"Antonio, wala pa bang balita tungkol sa anak ko?" Umiiyak na namang sabi ng nanay ni Lucia.
Halos hindi na ito makakain sa kakaisip kung san na nakarating ang kanyang Unica Hija.
"Victoria, anak ko din si Lucia kaya wag mong isipin na wala akong ginagawa." Mataas na ang boses ng kanyang ama.
"Gusto ko na makita ang anak ko dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanyang masama." Patuloy pa din na sabi nito.
Magsasalita pa sana ang kanyang ama ng biglang tumunog ang telepono na nasa loob ng kanyang opisina.
"Hello." Sagot nya.
" Kumpare, si Martin ito. I just want to confirm something. A certain Aveeleene D'Souza applied as Executive Secretary in my Company. Maybe she was related to you. You are D'Souza and she's also from Cebu." Bungad nito sa kanya sa kabilang linya.
"Whhhaaaat?! Kumpare! She was my daughter. Lucia Aveeleene D'Souza." Gulat na gulat na sagot ng kanyang ama.
"What a coincidence! I don't have any idea. You always call your daughter as Lucia." Sagot ni Martin.
"Hindi ba siya sumang ayon na ipakasal sa aking anak?" Tanong nito.
"Ganun na nga kumpare pero huwag ka mag alala kakausapin ko lang ng maayos ang anak ko." Sagot ng kanyang ama.
"Kumpare, may naiisip akong solusyon. Dahil hindi pa naman natin naipapakilala ang dalawa ano kaya kung ako na ang gumawa ng paraan dito na magkilala sila?" Tanong ni Martin.
"What do you mean Kumpare?" Naguguluhang tanong ng kanyang ama.
"I think it will be better if we let them know each other in different way."
"I was planning to have my surgery in US. Habang nasa US ako si Brendon na lang muna ang ipapalit ko sa position ko sa company." Patuloy pa na sabi nito.
"Parang magandang suggestion yan Kumpare. Mabait ang anak ko. Marahil sa sobrang protective namin sa kanya kaya nya nagawang umalis. Alam kong nasa mabuti siyang pangangalaga ngayon. I think this is also the right time na matutunan ng anak ko ang maging depende sa kanyang sarili." Litanya ng kanyang ama.
Patuloy silang nag usap habang ang kanyang ina ay hindi mapakali dahil alam niya na may balita na sa kanyang anak.
Matapos ibaba ang telepono. "Antonio anong balita sa anak natin?" Excited na tanong niya.
"Nasa Maynila si Lucia at nag apply ng trabaho sa kumpanya ni Martin." Sagot nito.
"Kay kumpadreng Martin? What a coincidence! Pero gusto ko ng bumalik dito ang anak natin." Sabi niya.
"Kung ako ang masusunod gusto ko na siyang pabalikin dito. Pero gaya ng napagkasunduan namin ni Martin. Hahayaan ko muna siya na magtrabaho sa kanyang kumpanya. I hope this will be the best way na mapalapit siya sa kanyang magiging asawa." Sagot nito.
"Namimiss ko na ang anak ko. Iba ang mundong ginagalawan niya ngayon sa kinalakihan niya." Nangingilid pa rin ang luha sa mata nito.
"She wants freedom. So ibigay natin yun sa kanya. Huwag kang mag alala magpapadala ako ng tao na magbabantay sa kanya ng palihim." Sagot nito ng mapanatag ang loob ng asawa.
*****************
Lucia is very happy that she finally got the job.
"Yes! I did it!" Parang gusto kung sumigaw sa sobrang kasiyahan.
"I will take this opportunity to learn everything in this company. Aside from the fact na nakakapagwork ako pwede ko pang magamit ang lahat ng matututunan ko sa aming negosyo....SOON. When everything is already okay." Biglang nagbago ang kanyang mood ng maalala ang kanyang mga magulang.
"I miss them."
*********************
Naging maayos ang mga sumunod na araw para kay Lucia. Magaan para sa kanya ang mga trabahong ginagawa.
As Executive Secretary of the CEO, her day to day work is the same depending on his boss routine. She needs an ability to anticipate his needs, since their CEO is really a busy person she needs to handle his complex schedule.
"Avee, I will not be here for 3 months starting next week. I need to go to US for my surgery. You will be assisting my son while I'm away. He will take over my post as CEO. I expect the same from you. You really did a good job." Nagulat na lang siya sa sinabi ng kanyang amo isang araw bago sya umuwi.
Nakaramdam ng kaba si Lucia nung marinig ang sinabi nito. Hindi pa nya nakikilala kahit isang anak nito. Dahil malimit na trabaho ang kanilang pinag uusapan never na nya naungkat ang tungkol sa kanyang pamilya.
Hiling na lang niya na sana nagmana ito sa kanyang ama sa pagiging propesyonal pagdating sa trabaho. Hindi din nya maitatanggi na mabait ito sa kanya.
"Pano kung masungit ang magiging Deputy CEO?"
Hanggang pag uwi hindi nawawala sa isipan nya ang posibleng magiging buhay nya pag dumating na ang papalit pansamantala sa matandang Del Gallego.
*************
Brendon's POV
"Brendon, your dad needs you here." Sabi ng kanyang mama sa kabilang linya.
"Mom, you know its better if I will stay here. I don't like to work with our company. I have my own here." Sagot ni Brendon sa ina.
"That's not your own. Your partner can handle your business. Your dad needs your help. Please anak umuwi ka muna sa Pilipinas."
"Is there any problem? Bakit bigla na lang ipapasa sakin ni Dad ang kumpanya?"
"Anak, pagbigyan mo na Papa mo. Kahit 3 months lang please."
"3 months? Si Dad magbabakasyon for 3 months? I doubt Mama. Diba halos gusto na nya tumira sa opisina nya."
"Anak hanggang ngayon ba naman me sama ka pa rin ng loob sa Dad mo? Its been how many years now. You're not getting any younger. Kailangang pag aralan mo na pagpapatakbo ng negosyo natin dahil sayo naman mapupunta yun."
"I really can't Ma. My life is here in Texas."
"Okay I really don't want to tell you this but your dad is sick. He needs to have heart surgery."
"Kailangan nya umalis ng bansa para magamot siya. Ikaw lang ang inaasahan ng Dad mo." Nagsusumamo ang boses ng kanyang ina.
Biglang natahimik si Brendon ng marinig ang sinabi ng kanyang ina. All his life he see his dad as the highly and mighty Martin Del Gallego but now he was sick.
Ayaw pa nyang umuwi sa Pilipinas. Ayaw nya magtrabaho sa kompanya ng kanyang Papa.
"Give me some time Mama. I need to think about it." Sagot na lang ni Brendon sa kanyang ina.
---------------------------------
BINABASA MO ANG
About Last Night
BeletrieLucia Aveeleene D'Souza runaway from home to find herself after her boyfriend left her and also to opposed her parents in marrying her unknown fiancee. Healing from heartbreak caused by her coward ex boyfriend she finds herself in a situation far fr...