Chapter Six

190 2 0
                                    



"Huh! Oh no! What the hell is he doing here."

I stepped backwards and hide my face. I let him take the elevator first.

"Lord, ang laki laki ng universe bakit dito ko pa makikita ang mokong na yun!" Hindi ko mapigilang maging uneasy lalo na at alam ko na nasa iisang building kami ng taong ayaw ko ng makakrus ng landas.


Nagmamadali ako paglalakad sa hallway papasok sa aming opisina ng bigla na lng may bumangga sakin. Muntik na ako mawalan ng balanse pero nahawakan ako nito.


"Aray!"


Tumingala ako para makita ko kung sino ang bumangga sakin. Nakagusot na mukha ng ang mukha ng kinaaasaran ko ang nakita ko.

"Ikaw na naman?" Bulalas ko ng makilala kung sino ang nabangga ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak nito.


"Wag mong sabihing sinusundan mo ako hanggang dito?" Tanong nito sakin. "Akala ko mawawalan ka na naman ng malay ngayon?" Pabiro pa nitong dagdag.

"Wow ang kapal ha. For your information dito ako nagtatrabaho no! Ikaw nga dapat kong tanungin. Sinusundan mo ba ako?" Sagot ko dito na mas palaban.


"Ikaw sinusundan ko? Do you want me to remind you what happen that night? Ikaw ang lumapit sa akin. Do you remember what you said-----" Tinakpan ko na ang bibig nito para tumigil sa kanyang sinasabi. Ayaw ko na marinig pa ng iba nyang katrabaho ang sinasabi nito.



Nagulat ito dahil sa ginawa ko. Pero natigilan ako ng maramdaman ko na nakahawak sya sa likod ko at halos magkadikit na ang aming katawan.



Mabilis akong lumayo dito saka ko nakaramdam ng hiya.


Nakangiti siya na mukhang tuwang tuwa habang ako ay inis na inis sa kanya.


Magsasalita pa sana ito ng biglang dumating si Mr. Torres ang Marketing Manager namin na mahigit fifteen years na sa company.


"Oh iho andito ka na pala. So nameet mo na pala ang secretary ng Papa mo." Sabi nito na naging dahilan ng panlalaki ng mata ko.

"Huh!" -Lucia


"Anak ng boss ko lokong to?! Sh*t! Im dead."



"This is Avee, she's very clever and I know she will definitely help you while your father is not here." Patuloy nito.


"Really? Lets see." Ngumiti ito sakin ng nakakaloko. "Close your mouth. Baka me pumasok na langaw."


Nilampasan ako nito at nauna ng pumasok sa opisina ng boss ko.


"Seriously!?? Patay na! Lucia naman kasi eh. Ayan baka mawalan ka pa ng trabaho nyan."


Nakaupo na ako sa pwesto ko pero parang nananaginip pa din ako.

"What?! Really! Siya ba talaga ang magiging temporary boss ko? Wahhh bakit siya pa?!"


Nagulat ako ng biglang nagring ang telepono. Nasa kabilang linya si Mr. Del Gallego at inutusan ako nitong pumasok sa opisina niya.



About Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon