Brianna Salcedo
Hindi ito isang ordinaryong araw para sa akin dahil ngayon ay ang aking kaarawan. Kagabi pa lang ay nagpa-alam na ako kay Sir Joseph na hindi ako makakapasok dahil alam ko na magiging abala kami ngayon ni Nanay sa bahay. Nakasanayan na kasi ng pamilya namin na maghanda ng kaunting salo-salo para ipagdiwang ang aking kaarawan. Ito na 'rin ang pagkakataon namin para makasama ang ilan sa mga kamag-anak namin na lumuluwas galing probinsya.
Umaga pa lamang ay nagtungo na kami ni Nanay sa palengke para mamili ng mga lulutuin namin. Usually, naghahanda si Nanay ng tatlo hanggang apat na putahe o ulam at hindi pwedeng mawala ang paborito ko na kare-kare. Hindi na 'rin gumagawa ng iba pang panghimagas si Nanay dahil ang ginagawa niyang leche flan ang kaniyang inihahanda.
Pagkatapos naming mamalengke ay umuwi na kami at saka nagsimulang magluto. Hiwa dito, hiwa doon. Pakulo dito, pakulo doon. Tikim dito, tikim doon. Mabilis na lumipas ang apat na oras at sa wakas ay natapos na 'rin kaming magluto. Ala-una na ng hapon at nagsimula na 'ring mag-ayos sa labas ng bahay namin si Tatay.
Siya ay nagtayo ng tatlong tent at sa ilalim nito ay mayroong tatlong mahahabang lamesa. Hindi 'rin mawawala ang karaoke machine na kaniyang inarkila.
"Brianna, nasa terminal na ng bus sila Auntie Lorna mo sunduin mo na." Sabi sa akin ni Nanay. Si Auntie Lorna ang kaniyang bunsong kapatid na kasalukuyang nakatira sa Pangasinan. Doon niya 'rin nakilala ang kaniyang asawa na si Uncle Delfin na isang doktor.
"Sige 'nay. Magbibihis lang po ako." Agad akong nagtungo sa kwarto ko para maligo at magbihis. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumyahe na ako papunta sa terminal ng bus.
Napakaraming tao ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa terminal ng bus pero buti na lang at sa saglit kong paghahanap ay nakita ko 'rin si Auntie Lorna kasama ang kaniyang anak na si Lorrie.
"Hi, Ate Brina! Happy birthday po." Kasabay ng pagtawag niya sa akin ay ang mahigpit niyang pagyakap sa bewang ko. Simula kasi ng medyo natuto siyang magsalita ay hindi niya mabanggit nang buo ang pangalan ko. Nabubulol kasi siya kaya naging Brina na lang ang tawag niya sa akin. Umupo ako para maging kapantay ko siya at saka siya hinalikan sa pisngi.
"Salamat, Lorrie. Ano gift mo kay ate?" Napahagikgik naman siya sa tanong ko at saka may kinuha sa sling bag na nakasabit sa katawan niya.
"Ito po, oh." Iniabot niya sa akin ang isang maliit na box at nang buksan ko ito ay nakita ko ang kulay pink na pares ng hikaw.
"Look, ate. Pareho po tayo." Napatingin ako sa kaniya na hinawi pa talaga ang buhok para makita ko ang hikaw na nakasabit sa maliit niyang tenga.
"Wow naman. Salamat, Lorrie. Ito ang first gift na natanggap ko today. Thank you!" Hinalikan ko siya ulit bago isinuot ang bigay niyang hikaw.
Habang nasa byahe kami pauwi ay panay ang kwento ni Lorrie tungkol sa studies and friends niya. Natawa nga ako ng sabihin niya sa akin na may crush na siya at ayaw niyang sabihin kina Auntie at Uncle dahil daw baka magalit. Lagi daw kasing sinasabi ng Mommy at Daddy niya na kahit ten years old na siya ay siya pa 'rin ang baby girl nila.
"Ate Brina, invited 'rin ba si Kuya Greg?" Napakunuot ang noo ko sa tanong niya. Oo nga pala, close silang dalawa at laging naglalaro dati. She loves to play with him lalo na kapag ipinapasan siya nito sa kaniyang likod.
At, asa naman siya na iimbitahan ko siya sa birthday ko. Ayoko ngang masira ang espesyal na araw sa buhay ko. Ayokong mabwisit at maimbyerna, no!
Pagkarating namin sa bahay ay nandoon na 'rin ang ilan pa sa aming mga kamag-anak. Mula sa side ni Tatay at ni Nanay. May ilan na 'rin kaming mga kapitbahay ang naroon at nagsisimula nang kumain at kumanta. Kanila naman akong binati kahit na saglit lang akong napadaan sa kinauupuan nila.
BINABASA MO ANG
Gregory Neil is My Ex-Boyfriend
ChickLitGregory Neil Almarez is one of the most sought-after bachelors in this country. Given na mayaman at pogi siya pero ang pinakahahangaan sa lalaking ito ay ang sobrang matulungin sa kapwa. He built an orphanage for abandoned kids, three apartments for...