Chapter 6: CAMBION

1.2K 166 3
                                    

Chapter 6: CAMBION




"Crosette," tawag ko sa kaniya. Mapupungay ang mga mata niyang tumingin sa 'kin sabay lagok ng alak. "Halika na. Umuwi na tayo."

Tinaas niya ang kanang palad bago umiling. "One glass of margarita, please," aniya sa bartender.

Kasalukuyan kaming nasa ZnB bar. Hindi si Michael ang bartender ngayon kasi—

"Linn, let's dance," sabi ni Michael nang makalapit sa 'kin. Naaamoy ko ang alak sa kanya. Sumama siya sa'min nang mag-aya si Crosette pag-uwi ko. "Come on," dagdag pa niya.

Hinawakan niya ang kamay ko na agad ko rin binawi. "Pareho na kayong lasing," tugon ko. Tumingin ko kay Cheska na katabi lang ni Crosette. Pinalo ko ang kamay ni Michael na dumapo sa 'king hita bago inalis iyon. "Cheska," tawag ko sa kaniya. Sumulyap naman siya sa 'kin. "Ihatid na natin sila."

Binaba niya ang bote ng alak. "Girl, ako na maghahatid kay papa Michael." Ngumisi si Cheska sa akin.

Napakurap naman ako. Wala naman siguro siyang gagawin. I mean, he can't do things like—

"Baliw. Alam ko 'yang tingin mo. Hindi ko 'yan gagah*sain 'no. Kaloka. Kahit gustong gusto ko," aniya at tumili.

Bahagya akong ngumiti. Sumulyap ako sa relong pambisig, malapit na mag alas onse ng gabi. Kailangan ko na talaga umuwi. May trabaho pa ako bukas sa opisina, since Monday bukas.

Limang piraso ng suman ang binili ko kanina, pero hindi pala sapat iyon sa nararamdaman ni Crosette ngayon. Kahit siguro ang alak ay 'di maiibsan ang sakit na nararamdaman ng puso.

She told me what happened when I came home. They had s*x, the British guy, then he dumped her. Just one night, and she couldn't get over the bastard.

Napabuntong hininga ako. Ako rin, I couldn't get over the kisses of Angelus. I missed him already. I want Angelus. I love Angelus, even his demon.

Alam kong hindi 'yon makakabuti sa kanya. I don't want him to suffer.

Nagising ang diwa ko nang tinusok ni Cheska ang pisngi ko. Bumaling ako sa kanya, nakaakbay si Michael sa kanya at halatang lasing na lasing.

"Mauna na ako sayo, ha? "Mag-ingat kayo, sisteret. Ciao!" aniya at naglakad papunta sa pinto.

Tatawagin ko sana siya nang maalalang may dala pala siyang sasakyan. Gamit din ni Crosette ang sasakyan niya papunta rito. Sumunod lang kasi si Cheska sa amin dahil tinawagan siya ni Crosette. Paano naman 'yung sasakyan ni Michael? Di bale, bar niya naman 'to. Kung bar niya 'to, posibleng may kwarto siya rito o office.

Kumunot ang noo ko nang nasa bukana pa ng pinto si Cheska. Hindi siya pinalabas ng mga bouncer. Kailangan ko sila puntahan, pero kailangan ko rin bantayan si Crosette.

Speaking of this woman, nakayuko na siya habang unan ang kanyang braso. Paano ba 'to?

"Ma'am, isang margarita pa?" narinig kong tanong ng bartender.

Umiling ako sabay hawak sa braso ni Crosette, muntik na siyang matumba. "Huwag na ho. Lasing na kasi 'to," tugon ko at sumulyap kay Crosette. "Pwede ho bang pakibantayan ang kaibigan ko? Babalik din ako agad. Mabilis lang ako."

Nagbaba siya ng tingin kay Crosette habang natatamaan ang kaniyang mukha ng neon lights. Hindi mapagkakaila ang poging mukha ng bartender. Moreno ang kutis nito at malalim ang mga mata, matangos din ang kanyang ilong. Halata tindig niya na inaalagaan niya ang katawan. Matangkad din siya, ang lakas ng sex appeal niya.

"Sige, ma'am," aniya. Kanina ko pa napapansin ang husky sa kanyang boses o baka natural lang talaga niyang boses iyon.

"Thank you!"

CAMBION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon