Malapit na matapos ang maghapon pero parang lumilipad pa rin ang isipan ko.
Iisang bagay lang ang hindi pa ako handang gawin. Ang bumalik sa Cebu.
Malaki ang Cebu pero hindi pwedeng mawalan ng kahit konting posibilidad na magtagpo ang landas ng mga taong iniiwasan ko sa panahon ngayon.
Hindi pa ako handang harapin ang mga magulang ko.
Marami pa akong mga bagay na gustong patunayan at gawin.
Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa Boss ko na huwag na ako isama sa Cebu.
I look at my computer and scan the mails. I open the invitation email. A two days conference for young entrepreneur.
Ipinilig ko ang ulo ko. May ilang araw pa ako para mag isip ng ibang paraan para hindi sumama sa kanya. Binasa ko pa ang ibang email at binuksan ang galing sa HR na may subject na "Hotel DG: Igniting Team Spirit"
Pangalawang email na ito ng darating na Annual Company Outing and Team Building na gaganapin sa isang resort sa Batangas sa darating na sabado. Lalo akong nastress ng muling mabasa ang nasa ibaba ng email.
Lahat ng bagong empleyado ng hotel ay kailangang maghanda ng isang intermission. Ayon sa mga ito lahat sila ay dumaan sa ganitong initiation. Ngayon pa lang hindi ko alam kung ano ang aking gagawin.
May mga nagsuggest na kumanta, merong nagsabi na sumayaw at kung ano ano pa. Pero ito ang bagay na pinakaayaw kong gawin, ang humarap at lalo na ang magperform sa maraming tao.
Just thinking about it make me cringe but I will just cross the bridge when I get there.
Habang tinatapos ko ang ibang report na hinihingi ng boss ko may dalwang lalaki na dumating.
"Hi! Good afternoon. Can I help you?" Sabi ko sa kanila.
"Hi. I'm Jessie. I'm Brendon's friend. Andito ba sya?" Tanong ko dito.
"Do you have appointment with him?" Tanong ko.
Tumawa ito. "Wala kaming appointment but he'll be happy if he finds out we're here."
"Wait Sir." Hinawakan ko ang telepono tapos tinawagan ko ang extension ng boss ko. Sinabi ko dito na may bisita siya. Sinabihan ako nitong papasukin ang mga ito.
Ibinaba ko ang telepono at sinabihan ang mga itong pumasok sa opisina.
*****
Brendon's POV
Napatayo akong bigla ng malaman ko na nasa labas ang mga kaibigan ko. Palagi akong tinatawagan ng mga ito para lumabas pero hindi ko palagi napapaunlakan.
Pumasok na ang mga ito sa pinto pero pagkasara ng pinto ay pareho itong sumilip sa salamin sa pinto kung saan kita ang taong nasa labas.
"Pare, sino yung hot chick sa labas?" Tanong ni Jessie na muling sumulyap kay Lucia na nakaharap sa monitor ng computer nya.
"Oh come on Jess, umiral na naman pagkachick boy mo. Tigilan nyo nga yang Secretary ko." Inaya ko ang mga itong umupo sa sofa na nasa opisina ko.
"Hindi nga pare. Ang ganda ng secretary mo. San ba nakakahanap ng ganyan kaganda papalitan ko na yung secretary ko." Tumatawang sabi naman ni Ace na bahagya pa ding sumilip kay Lucia.

BINABASA MO ANG
About Last Night
Narrativa generaleLucia Aveeleene D'Souza runaway from home to find herself after her boyfriend left her and also to opposed her parents in marrying her unknown fiancee. Healing from heartbreak caused by her coward ex boyfriend she finds herself in a situation far fr...