Brianna Salcedo
Ano ba ang nangyayari? May dumi ba ako sa mukha? O hindi naman kaya ay sira at may mantsa ang damit? O baka sadyang nagagandahan lang sa akin ang mga tao ngayon?
Simula kahapon habang magkasama kami sa park ni Xander ay may ilang mga tao na pinagtitinginan kami. Ang buong akala ko ay dahil sa kasama ko siya kaya nasa amin ang atensyon ng mga tao pero nagkamali ako. Dahil sa kung paano tumingin sa akin ang mga tao kahapon ay ganoon pa 'rin ang titig na ibinibigay nila sa akin ngayon. Tapos ang nakakapagtaka pa ay pagkatapos nila akong titigan ay magbubulungan sila ng kasama nila o hindi naman kaya ay titingin sa cellphone nila.
What's wrong with these people?
Nakakunot ang noo ko hanggang sa pagpasok ko sa trabaho at maging ang mga kasama ko dito ay sobrang weird ng ikinikilos.
"Nesa. Ang weird ng mga tao ngayon. Anong nangyayari?" Tanong ko kay Janesa pagka-upo ko sa pwesto ko.
"Hala, girl. Hindi mo knows?" Napairap ang mga mata ko sa hangin dahil sa tanong ni Janesa.
"Magtatanong ba ako sa'yo kung alam ko ang sagot? Sabihin mo nga, naging tatlo na ba ang mga mata ko? Tinubuan ng isa pang ulo? Ano? Ang weird kasi tumitig sa akin ng mga tao." Napa-iling na lang si Nesa at saka nagsimulang mag-type sa keyboard ng kaniyang computer.
"Ito ang sagot sa katanungan mo." Sabi ni Janesa. Lumapit ako sa kaniya at saka tinignan ang monitor ng kaniyang computer.
"Oh, damn." Teka! Bakit..bakit nasa internet ako? At saka, parang pamilyar ang picture na ito ha.
"Congrats, girl! Instant celebrity ka na. Ang galing mo 'rin kasi. Inaway mo si Neil sa harap ng madlang people ayan tuloy viral ka ngayon!" Napatapik ako sa noo ko. Nakalimutan ko na puro pala kampon niya ang nandoon!
Nasa isang website ang picture ko habang kitang-kita sa pagmumukha ko ang galit kay hambog habang nagtatalo kami sa Mall. Inagaw ko kay Janesa ang mouse ng computer at nag-scroll down para makita ang mga comments sa photo.
Jonalyn Jacinto: Wow! Ang lakas ng loob mong awayin si Gregory!!!! Pakita ka sa akin sapakan tayo!
What the hell. May karapatan akong awayin ang hambog na iyan, no! Kulang pa nga, eh. Dapat sinapak ko pa 'yan.
Ariana Jane Rivera: Kinaganda mo 'yan, 'te? 'yung pagsigaw kay Bebe Greg ko?!!
Iyo na, bata. Iyo na ang hambog na iyan. Hindi ko siya inaangkin.
Daniella Federacion: Pasikat si ate! Siguro modus niya lang iyan para makita ang asawa ko!
Oh my goodness! Nagpapatawa ba siya? Kahit nga anino niya ayaw kong makita! I'd rather die than to see his face ever again!
Marami pa akong hate comments at pangba-bash na nabasa patungkol sa akin. 'Yung iba nga minura pa ako in Tagalog and in English. Kaya pala ganoon na lang ang titig ng mga tao sa akin dahil malamang nabasa na nila ang post na ito. Masyado siguro akong busy kahapon kaya nakalimutan ko na ang nangyari sa Mall.
Naglakad ako pabalik sa table ko at hinilot ang magkabila kong sentido. Siya ang may kasalanan nito, eh. Siya ang dahilan kung bakit hinuhusgahan na ako ng mga tao. One time pa lang nila akong nakita pero 'yung panghuhusga nila nadamay na ang mga kasalanan sa past life ko.
May hihigit pa ba sa nararamdaman kong pagkamuhi sa kaniya? Pagkamuhi version 2.0? Kasi ganoon ang nararamdaman ko! Inis kong ginulo ang buhok ko at saka malakas na hinampas ang lamesa na siyang naging dahilan para mapunta sa akin ang atensyon ng mga taong nandito.
Bwisit ka talagang hambog ka! Bakit ba hanggang ngayon ay peste ka pa 'rin sa buhay ko?
Buong maghapon akong nakasimangot habang nagtatrabaho. Si Janesa lang ang nakakalapit sa akin dahil takot akong lapitan ng ibang katrabaho ko. Kahit si Sir Joseph ay hindi ako masyadong nilalapitan.
BINABASA MO ANG
Gregory Neil is My Ex-Boyfriend
Chick-LitGregory Neil Almarez is one of the most sought-after bachelors in this country. Given na mayaman at pogi siya pero ang pinakahahangaan sa lalaking ito ay ang sobrang matulungin sa kapwa. He built an orphanage for abandoned kids, three apartments for...