Napakamot ako sa ulo ng umalis na ang aking boss. Wala na naman ito sa mood. "Anong problema nun?"
Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko sina Tonet at iba pang kasama sa Marketing Department.
"Uy gurl. Lunch break na sama ka samin. Itry namin yung bagong bukas na kainan diyan lang malapit dito sa building natin." Sabi ni Tonet.
Tumingin ako sa relo. Alas dose na pala. "Ganun ba? Sige ilapag ko lang itong folder sa mesa ko tapos susunod ako." Sabi ko. Nagmamadali akong pumunta sa mesa ko. Sinilip ko ang opisina ng Boss ko. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa monitor ng computer.
Hindi na ako nagpaalam sa kanya dahil mukhang seryoso ito sa ginagawa nya. Wala naman itong nakaassign na meeting so nagmadali na akong sumunod kina Tonet.
Nakita ko agad sina Tonet sa lobby ng hotel. "Uy sorry sa paghihintay. Tara na. 1 hr lang break natin." Sabi ko sa mga ito.
Palabas na kami ng hotel ng makita ko si Mr. Cisneros. Marahil kadarating lang ng driver nito. Lumiwanag ang mukha nito ng makita ako.
Lumapit ito sakin. "Hi Lucia. Are you going out for lunch?" Tanong nito.
"Ah——yes Sir." Naramdaman ko ang kurot ni Tonet sa siko ko na alam kong kinikilig dahil nakakita na naman ng gwapong lalaki. Yes. Magandang lalaki si Mr. Gabriel Cisneros. Matangkad, mestiso at maayos ang pangangatawan.
"Oh really? I'm actually thinking where to eat. Can I join you guys? I hate to eat alone." Sabi nito na tumingin sa mga kasama ko.
"Yes Sir. No problem. Diba guys?" Mabilis na turan ni Tonet.
"P—ero Sir sure po kayo? Diyan lang po kami kakain sa malapit na karinderya." Sabi ko dito.
Tinampal ako ni Tonet. "Gurl hindi karinderya yung pupuntahan natin. Japanese Restaurant yun." Pagkatapos bumulong ito sa akin. "May sahod na bukas wag ka na umangal ang gwapo ni Papa oh."
"No. No. Its okay. Kahit karinderya is fine with me. Wag kang mag alala Lucia. Kahit sa turo turo game ako." Nakangiting sabi nito.
"Ganun naman pala eh. Tara na. Isang kanto lang yun Sir. Kahit wag ka ng sumakay." Sabi ni Tonet at nilakad na namin. Malapit nga lang ito. Bagong bukas na Japanese Restaurant.
Napilitan ako sumunod ng maglakad na sila. This is really awkward. Bakit kasi sumama pang kumain itong kliyente na ito. Andami naman masasarap na pwede puntahan. Alam ko din na marami itong pera para makapili ng kakainan. Hayyys.
Pumasok kami at pumwesto sa isang mahabang lamesa na nasa gitna ng restaurant. Nakadesign ang lamesa na pwedeng paglutuan ng hotpot dish like Shabu Shabu.
"Omg. I miss Japanese food." Ito ang unang pumasok sa isip ko. Ito ang pinakafavorite ko na food ang Japanese food.
I ordered some sushi and they ordered Shabu Shabu a popular Japanese hotpot dish with thinly sliced beef and vegetables.
Gabriel Cisneros is sitting beside me and I'm not really comfortable. He looks very charming and very approachable. He's talking with my officemates like they have been friends for a long time.
"How about you Lucia? How long have you been in Hotel DG?" Nagulat ako ng bigla itong bumaling sa akin.
"Ha. Bago pa lang po ako. I been working here for almost two months now." Sagot ko dito.
BINABASA MO ANG
About Last Night
General FictionLucia Aveeleene D'Souza runaway from home to find herself after her boyfriend left her and also to opposed her parents in marrying her unknown fiancee. Healing from heartbreak caused by her coward ex boyfriend she finds herself in a situation far fr...