1

8 0 0
                                    

*curtains open*

Setting: bahay

(naghahain si sisa ng hapunan)

Sisa: Paniguradong gutom na gutom na ang aking mga anghel. Mabuti na lamang at nakahingi ako kina Pilosopo Tasyo ng tapang baboy-ramo at damura. (lilingon sa audience) nagugutom na ba kayo? Pasensiya na, para lamang ito sa aking mga anak.

Kilala niyo ba ang aking mga anak? Sila si Basilio at Crispin! (lalakad-lakad) Ang aking mga anghel... Sila nalang ang tanging kayamanan ko sa mundong ito. (lingon sa audience) hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala sila sa piling ko! Isipin ko pa lang ay... Parang ikamamatay ko na!

(may kakatok sa pinto)

Sisa: (lingon sa audience) andiyan na ata ang aking mga anak! (patakbong bubuksan ang pinto ; magugulat) Pedro... Ikaw pala iyan.

Pedro: (papasok, hahawiin ng marahas si sisa) tumabi ka nga riyan! (didiretso sa hapag-kainan) mabuti naman at nagluto ka, gutom na gutom na ako! (kakain ng walang pakundangan)

Sisa: (tatakbo sa harap ni Pedro) P-Pedro! Para sana iyan sa mga anak natin... Ngayon kasi ang uwi nila galing sa kumbento---

Pedro: (kakalampagin ng malakas ang mesa) peste naman oh, oh! (titingin kay sisa) anong gusto mong palabasin?! Na hindi ko to pwede kainin?! Ganon ba yon, sisa?! (hahablutin si sisa ng malakas) ganon ba yon???!!

Sisa: (mangingig sa takot) hindi... Hindi Pedro.. Hindi sa ganoon... Sinasabi ko lang naman na---

Pedro: (sasampalin ng malakas si sisa) manahimik ka na! Peste, nakakawalang gana kumain. (sisipain yung upuan, matatakot si sisa) pag nakauwi na dito yung dalawa mong inutil na anak, tabihan mo ko ng kanilang salapi.

(hindi sasagot si sisa, titingnan siya ni Pedro sabay sabunot sa buhok)

Pedro: hoy babae, naintindihan mo ba yung sinabi ko?!

Sisa: (nanginginig) o...oo pedro... Naintindihan ko...

Pedro: (hahawiin ng marahas) mabuti naman. (aalis na, padabog na isasara ang pinto)

(naiwan si sisang nakaupo, umiiyak at nanginginig)

Sisa: (lilingon sa audience) wag kayong maingay ha? Baka bumalik ulit ang aking bana, si Pedro. (iiyak) kahit ganon siya, mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya kayang iwan. (lilingon sa audience) wag kayong maingay ha? (ssh sign) ssssshhhh

(tatayo na si sisa at papagpagan ang sarili ng may malakas na katok sa pinto)

Basilio: Inay!! Nanay!! Tao po!!

Sisa: (lilingon sa audience) ang aking anak! Si Basilio! (patakbong bubuksan ang pinto, magugulat dahil nagdurugo ang noo) Hesusmaryosep! Bakit ika'y nagdurugo, anak ko? (ipapasok si Basilio sa bahay, kukuhain ang 'first aid kit' tapos gagamutin si Basilio. Tahimik lang si Basilio)

Sisa: (hahawakan sa magkabilang balikat si Basilio) anong nangyari, anak ko? Nasaan ang kapatid mo? Si Crispin? Bakit wala siya?

(yuyuko lang si Basilio, mapapabuntong-hininga si sisa)

Sisa: sige, kumain ka na muna. Pasensiya na kung kakaunti na lang ang mga nakahain ha. Dumating kasi ang iyong ama kanina.

Basilio: (tutunghay) si ama? Nasaan na po siya?

Sisa: (ngingiti ng kaunti) umalis na rin kaagad ang ama mo eh. Alam mo naman yon..

Basilio: (hahawakan sa kamay si sisa) nay... Kung tayong tatlo na lang po kaya nila Crispin? Umalis na po tayo dito, nay! (hahawakan sa pisngi si sisa) iwan na po natin si tatay, umalis na po tayo!

Sisa: (hahawiin si Basilio ng medyo malakas sabay tayo) huwag ka ngang magsalita ng ganiyan, Basilio! Mahal na mahal ko ang iyong ama at hindi ko siya kayang iwan. Saka, ama niyo siya. Dapat tanggapin at mahalin niyo ang inyong ama kahit pa ganoon siya.

Basilio: (aambang tatayo) pero nay---

Sisa: (titingin sa malayo) kumain ka na, Basilio.

Basilio: (yuyuko, tatayo at iinumin yung tubig na nasa mesa.) busog pa po ako. Ako'y matutulog na. (hihiga sa papag sabay pikit)

Sisa: (lilingon sa anak sabay buntong-hininga ; lilingon sa audience) ano kaya ang problema ng aking anak? Nasaan ang kanyang kapatid? Si crispin? (yuyuko) may nangyari kaya sa kumbento? (lilingon kay Basilio na nakahiga) Aking Basilio... (harap sa audience, kakanta: Ang Awit ng Isang Ina)

Dugo at pawis ang puhunan
Nang iluwal ang sanggol
Kaya't di tutugot
Hanggang maidulot
Ang bukas na ligtas sa salot

(lalapit kay Basilio, tatabi sa kanya at pipikpikin na paramg hinehele patulog)

Tahan na, anak ko, tahan na
Nagsisikip ang dibdib ng 'yong ina
Mga kamay ko'y masdan
Para sa'yo ay sugatan
Paglilinis ng marumi ng ilan

(curtain slowly closes, hahalik si Sisa sa noo ni Basilio bago tuluyang mag-close ang kurtina)

End of act one, scene one.

a play for school 3 and a half years agoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon