"Ano na? Sabi ni Melissa wala ka daw sasabayan sa Saturday morning? Gusto mo ba sa bahay ka na lang matulog para sabay tayo papunta sa office?" Tanong ni Tonet ng makasabay ko itong kumain ng lunch.
Napasimangot ako bigla sa sinabi nito. "Yun na nga ang sasabihin ko eh. Hindi ko na kelangan ng kasabay kasi isasabay na daw ako ni Boss Brendon papunta Batangas."
Tumaas ang kilay nito ng marinig ang sinabi ko. "I smell something fishy. Bakit dati naman yung mga secretary kasabay din namin sa coaster everytime na may Company Outing?"
"Hmmp! Hindi ko nga din alam. Mas gusto ko nga na kasabay ko kayo sa sasakyan para mas madami mas masaya." Nalulungkot kong sabi.
Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko na sumabay sa coaster kasi madami akong kasabay at kakwentuhan. Paano ako mag eenjoy kung ang Boss ko ang kasabay ko?
"Gaga! Mas magandang tanawin makikita mo. Masaya lang sa coaster pero yung mga mukha pa din naman ng katrabaho natin makikita mo dun. Hmmp wala naman gwapo. Buti ka pa! Naiinggit ako!!!" sagot ni Tonet sakin.
"Ikaw talaga ang harsh mo sa mga katrabaho natin." tumatawa kong sagot.
"Bakit totoo naman. Wala naman oppa sa office. Hayss. Sana magsama ulit si Papa Brendon ng friends nya." sabi pa nito.
"Bakit nagsasama ba siya dati?" tanong ko dito.
"Oo. I think that was 3 years ago nung nagbakasyon siya galing US. Sakto company outing may kasama siyang tatlong friend nya, naku lahat Papables." Sagot ni Tonet na para pang nananaginip. "Teka may naisip ka na bang gagawin sa program?" Biglang bgo nito sa usapan.
Tinakpan ko ang tenga ko ng marinig ko yun. "Please lang ayoko marinig yan. Pag naiisip ko nanlalamig na agad katawan ko. Bakit ba kasi me presentation pa? Hindi ko talaga kaya." sagot ko dito.
"Hindi pwede. Lahat ng bagong empleyado ginagawa yun. Mag isa ka lang kasing bago kaya wala ka kasama magpresent. Kung dalwa o apat sana kayo mas madali lang. Hindi nakakahiya kapag me kasama ka." Sabi nito.
"Wala talaga ako talent. Promise wala ako kayang ipresent sa inyo." Sabi ko pa dito.
"Kahit ano. Basta may maipresent ka sa kanila. Kumanta ka na lang." sabi ni Tonet.
"Ayoko." Kahit na marunong ako kumanta dahil nagvoice lesson ako nung bata pa ako hindi ko pa rin kakayanin na kumanta sa harapan ng madaming tao.
"Bahala ka. Piece of advice lang, try to prepare something kasi iniexpect ng lahat ang presentation ng new employees." Sagot pa nito.
"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Nakakahiya." Nasstress kong sagot dito.
"Wait! Swimming yun girl ha. Nakapagprepare ka na ba ng outfit mo? Swimsuit?" Malanding sabi nito.
"Swimsuit talaga?" Natatawang sagot ko.
"Of course. Huwag kang papatalbog sa mga babae sa Accounting department. I'm sure mga agaw eksena na naman yung mga yun." Mataray na sabi nito.
BINABASA MO ANG
About Last Night
BeletrieLucia Aveeleene D'Souza runaway from home to find herself after her boyfriend left her and also to opposed her parents in marrying her unknown fiancee. Healing from heartbreak caused by her coward ex boyfriend she finds herself in a situation far fr...