Chapter 1 - The Almarez's Virus

95 6 8
                                    

Brianna Salcedo

NAKAKAINIS!

Kahit saan ako lumingon puro mukha ng hambog na iyon ang nakikita ko! Mapa-diyaryo, magazine, billboards and poster mukha niya ang makikita. Ang nakakasuya niyang mukha. Ang nakakabwisit niyang ngiti na nagpapalabas ng mga dimples sa magkabila niyang pisngi. Hay, naku! Kung pwede lang masuka ginawa ko na.

Habang naglalakad maraming mga babae ang nakatitig sa posters kung saan naka-print ang pagmumukha niya. 'Yung iba kulang na lang ay tumulo ang laway. Walang halong biro! Parang anytime mahihimatay sila sa sobrang kilig. Ang iba kinukuhanan pa ng picture ang posters at pagkatapos parang umiihi dahil sa bahagyang pangingisay ng katawan nila. Kids these days.

Biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Pagkakuha ko ay binasa agad ang text na galing kay Janesa, ang bestfriend ko at kasama ko 'rin sa work. Pinapadaan niya ako sa bookstore para bumili ng sampung pirasong ballpen at isang rim ng bond paper. Bond paper na naman? Eh, kakabili ko lang noong isang linggo ngayon ubos na? Kung sa bagay, marami 'rin kasi ang tanggap ng gawa namin ngayon.

Ako ay nagtatrabaho sa isang publishing company bilang isang sekretarya. Ewan ko kung sekretarya pa ba ang tawag sa trabaho ko kung pati trabaho ng isang graphic artist ay ginagawa ko na 'rin. Kasama na sa trabaho ko ang pagsagot sa tawag ng mga customers namin, pagsagot sa inquiries thru phone and e-mail, pagsasa-ayos ng delivery ng mga libro, magazines or kung anuman na pinagawa sa amin, pati na 'rin ang pag-compute ng sales namin ako na 'rin ang gumagawa.

Hindi ako nagrereklamo kahit halos ako na 'rin ang magsilbing janitress sa pinapasukan ko. Malaki kasi ang utang na loob ko sa boss ko at totoong malaki ang naitulong niya sa akin. Naging malapit na 'rin siya sa akin kasi naging teacher ko siya noong High School ako.

Sabi nila, mag-resign na daw ako tutal anim na taon na akong namamasukan dito. Sapat naman ang kinikita ko at hindi nawawala ang mga benefits. Bakit pa 'raw ba ako nagtitiis sa papaluging kompanya na ito. Marami naman ang tatanggap sa akin na mga bigating kompanya dahil sa tinapos ko na kurso pero ayoko. Hindi naman pera lang ang habol ko sa pagtatrabaho ko, masaya kasi ako dito at mababait ang mga kasama kaya wala na akong hahanapin pa.

Pagkatapos kong makuha ang mga dapat kong bilhin ay pumila na ako sa counter para magbayad. Nasa harapan ko ang dalawang estudyante na may hawak na magazine at panay ang tawa nila. Bahagya akong sumilip at napa-iling na lamang nang makita ko kung bakit parang timang sila kung makatawa. Naghahampasan pa sila habang kilig na kilig sa nakikita.

"Ang pogi talaga ni Gregory. Sana siya ang mapangasawa ko!" Sabi ng estudyante na may hawak ng magazine. Ang lalaking iyan gusto ninyong mapangasawa? Naku, goodluck! Tignan natin kung matiis ninyo ang napaka-bulok niyang ugali.

"Oy, akin siya. Ito na lang sa'yo, si Alexander! Papabol din naman siya." Sabi naman ng kasama niyang estudyante.

Grabe? Mas pinili nilang bilhin ang magazine na puro mukha ng hambog na iyan ang makikita kaysa sa libro na magagamit nila sa pag-aaral?

"Two thousand five hundred po." Nanlaki ang mga mata ko sa halaga ng magazine. Seryoso? Two thousand five hundred? Ganiyan kamahal ang magazine na iyan? Hindi sinasadyang napalingon ako sa likod ko at nakita ko na may hawak 'ring magazine ang babaeng nakasunod sa akin. At tumingin ako hanggang sa dulo ng pila. Iisa lang ang hawak nila, ang magazine ni hambog. Ako na lang ang natitirang matino sa lugar na ito. Ang taong walang hawak at walang balak na bumili ng papel na may pagmumukha niya. Kawawa naman ang mga puno.

Pagkatapos kong magbayad ay binilisan ko na ang lakad papunta sa opisina namin. Halos dalawampung minuto 'rin bago ko narating ang opisina. Binati ako ni Kuya Caloy, ang gwardiya ng building kung nasaan ang opisina namin. Kailangan ko pang umakyat sa second floor dahil nandun ang aming opisina.

Gregory Neil is My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon