Nagulat ako ng pagpasok namin sa resort andun na ang mga kaibigan ng Boss namin.
Hindi ko inaasahan na pupunta ang mga ito. Aside from Jessie and Ace meron pang dalawang babae na kasama ang mga ito. Marahil mga girlfriend nila ang dalwang balingkinitan na babae.
"Hi Pare. Sabi ko na nga ba pupunta kayo kahit di ko na kayo pilitin pa." Narinig kong sabi ni Sir Brendon sa kanila.
"Hi Shelly." Baling nito sa isang babaeng maikli ang buhok. "Long time no see. Hanggang ngayon pala nagtityaga ka pa din sa kaibigan kong ito." Pabirong sabi nito.
"Grabe ka naman Pare." Sabi naman ni Ace sa kanya.
"Well. Matibay na helmet pinasuot sakin nyan no." Tumatawang sagot ni Shelly.
Bahagya akong lumayo sa kanila dahil medyo alangan ako kung lalapit ba ako o dederetso na lang sa lugar para hanapin ang iba pang kaopisina pero bago pa man ako nakalayo tinawag na ako nito.
"Lucia, I'm sure you still remember this two. Ace and Jess, this is Shelly and Grace" pakilala nito. "This is Lucia, my secretary."
"Hello. Nice to meet you." Matipid kong sagot. Bumaling ako ulit sa Boss ko. "I'll go ahead and look for the others. " Sabi ko dito. "See you around." Nakangiti ko ulit sabi sa grupo.
——————————
"Avee!" Sigaw ni Melissa ng makita ako.
"Hi Mel." Sinalubong ko na siya.
"Halika. Hindi pa sila dumadating but you can have some breakfast if you're hungry." Sabi nito.
"No. Im fine. I'll wait for everyone. I think mas masaya kumain pag mas madami kasabay." Excited kung sagot sa kanya.
"Ay tama ka jan Avee. Kung gusto mo you can look around. Sa room 205 tayo. Eto yung susi. Ilagay mo na mga gamit mo. Okay lang ba na iwan muna kita? We still have a lot of things to do?" Sabi nito.
"Oo naman. Salamat. Gusto ko din maenjoy muna ang sunrise. Ang ganda ganda." Sagot ko sa kanya.
"Okay. So, see you around. Maya maya padating na din sila me makakasama ka na." Sabi nito tapos nagmamadali ng umalis.
Dumeretso na ako sa kwartong nakaassign para sa amin. Maganda ang kwarto na may anim na bed. Pinili ko ang kama na nasa sulok. Inilapag ko ang gamit bago nagpasyang lumabas at maglakad lakad malapit sa dagat.
"Wow! Ang ganda talaga." Di ko mapigilang humanga sa ganda ng paligid. Habang naglalakad ako me mga nakikita ako na ibat ibang kulay na ribbon. Naalala ko meron nga palang mga team building activities ngayong umaga.
Nakakalipas pa lang ang ilang oras dumating na din ang coaster kung saan nakasakay ang mga empleyado. Masasaya silang pumunta sa function Hall kung saan ipeprepare ang almusal.
"Hello Everyone." Sabi ng emcee na isa sa committee. "I'm sure alam nyo ng lahat kung anong rooms ang nakaassign para sa inyo and kung sino sino kasama nyo each room. For now, I'm giving you all 1 hour to go to your respective rooms. Ilagay nyo na mga gamit nyo and we will have our breakfast together." Sabi nito sa mga empleyado.
"Wait. I have to add more. Please wear your most comfortable outfit because after breakfast we will discuss on the first activity for today." Dagdag pa nito.
Kanya kanya silang punta kung saan sila nakaassign na rooms. Everyone are excited dahil madaming mga papremyo na naghihintay para sa mga activities na gagawin ngayong araw.
Sabi ni Tonet last year ang pinakabonggang premyo na nareceive ng winner ay getaway trip to Boracay.
————————-

BINABASA MO ANG
About Last Night
Fiction généraleLucia Aveeleene D'Souza runaway from home to find herself after her boyfriend left her and also to opposed her parents in marrying her unknown fiancee. Healing from heartbreak caused by her coward ex boyfriend she finds herself in a situation far fr...