"Avee!" Tapik sa akin ni Tonet.
"Ha!" Nagulat ako sa kanya. Kanina pa ako nakatitig sa monitor ng computer ko pero wala naman ako natatapos na gawin.
"Gurl kanina pa ako dito. May problema ka ba? May sakit ka ba? O kulang ka sa tulog?" Mataray na sabi nito.
"Sorry. Sorry. May iniisip lang ako. Bakit ka nga pala nagpunta dito?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede ba ako sumabay sayo mamaya? Papunta ako sa SM Sta. Mesa. Diba dun ang way mo?" Sabi nito sakin.
"Ah okay. Sige sabay na tayo. Actually gusto ko nga lagi may kasabay kasi hindi ako sanay magbyahe mag isa." Sagot ko dito.
"Alam mo napansin ko nga madami ka hindi sanay gawin. Kahit pagsakay sa jeep parang bago sayo?." Sabi nito sakin.
"K—-kasi hindi ako sanay sa Maynila. Diba taga Cebu nga ako." Sagot ko na lang sa kanya. Ayoko makahalata siya na totoong hindi ako sanay gumamit ng public transport.
Sa Cebu merong driver na naghahatid sa mga lugar na gusto kong puntahan. Merong mga tao na gumagawa ng bagay para sakin. Meron naglalaba at nagluluto para sakin. Samantalang dito kailangan matutunan ko lahat.
Minsan naiisip ko na kakulangan sa parte ko na hindi ako marurunong sa ibang bagay dahil hindi ko man lang pinagtuunang pansin o dahil wala din ako chance na itry.
Wala pa ring nakakaalam sa mga katrabaho ko kung anong buhay meron ako sa Cebu. Mas mabuti na yun para maiwasan pa maungkat ang personal life ko.
"Sabagay may point ka dun girl. Taga Cebu ka nga pala. Anyway see you later." Sabi nito at umalis na.
Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na ito. Sa lahat ng mga kaibigan ko dito sa opisina si Tonet ang pinakaobservant. Isang beses na kumakain kami sinabi nito na siguro mayaman ang pamilya ko.
Nakatitig si Tonet sakin habang kumakain kami sa canteen na malapit sa office.
"Gurl yung totoo? Haciendera ka ba sa Cebu?" Sabi nito.
"Paano mo naman nasabi yun. Kung haciendera ako hindi na sana ako nagttrabaho dito." Sagot ko pero kumakabog na ang dibdib ko.
"Nakakainggit kasi ang kutis mo parang hindi ka man lang kinagat ng lamok o kahit anong peklat. Parang alaga ni Belo ang kinis." Sabi nito.
"Oo nga no!" Sang ayon ng iba naming katrabaho.
"Saka tingnan mo ang kamay parang nakakahiyang utusan maghugas ng pinggan." Sabi pa ni Melissa.
"Grabe naman kayo. Maputi lang ang Mama ko sa kanya ako nagmana." Sagot ko na lang.
Good thing wala pa naman nakakabuko sa akin. May mga pagkakataon na iniisip ko na marahil alam na ng parents ko kung nasaan ako and they just chose to keep quiet let me do what I want for the meantime.
Well, madami pa ako kinakaharap na problema ngayon kaya iwinaglit ko na muna ang problema ko sa Cebu.
Bumalik sa memorya ko ang usapan namin kanina ng Boss ko.
"I actually don't want to be involve in any drama but since nangyari na. I think I have the right to know whats really happening." Sabi nito.
Napayuko ako ng makita kong seryoso na ito. "Sorry Sir, I have to be honest, I was not in my right mind a while ago. I just feel devastated and angry and I cannot think of better way to—- ." Napatigil ako sa dapat kong sabihin.
BINABASA MO ANG
About Last Night
Fiction généraleLucia Aveeleene D'Souza runaway from home to find herself after her boyfriend left her and also to opposed her parents in marrying her unknown fiancee. Healing from heartbreak caused by her coward ex boyfriend she finds herself in a situation far fr...