved table for Mr. De Guzman." Sabi ni Sir Joseph. Aba, bigatin si Sir, ha. Nagpa-reserved pa sa mamamahaling Restaurant.

"This way, Sir." Iginaya kami ng babae papunta sa table na ni-reserved ni Sir Joseph. Halos nasa gitna ang pwesto namin. Pagkarating sa table ay pinili kong umupo sa katabing upuan na inuupuan ni Sir Joseph.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid. Magagandang ilaw at palamuti na tamang-tama lang sa anyo ng restaurant. Sa isang bahagi ng restaurant ay mayroong lalaki na tumutugtog ng napakagandang musika gamit ang grand organ. Bigla akong naasiwa sa kung ano ang suot ng mga taong kasama namin dito. Napaka-formal kasi nila samantalang ako polo shirt na may tatak pa ng logo ng kompanya namin at maong pants lang ang suot. Idagdag pa ang kulay itim na rubber shoes na suot ko.

Inilipag ng isang waiter ang dalawang basong tubig at saka umalis. Kinuha ko ang isang baso at sinimulang uminom dahil sa panunuyo ng lalamunan ko.

"Sir, excited lang ba talaga kayo dahil napa-aga ang dating natin or sadyang late lang ang kausap niyo? Isang oras na tayong naghihintay puro tubig na po ang laman ng tiyan ko." Pero imbes na sagutin ako ay tumingin lang siya sa wrist watch niya at ngumiti. Hala, nalipasan na yata ng gutom si Sir! Napatingin siya sa may pintuan kung saan kami pumasok kanina at lalong lumapad ang ngiti niya. Tumayo siya at inunat ang bahagyang nagusot niyang polo.

Mukhang bigatin talaga ang ka-meeting ni Sir.

Tumayo na 'rin ako at saka tumingin sa tinitignan niya. Isang lalaki na naglalakad na halatang nagmamadali ang papunta sa direksyon namin. Inayos niya 'rin ang kaniyang salamin. Pagkalapit sa amin ay iniabot niya ang kaniyang kamay kay Sir Joseph para makipag-shake hands at tinanggap naman ito ng huli.

"Sorry for being late, Mr. De Guzman. Naabutan lang po ng traffic." Paghingi niya ng paumanhin.

"No worries, Sir. Kararating lang 'rin naman namin." Napatingin ako kay Sir at nginitian niya lang ako na parang nagsasabing sakyan ko na lang siya. Pagkaupo naming tatlo ay napatingin ako sa lalaking kaharap namin. Mukhang mayaman nga siya at makakatulong ng malaki sa kompanya namin. Tumingin siya sa akin at napangiti. Okay, ang awkward.

"Nice meeting you, Ms. Brianna Salcedo." Nakangiti niyang sabi.

"Kilala mo ako?" Sa pagkakatanda ko kasi hindi ko nabanggit sa kaniya ang buo kong pangalan, pati na 'rin ni Sir Joseph. Mukhang nahalata niya ang pagtataka sa mukha ko at saglit siyang tumuro sa may bandang dibdib ko.

"Nabasa ko lang diyan sa i.d mo." Oo nga pala! Nakasuot pa ako ng i.d. Sa sobrang pagmamadali ko hindi ko pa ito natanggal. Naku naman nakakahiya.

Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa negosyo. Seryosong seryoso silang dalawa at kitang-kita ko 'rin ang determinasyon ni Sir na mapa-oo ang kausap na lalaki na makapag-invest sa kompanya namin.

Ilang minuto ang lumipas at nagpirmahan sila ng kontrata. Teka, anong ibig sabihin niyan? Tumayo silang dalawa at nag-shake hands samantalang ako ay nakaupo pa 'rin.

"Thank you for investing in our company, Mr. Serrano." Masayang sabi ni Sir Joseph.

"Hindi po dapat ako ang pasalamatan niyo, Sir." Sabi naman ni Mr. Serrano at bigla siyang tumingin sa akin. "Dahil po kay Ms. Brianna kaya nag-invest sa inyo ang boss ko." Literal na napanganga ako sa sinabi niya.

Bakit naman naging ako ang dahilan? Eh, hindi ko nga siya kilala maging ang tinutukoy niyang boss. Prank ba 'to?

Gregory Neil is My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon