6

1 0 0
                                    

Setting: school hallway

*curtains open*

Sisa: (madadapa) C-Crispin... B-Basilio...

(lilinga-linga sa paligid, titingnan siya ng mga estudyante na nawiwirduhan, tatayo ng dahan-dahan si Sisa)

N-Nasaan ako? (lilingon sa audience) Ito ba ang langit? Ako ba'y nauupusan na ng bait? Hindi... (parang kinakausap ang sarili) Hindi ako nababaliw! Hindi! (lalakad-lakad, may hinahanap)

Crispin! Basilio!

(may kakalabit kay Sisa na student <boy>)

Student 1<boy>: Ate? What'cha doin'?

Sisa: (madaling hahawakan sa balikat yung student) Basilio?! Ikaw ba iyan?! (hahawak-hawakan niya sa mukha yung student) Basilio...

Student 1<boy>: Ate ano ba! (padabog na nandidiring aalisin yung kamay ni Sisa)

(iiyak si Sisa ng malakas na hihinto na iiyak ; papalibutan si Sisa ng mga 4 na students, lilingon-lingon si Sisa, tila ba'y naghahanap)

Sisa: Crispin! Basilio! Nandito na ang inay! Nasaan na kayo?

(may tawanan)

Student 2: Gagsti, naligaw si ate! Sa theater club 'to eh!

Student 3: Ay advance mag-isip nrto oh, dati ka bang baliw, 'te?

Student 4: Mga bobo! Bigyan nang jacket yan!

(ingayan, tawanan pero biglang may malakas na pito sa likuran;  dadating yung principal)

Principal: Anong nangyayari dito? (pameywang)

(tatahimik lahat)

Sisa: (biglang sisigaw) Crispin! Basilio!

Principal: (mangungunot ang noo) Anong ginagawa mo dito'ng bata ka?! Magu-umpisa na ang play! (hahatakin si  Sisa papuntang backstage, tatawanan ng mahina yung mga students)

*curtains close*

End of Act Two, Scene One

a play for school 3 and a half years agoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon