Chapter 5 - A Day with Alexander the G.

34 2 0
                                    

Brianna Salcedo

Nagising ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Agad ko itong kinapa sa may gilid ng unan ko at pikit-mata kong sinagot ang tawag nang hindi man lang tinignan kung sino ang naninira ng tulog ko. Araw ng Linggo ngayon kaya wala kaming pasok sa trabaho.

"Hello?!" Inis kong sagot. Istorbo naman kasi, eh.

[Good Morning, Brianna!] Lalaki? Tinignan ko kung sino ang kausap ko sa kabilang linya at nabasa ko ang pangalan niya: Xander.

"Xander naman. Bakit ang aga mo tumawag? Natutulog pa 'yung tao, eh." Reklamo ko sa kaniya.

[Sorry. Excited lang kasi ako sa pupuntahan natin mamaya. At saka, hihingi sana ako ng tulong sa'yo.] Bakas sa boses niya na seryoso siya sa paghingi ng tulong sa akin. Napaupo ako sa kama at humikab bago siya sagutin.

"Why? Something happened?" Tanong ko sa kaniya.

[Wala namang nangyari. Bukod kasi sa mga libro I also want to donate clothes and medicines sa orphanage. I need a hand para bumili sa Mall. Can you help me?] Nangingiting napa-iling ako sa sinabi niya.

"Magpabili ka na lang sa mga assistant mo." Panunukso ko sa kaniya.

[Brianna naman, eh. I want to buy something for them personally!] Natawa na lang ako sa kaniya. Para kasi siyang bata, eh.

"Ito naman binibiro lang. O sige sasamahan kita. Teka, anong oras na ba?" Tinignan ko ang wall clock sa kwarto ko at nakitang alas-otso pa lang ng umaga.

[Let's have breakfast first. Treat ko.] Mukhang naramdaman niya ang balak kong pagrereklamo sa kaniya dahil sa sobrang aga niyang mambulabog.

"Oo na. Oo na. Daanan mo na lang ako dito sa bahay after one hour." Natapos na ang tawag namin at nagsimula na akong kumilos. Inayos ko muna ang kama ko bago naligo at nagbihis.

Ikinwento ko sa kaniya na tuwing Linggo ay nagpupunta ako sa bahay-ampunan para bisitahin ang mga bata. Kapag kasi nakikita at nakakasama ko sila ay nawawala ang lahat ng pagkapagod ko sa trabaho. Pansamantala kong nakakalimutan ang mga problema ko.

Bumaba ako at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Ito na lang muna ang iinumin ko tutal ililibre naman ako ni Xander ng breakfast. Pagkatapos kong magtimpla ay napagpasiyahan kong sa sala na lang umupo. Inilapag ko sa center table ang tasa ng kape at cellphone ko saka komportableng umupo sa sofa.

Sa halos tatlong oras naming pagsasama kami ni Xander kagabi ay masasabi ko na medyo marami na akong alam tungkol sa kaniya. Nagkwento kasi siya tungkol sa pamilya niya, sa hobbies niya at sa kung ano ang pinagkaka-abalahan niya ngayon.

About sa family niya ang una niyang ikinwento sa akin. Ang mga magulang niya ay kasalukuyang nasa ibang bansa para asikasuhin ang kanilang negosyo doon. Dahil busy ang kaniyang mga magulang ay madalang niyang makasama ang mga ito. Pero, kahit ganoon ang sitwasyon nila ay maganda pa 'rin ang relasyon niya sa kaniyang mga magulang. Only child lang siya pero hindi naman hindi siya pinalaking spoiled at madamot ng kaniyang Mommy at Daddy.

Reading is his passion. Ayos lang 'raw sa kaniya kahit mawalan siya ng internet connection basta't may mga libro siya sa paligid niya. Kahit ultimo mga children's book ay binabasa niya kasi amazed na amazed siya sa mga illustrations doon.

Ayaw pa niyang sabihin sa akin noong una kung ano ba ang trabaho niya ngayon. Baka 'raw kasi iwasan ko siya kapag nalaman ko. Medyo kinabahan tuloy ako! Baka totoong kidnapper at snatcher siya. Pero, bigla akong nahiya at nagsisi nang malaman ko kung ano ba siya at kung sino talaga siya. Kaya pala parang pamilya ang mukha niya sa akin!

Ang buo niyang pangalan ay Alexander Luis Gomez, also known as "Alexander the G." Ang isa sa mga bachelors dito sa bansa na bumibihag sa puso ng maraming kababaihan. Well, except for me of course. Siya 'rin ang CEO at owner ng AG Publishing Company. Dahil sa mahilig siyang magbasa ay ito na 'rin ang naisipan niyang gawing negosyo. Ang pinuntahan naming gusali kagabi ay isa sa mga warehouse ng kompanya niya. Pero, ginawa niya itong sarili niyang warehouse para sa mga personal niyang libro at doon magbasa kung kailan niya gustuhin.

Gregory Neil is My Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon