*right-side curtain will open*
Setting: labas ng bahay
(pabalik palang si sisa nang makita niya yung 2 guardia civil sa labas)
Guardia 1: (in spanish: search) andito ba ang mga magnanakaw? son los ladrones aquí?
Sisa: (naguguluhan) h-ho?
Guardia 2: (in spanish, kausap si gc1) mukhang di ito marunong magkastila. Isang inutil na indio. parece que no sabe cómo hacerlo. Un indio inútil
(naka-amang lang si sisa sa dalawa, palingon-lingon sa paligid, baka makita si Crispin o Basilio)
Guardia civil 1: Dito ba nakatira ang mga kriminal?
Sisa: (nanghihinang magtatanong) h-ho? Wala pong kriminal sa aming tahanan.
Guardia civil 2: ikaw ba ang ina ng mga magnanakaw?
(naguguluminahanan si sisa, walang lakas upang magsalita)
Guardia civil 1: nasaan ang mga anak mong magnanakaw?
Guardia civil 2: saan nila itinago ang onsang ginto ng padre?
Guardia civil 1: nasaan ang pera?
Sisa: (naloloka na) wala... Hindi ko... Wala akong alam... Hindi ko alam...
Guardia civil 1: (kakausapin si gc2) mukhang wala naman tayong mapapala dito
Guardia civil 2: dalhin na lamang natin siya sa bayan nang siya ay maimbestigahan.
Guardia 1: halika't sumama sa amin. Ikaw ay amin lamang kakausapin.
Sisa: (kakabahan) h-ho? Pero... Pero wala po akong kasalanan.
Guardia 2: kami'y wala namang gagawin sa iyo. Sasama ka lamang sa amin sa bayan upang maimbestigahan ng Alperes.
Sisa: (yuyuko) wala akong kasalanan...
(lalakad papunta sa kabilang stage, magbubukas ang left curtain at magsasara ang right curtain)
(naglalakad ng mabagal, may mga "bulungan" sa paligid)
:yan ba ang ina ng mga magnanakaw?
:wala talagang kwenta ang mga indio
:kung ano ang puno, siya ring bunga
(yuyuko lang si sisa dahil sa kahihiyan nang bigla siyang sampalin ng isang babae)
Babae: mga salot kayo sa lipunan! Kayong mga inutil na magnanakaw!
(lalakas ang mga bulong, may mga sumusubok na siya'y saktan)
Sisa: (iiyak) labis akong napahiya. Niyurakan nila ang aking dignidad. (lingon sa audience) Ano ang aking ginawa upang ako'y ganituhin nila?! (aangat ang ulo, maghahanap) Crispin! Basilio! Nasaan na kayo? Wag niyo nang pag-alalahanin ang inyong ina! Bumalik na kayo sa akin, mga anghel ko!
(lalakad lang dire-diretso hanggang backstage habamg sumasara ng dahan-dahan yung left na curtain.
End of Act One, Scene Three.
BINABASA MO ANG
a play for school 3 and a half years ago
Short Story2022 me could never. 2018 self, good job p.s. a draft. very raw. unedited.