8

1 0 0
                                    

Setting: school play (stage na)

*left side ng curtain opens*

(may palakpakan sound epeks)

Acting Ibarra: Ito si Pedro, ang bana ni Sisa. (aabante si Modern Pedro)

Modern Pedro: Magandang hapon ho, Alperes. (bow ng kaunti)

Modern Alperes: (tatango) Sige, bukas na bukas ay ipahahatid ko si Sisa dito sa iyong tahanan, Ibarra---

(napahinto ang lahat at na-tense dahil biglang lumabas si Sisa sa may backstage at kumakanta ng Awit ng Gabi. Nahila naman siya agad ni A.D. at sumigaw ng: "Melissa!")

A.I.: (titikhim) Maraming salamat sa iyong tulong Alperes.

M.A.: (tatango) Kung gayo'y, ako'y papanhik na (aalis na)

M.P.: (magb-bow kay A.I.) Maraming salamat, Ginoong Ibarra.

A.I.: (ipa-pat sa balikat si M.P.) Wala iyon Pedro. Ikinagagalak kong makatulong.

(sasara yung kurtina na left at mago-open yung right side ng kurtina)

(parang timang na nakanganga at tulala lang si Sisa sa gitna)

Sisa: Crispin... Basilio...

(dadating yung 2 guardia civil)

G1: Malaya ka na, indio.

G2: Maaari ka nang umalis.

(tititigan lang ni Sisa yung 2 gc tas iiyak)

Sisa: Crispin! Basilio! (patakbong aalis)

(sasara yung right curtain)

(open all curtains, sa Bayan na ang setting. Mag-isa si Sisa na tulala habang naglalakad. Lakad baliw. Maraming mamamayan kuno (mga 6 or 7) tas nagbubulung-bulungan sila)

:yan yung ina ng mga magnanakaw!

:dapat pinapatay yan!

:lumayas ka dito!

(magwawala yung mga tao, bubugbugin si Sisa <dapat dirty na yung hands ng mga tao para automatic dirty din si Sisa> ; magsisisigaw si Sisa ng "Huwag po!" then biglang dadating si Basilio na may tama ng baril sa binti at may bitbit-bitbit na bag.

Modern Basilio: (sisigaw) Itigil niyo yan! (pipigilan niya yung mga nangbu-bugbog kahit nahihirapan then madi-disperse yung mga tao sa paligid ; tatawagin niya si Sisa habang nanginginig ang boses at mga kamay) I-Ina ko...

Sisa: (nagwawala) Huwag po! Huwag po!

M.B.: (iiyak) Ina ko... A-Ako po ito... Si Basilio.. (hahawakan yung mukha ni Sisa, nanginginig, hahawiin ang buhok ng ina)

Sisa: (magpupumiglas, tatayo) Bitiwan mo 'ko! Bitiwan mo 'ko! (maghahanap-hanap kuno) Basilio... Crispin....

M.B.: (mapapahagulgol, yayakapin si Sisa from behind) 'Nay, ako po ito!

(sasampalin ni Sisa si M.B. and the latter will matitigilan)

Sisa: Hindi ikaw yung anak ko! (tatakbo paalis pero biglang babagsak ng marahas sa lupa ; naghahabol ng hininga si Sisa) Crispin ko... Basilio ko...
LM.B.: (aalalayan si Sisa kahit nahihirapan) N-Nay...

Sisa: (tuluyang mapapahiga sa sahig ng nakatihaya) Mga anghel ko... (umiiyak, aangat ang kamay sa ere ; hahawakan ng mahigpit ni M.B. na umiiyak ang kamay ni Sisa na nasa ere)

M.B.: N-Nay...  (iiyak ng malakas, yung tipong nasisinok na)

Sisa: (dahan-dahang ililingon ang ulo sa audience, i-aangat ang isang free hand na tila ba may inaabot sa audience) Mga anghel ko.. (final breath na OA, titirik ang mata, magiging limp ang buong katawan na parang patay)

M.B.: (magtataka na babalutin ng takot) Nay? (yuyugyugin si Sisa) Nay! (yayakapin ng mahigpit, iiyak ng malakas) Nanay! (pipikit ng mariin, mabagal na hihinga) Ina ko... (kahit ang boses ay naiiyak, kakantahin niya yung 2nd verse ng Awit ng Isang Ina)

Pakinggan mo ang daing ng bayan
Sinisiil ng sakim na iilan

(hihigpit ang yakap kay Sisa, ang kanta halos bulong nalang <pero dapat dinig parin>)

Kalayaa'y ginapos
Mamamaya'y nagpupuyos
Ang sigaw, pagbabagong lubos

(ihihiga si Sisa ng dahan-dahan, aayusin ang buhok) Patawad 'Nay... Nahuli ako. Patawad... (may kukuhaning tela sa kanyang bag, titingnan si Sisa) Patawad ina. (hahalikan sa noo si Sisa at tatakpan ang buong katawan tapos patakbong aalis)

(may sound epek na palakpakan, dahan-dahang sasara ang kurtina pero biglang aangat ng kanang kamay ni Sisa. Agad din siyang babangon)

Sisa: Mga anak ko! (magwawala) Nasaan kayo mga anak ko?! (tatakbo paalis)

(may sound epek na nagulat kuno then biglang lalabas from the backstage sina Assistant Director, Acting Ibarra, Modern Pedro, Modern Alperes at Modern Basilio and 2 more people)

Lahat: Melissa! (hindi sabay-sabay ang pag-sigaw)

A.D.: (mapapasabunot sa buhok, haharap sa audience, hihingang malalim) Good afternoon everyone. We're truly sorry for what happened just now but we would cut this play shortly. Thank you. (magb-bow tas pupuntang backstage)

(yung mga naiwan ay mags-sorry din at magb-bow tas pupunta nang backstage)

*curtains close)

End of Act Two, Scene Three.

a play for school 3 and a half years agoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon