Brianna Salcedo
"Good morning, Brianna!" Kahit hindi ako lumingon ay alam kong may mapang-asar na ngiti na naman si Janesa. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa pag-aayos ng gamit ko. Narinig ko naman ang paggalaw ng upuan niya at ang pagtunog ng computer unit tanda na binuksan niya ito.
"Bakit masyado namang seryoso ang bestfriend ko? Smile, girl! Ang aga aga nakabusangot 'yang mukha mo." Tinigil ko ang ginagawa ko at humarap sa kaniya.
"Alam mo may kasalanan ka sa akin! Kaya pala nando'n 'yung hambog na 'yun kasi inimbitahan mo! Tapos sa kaniya pa galing 'yung cake? Paano kung may lason 'yun tapos kinain ng pamilya ko?!" Natawa naman siya sa sinabi ko. Totoo naman!
"Ang OA mo, Bria! Tumigil ka nga diyan. At saka, wala naman akong nakikitang masama kung imbitahan ko ang taong tumulong sa company natin, hindi ba? Pa-thank you ko na 'rin 'yun sa kaniya." At talagang pinagdiinan niya pa na ang lalaking 'yun ang tumulong sa kompanya namin! Lalong sumasakit ang ulo ko sa babaeng 'to, eh!
Hindi na ako nakipagtalo kay Janesa at bumalik sa pwesto ko saka nagsimulang magtrabaho. Base sa naririnig kong usap-usapan ng mga katrabaho ko ay pupunta ngayon si hambog. Naku naman po, masisira na naman ang araw ko sa kaniya. Wala po bang pahinga, Lord? Quota na po ang inis ko sa kaniya kahapon, eh.
At dumating na nga ang oras na pinakahihintay ng lahat, bukod sa akin siyempre, ang pagdating ni hambog kasama si ... teka, parang kilala ko ang kasama niya, ha?
"Mr. Serrano?" Tama! Siya nga 'yun! Parang narinig niya ako at saka tumingin sa kinauupuan ko at saka ngumiti. Hindi ko alam kung ngiti ba ang nagawa ko kasi nagulat ako na kasama niya si hambog. Aha! Siya pala ang tinutukoy ni Mr. Serrano na boss niya. Eh, bakit hindi na lang siya mismo ang humarap sa amin ni Sir Joseph. Kung sa bagay, kung siya ang humarap sa amin ay panigurado iiwan ko si Sir Joseph doon. Bahala sila mag-usap.
Halos hindi na kami nagtrabaho dahil nagpatawag ng meeting ang hambog. Lahat kami nagsiksikan sa maliit na opisina ni Sir Joseph. Ayaw ko na nga sanang sumama para kahit papaano ay lumuwag sila kaso ayaw naman akong payagan.
Marami siyang sinabi tulad ng pagpapa-renovate ng building na'to. Oo, buong building binili niya kaya para pati 'yung ibaba ay magawan ng opisina. Tapos, magdadagdag ng computer units at kasabay neto ay ang pagkakaroon ng opening sa iba't-ibang position. Siyempre dahil sa kilala siya ay marami siyang makakausap na magiging bagong customer namin. Maganda sa kung maganda kaso nga lang, dagdag trabaho.
Pagkatapos ng meeting ay mabilis pa ako kay Flash sa pagbalik sa pwesto ko. Medyo hindi napigilan ng mga katrabaho ko 'yung pagiging PG (Patay-gutom) nila kaya nag-request sila ng pizza. At ito namang isa nagpa-uto.
"Teka. Ano ba oorderin natin?" Tanong ni Mikael. Siya yata ang oorder, eh.
"Brianna, anong gusto mong flavor ng Pizza." Tanong sa akin ni hambog.
"Bakit ako tinatanong mo? Hindi naman ako magbabayad." Paglingon ko kay Janesa ay pinandidilatan niya ako ng mga mata niya. Hay naku naman! Napa-iling na lang ako sa nangyayari sa paligid ko. Teka, ano bang --
Aha! Alam ko na, hindi ko mapigilang hindi mangiti sa naiisip ko. Ang talino mo talaga, Brianna! Tumayo ako at tumingin kay hambog. Ako pa talaga ang tinanong mo, ha.
"Hawaiian na lang, Kel. Gusto ko 'yung maraming pineapple na toppings, ha?" Matagal tumitig sa akin si hambog na parang hindi ngayon lang niya narinig ang "pineapple" as "toppings" sa "pizza". Saglit siyang ngumiti sa akin at saka tumingin kay Mikael.
"Hawaiian Pizza daw." At pagkatapos noon ay pumunta siya ulit sa loob ng opisina ni Sir Joseph kasunod si Mr. Serrano. Success! Tignan natin ngayon kung makakain ka ng pizza.
Ipainom mo na sa kaniya ang purong Ampalaya Shake huwag mo lang siyang papakainin ng Hawaiian Pizza. Bakit? Sinusumpa niya kasi 'yun. Hindi daw kasi bagay ang pineapple sa pizza. Well, sorry siya! Ako pa kasi ang tinanong niya, eh.
Nakikita-kita ko na ang magiging itsura niya mamaya. Mukhang may isang tao na mamamatay sa gutom ngayong araw, ha. Sa wakas! Makakaganti na 'rin ako.
Maya-maya lang ay dumating na ang pinadeliver nilang pizza. Tuwang-tuwa ang lahat at nakitawa ako sa kanila hindi dahil sa masaya akong may pizza kung hindi dahil makakaganti na ako sa panget na 'yun. Patalon-talon pa akong lumapit para kuhanin ang isang box at dinala sa pwesto ko. Hati naman na kami dito ni Janesa. Pasimple kong sinundan ng tingin si Mikael na naghatid ng isang box sa opisina ni Sir Joseph.
Medyo naiwang bukas ang pinto kaya kita ko 'yung mukha ni hambog pagkakita sa box ng pizza. Nagpasalamat siya kay Mikael at saka binuksan ang box ng pizza. Kumuha siya ng isang slice at pagkatapos ay sinimulan niya itong kagatan.
No. way. Tama ba itong nakikita ko? KUMAKAIN SIYA NG HAWAIIAN PIZZA? After ng isang kagat ay nasundan pa ito hanggang sa naubos niya ang isang slice! Aba! Kumuha pa siya ng pangalawa!
"Paano-"
"Paano tumitig sa isang gwapong lalaki na kumakain ng pizza nang hindi nahahalata? Naku, girl. Titig na titig ka naman! Kalma, okay? O baka naman naiinggit ka sa pizza?" Hindi ko pinansin ang pang-aasar ni Janesa. Never ko pa siyang nakitang kumain ng Hawaiian Pizza. As in never! Kahit nga 'yung 'yung dare sa kaniya hindi ginawa instead nagbigay na lang siya ng pera para lang huwag niyang gawin 'yun. And then ngayon, kung kumain siya akala mo wala nang bukas?
Ano ba 'yan! Akala ko pa naman makakaganti na ako sa kaniya hindi pa pala! Hindi bale, may ibang pagkakataon pa naman, eh. Pero sisiguraduhin ko na hindi na ako papalpak next time.
BINABASA MO ANG
Gregory Neil is My Ex-Boyfriend
ChickLitGregory Neil Almarez is one of the most sought-after bachelors in this country. Given na mayaman at pogi siya pero ang pinakahahangaan sa lalaking ito ay ang sobrang matulungin sa kapwa. He built an orphanage for abandoned kids, three apartments for...