Chapter Sixteen.
"Mauna na ho kami Sister, Nurse." kumaway si Johannes sa mga madre at mga nurses na nakahelera sa harapan namin. Ngumiti silang lahat, ang iba pa ay kumaway. Tulog na din ang mga bata kaya hindi na namin sila ginising.
"Salamat sa inyong pagdalaw. Nawa'y patnubayan kayo ng Panginoon. Ingat kayo sa biyahe." sabi ng isa.
" Salamat din ho, sige ho alis na kami." Ngumiti sila. Tumalikod na kaming tatlo.
Naunang naglakad si Johannes, sumunod si Glenn bago ako. Nakatungo akong naglalakad habang panay ang pagbuntong hininga. Hanggang ngayon ay iniisip ko ang nangyari kanina, simula noong sinabi ko iyon kay Glenn ay minsan na lang niya akong kinakausap. Sinusulyapan lang pero hindi nagsasalita. Hindi ako sanay.Hanggang sa naka-uwi na kami sa bahay niya ay tahimik kaming dalawa. He just glance at me and then he walk away. Pinanood ko ang pag-akyat niya sa hagdan bago ako sumunod sa kanya. Mabagal ang bawat paghakbang ko kung kaya't natagalan akong nakarating sa iniukupa kong kwarto, nagulat ako ng makita kong nakasandal si Glenn sa may pintuan. Kanina pa ba siya diyan?
"B-bakit?" nagtatakang tanong ko. Walang emosyon niya akong tinitigan
"I-I...just wanna say good night, y-yeah that's all? Sleep well." umiwas siya ng tingin at siya na din mismo ang nagbukas sa pinto.
"Pasok ka na." Umusod siya para bigyan ako ng espasyong upang may dadaanan ako.
"Good night din." Sabi kobago pumasok sa loob, dumiretso akong sumalampak sa kama. Narinig ko ang pagbukas sara ng pintuan.
"Haist." tumitig ako sa puting kisame. Bakit parang biglang lumamig ang pakikutungo niya sa akin? Well, anong aasahan ko? Iiyak sa saya dahil may kasama siyang mamatay tao sa iisang bubong? Hindi niya kayo ako ipapakulong? Argh! Bumangon ako at sinabunutan ang sarili kong buhok. Anong gagawin ko? Mag-sosorry sa kanya? But what would I? Wala naman akong ginawang masama. That's it!
He's a religious person of course! What would I expect? Humiga ulit ako at nagpagulong-gulong pero mabilis ko ring itinigil dahil nararamdaman kong nahihilo ako. Bumangon ako at hinubad ang pinasuot niya sa akin na jacket niya. Sinampay ko iyon sa isang silya bago dumiretso sa banyo para mag-shower.
Hinubad ko ang lahat ng saplot ko sa katawan. Tinitigan ko ang sarili kong repleksyon sa full length mirror na naroon. I trace every scar in my body. Tipid akong napangiti. Halos hindi ko ito mabilang. The pain was engrave in this scars, it's like a tattoo. Sabi nga ni Glenn, ito raw ang patunay na nakayanan ko ang ibinigay sa akin ng Diyos na mga pagsubok sa buhay. Siguro nga. At hindi ko rin maiwasang magpasalamat dahil hanggang ngayon ay buhay pa ako. I stay their for a moment, intently looking into my reflection.
Nang magsawa na ako ay saka ko naisipang maligo na. Tumingala ako at tumama sa mukha ko ang malamig na tubig. Will God forgive me after what I've done? I don't know. I just protect my self, dahil kapag hindi ko naman ginawa 'yon. Baka ako ang binaril.
Dinama ko ang lamig ng tubig. Nagbabad pa ako ng ilang minuto bago ko napagpasyahang lumabas na. Nagulat ako ng madatnan ko si Glenn na naka-upo sa kama sa tabi niya ay isang pares ng patulog na maayos na nakatupi at panloob na damit. My cheeks automatically burn. Hindi ko maalalang naghanda ako ng damit na gagamitin ko. D-did he prepair? Tumikhim ako, napatingin siya sa gawi ko pero ng makita niyang nakatapis lang ako ng tuwalya ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin.
"S-sige magbihis ka muna, lalabas lang ako." nag-iinit ang pisnging napatungo ako. Nakita ko siyang dali-daling lumabas. Pagkalabas niya ay ni-lock ko ang pinto at nagbihis. Saktong tinutuyo ko ang buhok ko nang kumatok siya. Binuksan ko iyon. Pinanood ko siyang pumasok at umupo sa gilid ng kama. Nanatili akong nakatayo sa may pintuan. Nakatitig lang sa kanya. I don't know what to say.
BINABASA MO ANG
The Purpose
RomanceHave you ever been ask, what is the purpose of living? Purpose of life? _brknspecie❣