Chapter 7: Origin

1.2K 160 3
                                    

Chapter 7: Origin


"Anak." Natulala ako sa kwintas na nasa kamay ko. "Napadalaw ka rito bigla. Nako. Tinawagan ko na si Percy na pumunta rito't magdala ng tanghalian."

Wala ang bunso kong kapatid. Wala rin si Percy. Pagkakataon ko na para tanungin si mama.

"Anak." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Sumulyap siya sa kwintas na hawak ko. "May problema ba, Aislinn?"

"M-ma." Nangatal ang aking boses. I wanted to know the truth. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. "A-anak niyo ho ba talaga ako?"

Bigla siyang natigilan. "A-ano bang tanong iyan, 'nak? S-syempre. Anak kita. Sa akin ka ga-galing—"

Tumayo ako na kinalaki ng mga mata niya. "Tell me the truth, ma." Pinunasan ko ang luha sa pisngi. "Pa-pakiusap."

Bigla siyang napaupo sa sahig sabay napahagulgol. Napapikit ako, tila sinasaksak ang puso ko. Walang tigil na tumutulo ang luha sa mga mata ko.

"Patawarin mo ako," aniya. Mariin kong pinikit ang mga mata't napahikbi. "Patawarin mo ako, 'nak."

"Ba—" nasapo ko ang bibig. "Bakit hindi niyo sinabi?" napaupo ako sa lapag sabay minulat ang mga mata. Humawak ako sa magkabila niyang balikat. Sinasalakay ng galit ang puso ko. "Bakit kayo nagsinungaling sa akin, ma?!"

Mabilis niyang hinawakan ang mukha ko. Basang basa ang kanyang pisngi dahil sa luha. My heart breaks seeing her like this. I witnessed her sacrifices in our family. I witnessed the ups and downs in this so-called family.

"Nak." Pinunasan niya ang luha sa 'king pisngi. "Na-nakita ka ng papa mo," humikbi siya. "Sa Ditago." Napapikit ako't napagtantong sa Ditago ko naririnig ang bulong na Cambion. "Nagkupra sila noon malapit sa Ditago nang marinig niya ang iyak ng isang bata." Minulat ko ang mga naluluhang mata. "Ang batang iyon... ay ikaw."

Napahawak ako sa 'king dibdib. This is too much. "Hi-hindi niyo alam kung saan ako nagmula? Hi-hindi niyo alam ku-kung sino ang mga ma-magulang ko? Kung sana sinabi niyo pa lang nang maaga!"

Umiling siya na mas lalong nagpahikbi sa 'kin. Mas lalo siyang lumapit. "Anak kita. Kahit anong mangyari—" hinawi niya ang buhok sa 'king mukha. "Kanino ka man nagmula. Anak kita. 'Yan ang tatandaan mo. Kahit ano pa ang mangyari, mahal na mahal kita anak ko."

"Mama..." hindi ko mapigilan ang pagngawa. Mahigpit niya akong niyakap na mas lalong nagpaiyak sa 'kin.

I shouldn't blame her for what happened to me. Kung hindi dahil sa kanila ni papa, marahil wala ako rito. Kung hindi nila ako kinuha roon sa Ditago, hindi ko matatamasan ang buhay ko sa Mystone Town. Hindi ko matatamasan ang buhay ko ngayon. Hindi ako makakapag-aral, hindi ko makikilala si Crosette at iba pang mga kaibigan. Hindi ko makikilala si Percy at Annaliese. Hindi ko makikilala si Papa't mama.

Yumakap ako kay mama habang humihikbi. "Shhh," mahinang aniya habang hinahaplos ang buhok ko. "Patawarin mo ako, anak. Patawarin mo rin ang papa mo. Hindi namin gustong ilihim sa'yo." Napapikit ako. "Masaya na ikaw. Hindi mo na kailangan malaman iyon."

"Ano ang nangyayari?" Narinig ko ang boses ni Percy na nagpamulat sa 'king mga mata. "Anong kadramahan ang narito?"

Napangiti ako bago lumayo kay mama. Pinunasan ko ang luha sa mga mata bago tumingin sa gawi ni Percy. Nakatayo siya sa bukana ng pinto.

"Percy ang lampayatot noon ni mama at papa." sabi ni mama. Naluluha akong napangiti. "Halika. Akapin ka rin ni mama."

Ngumiwi siya bago pumasok. Huminga ako ng malalim. Tinapik ni mama ang balikat ko na nagpabaling sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin. Gano'n din ako sa kanya.

CAMBION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon