Setting: school play (sa backstage)
*curtains open*
(may mga natatarantang voices and sigawan na mahina simultaneously and may mga palakad-lakad na tao)
:yung lights! Ayusin niyo yung lights!
:Oy costume ni Pedro i-ready na!
:The admins are here! Bilisan ang kilos!
:Ready na yung music!(hawak ng principal si Sisa sa elbow)
Sisa: (bubulong pero dapat dinig) Mga anghel ko... Crispin... Basilio...
Principal: (titingnan si Sisa na parang nawiwirduhan then exasperated sigh na OA ; hahablutin niya yung Assistant Director) One of your protagonists is roaming around the school! I thought start na in 10 minutes?! Bakit may incidents parin na ganito?
A.D.: (mapapahinto then magugulat at maliliwanagan) Melissa? (titingnan si Sisa; parang timang lang si Sisa na di mo maintindihan kung naiiyak o natutuwa)
(lilingon si A.D. sa Principal)
Sorry po ma'am. Hindi na po mauulit.
Principal: Hmp. (ibibigay si Sisa kay A.D.) Fix this miss, understood? (tatango si A.D. tas aalis na si Principal)
A.D.: Melissa! Sa'n ka galing?! And why are you so dirty?! Hindi pa nagi-start yung play pero look at you!
Sisa: (hahawakan sa face si A.D., iiyak) Nakita mo ba ang aking mga anghel? Kay tagal ko na silang hinahanap. Ang aking Crispin at Basilio... (mapapaupo sa sahig)
A.D.: (weirded and shocked look) You're just practicing your piece?! Oh my gosh. (face palm) Dalian mo ha! (aalis na, kausap si Direk gamit earphone sa tenga)
Sisa: (umiiyak at tumatawa lang habang nakaluhod)
(lalapit si Modern Pedro kay Sisa, naga-alala)
M.P.: 'Lissa, ayos ka lang?
Sisa: (aangat ng tingin) P-Pedro? (kakabahan ng bongga)
M.P.: (tatawa) Di ka naman excited niyan? (tatapikin sa balikat si Sisa) Good luck mamaya! (aalis na)
Sisa: (tatawa) Asawa ko... (iiyak) mga anak ko...
(dadating si Acting Ibarra, makikita si Sisa sa sahig, uupo siya para pantay sila ni Sisa)
A.I.: Huy Melissa!
Sisa: (titingnan si A.I., iiyak) ang mga anghel ko...
A.I.: (tatawa) Cute mo ah. (titikhim) Ako si Ginoong Crisostomo Ibarra (kukunin ang nanginginig na kamay ni Sisa at hahalikan) Ikinalulugod kong makilala ka Sisa. (tatawa tas aalis na)
Sisa: (tatawa din pero iiyak din)
(dadating si Modern Alperes)
M.A.: (makikita si Sisa sa lapag) Huy pre! (itatayo si Sisa) Wag kang kabahan! (ipa-pat ang back ni Sisa ng medyo malakas tas aalis na)
Sisa: (hahawak sa ulo, nababaliw na ; dahan-dahan nang sumasara ang curtains)
(may sigaw ng boses ni A.D. in a distance)
A.D.: Start na in a minute guys! (clap, clap, clap) Break a leg!
*curtains close*
End of Act Two, Scene Two.
BINABASA MO ANG
a play for school 3 and a half years ago
Short Story2022 me could never. 2018 self, good job p.s. a draft. very raw. unedited.