Chapter Three
“Ladies wake up and prepare your selves!” Ito ang sigaw na nagpagising sa akin kasabay ng pag-iingay ng isang nakakabinging tunog, nanatili akong nakahiga. Gusto ko pang matulog, kung pwede ay habang-buhay na.
Tilian at pagkasabik na hiyawan ang naririnig ko kasabay ng pagtakbuhan nila.
“Move fast! H’wag niyong paghintayin ang mga kustomer!”
K-kustomer? Mabilis akong napadilat.
N-nasaan ako? Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Nanghihina akong bumangon, bumaba ang tingin ko sa sout kong damit. Manipis itong tela na kulay pula na hanggang tuhod, hindi ko alam kung anong tawag nila sa damit na ito, para itong bestida na manipis.
Nakayakap ako sa sarili ko dahil bigla akong nilamig. Nilibot ko ang paningin ko.
Napapalibutan ng makapal na pulang kurtina ang boung silid, nagkalat ang mga pambabaeng kasoutan sa sahig gaya ng mga pribadong kasoutan. Maging ang mga lipstick at make up ay nasa sahig. Tiningala ko ang kamang kinahihigaan ko. Hindi ito gaya ng nakasanayan kong kinahihigaan. Ito malambot.
Hindi rin ako nag-iisa kwarto may iba pa akong mga kasama.
Hindi magka-uga ang mga kaparehas kong babae sa pagtakbo. Paparoo't paparoon ang kanilang takbo. Animoy may kahabulan sila.
Anong klaseng lugar 'to? Bakit ako nandito? Sinong nagdala sa akin? Napatigil ako sa pagtingin sa paligid ng may humila sa braso.
“A-aray,” mahina kong daing ng masagi niya ang sugat ko. Tiningala kong sino ‘yon.
Isang matangkad na babae. May kulay kayumanggi itong buhok. Manipis ang kanyang kilay na parang ginuhit lamang. Bilugan ang may kalakihan niyang mata. Hindi ganoon katangos ang kanyang ilong, ganoon din ang kanyang labi na may kakapalan.
Napatungo ako.
“Hoy ano pang tinutunganga mo diyan magpalit ka na! Atsaka bakit ganyan ang itsura mo? Mukha kang ginawang punching bag!” hindi ako sumagot at nanatiling nakatungo.
Naramdaman ko ang mga matang nakatingin na din sa akin, mas lalo akong napayuko at inakap ang sarili. Natatakot ako. Baka may gagawin na naman sila sa akin na masama.
Marahas niyang binitawan ang braso ko at tinulak pabalik sa kama.
“Tina! H’wag mo ng paki-alaman ‘yan. Bagong kuha ‘yan ni boss kung ayaw mong malintikan sa kanya!” sigaw ng isang babae. Umalis naman ang baabeng nag-ngangalang Tina sa tabi ko, nakarinig ako ng mahinang tawanan mula sa grupo nila.
Marahil ay ako ang pinagtatawanan nila. Dahil naiiba ako sa kanila. Hindi gaya nila na magaganda?
Umayos ako ng upo at sumiksik sa gilid. Tinakpan ko ang dalawang tainga ko,ayaw kong marinig ang kanilang tawanan.
BINABASA MO ANG
The Purpose
RomanceHave you ever been ask, what is the purpose of living? Purpose of life? _brknspecie❣