Chapter Fourteen.
JESS DIM
6:30 PM.
'Open your heart, body and Soul.' his words are still lingering on my head. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mawala-wala. Mahirap, pero sinusubukan ko.
Huminga ako ng malalim at tumitig sa labas ng bintana, ang mga ilaw galing sa street lights, sa mga kabahayan, gusali at mga sasakyan ang naghahalo-halong nagsisilbing palamuti sa gabi. Tanging ang pagbusina at mga sigaw nang naglalako pa ng balot ang naririnig kong ingay. Kasalukuyang nakasakay kami ngayon sa kotse ni Glenn papunta raw sa Locraine Hospital. Kasama namin ang lalaking nangangalang Johannes, mukha din naman siyang mabait.
Humampas ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko nang buksan ko ang bintana. Pumikit ako at dinama ang lamig ng hangin. Hindi ko na matandaan kung kailan ako nadampihan ng ganitong kalamig nang hangin sa mukha ko.
Ang tanging malinaw lang sa akin na dumampi sa balat ng pisngi ko ay ang hampas ng mabibigat nilang mga kamay hanggang sa ito ay mamanhid. Bugbog naman kung sila ay sawa na. Ramdam ko pa rin ang sakit tuwing inaalala ko ang mga nangyari. Dumilat ako at huminga ng malalim.
Gusto kong manatiling nakapikit pero lagi kong naalala ang mga napagdadaanan ko. Bumaba ang tingin ko sa pulsuhan ko, tipid akong napangiti. Humihilom na ang sugat na ginawa ko dito. Tumingin ako sa harap, muli akong napangiti ng masulyapan ko ang likuran ni Glenn. I don't know what's with his words kung bakit ganun na lang ang naging epekto non sa akin. It's like I'm about to walk the bridge of darkness but he came and he handed me a torch to give me some light, para hindi ako mangapa sa dilim.
"Hey, you okay? You look bothered sigurado ka ba na gusto mo talagang sumama? Pwede pa naman tayong bumalik," tanong niya ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Sinilip niya ang mukha ko sa side mirror.
"Ayos lang ako, may iniisip lang. No let's continue, may tiwala naman ako sa sinabi mo sa akin na hindi mo ako iiwan," nginitian ko siya. Nakita ko ang pagguhit ng isang ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko pa rin siya ganun kakilala pero naniniwala ako sa mga salitang binibitawan niya. I have this feeling that I need to trust him. Tahimik ang aming naging biyahe at tanging pagtanaw sa mga nalalagpasan namin ang ginagawa ko. Minsan ay nagtatanong ako sa kanya sa mga hindi ako pamilyar na mga bagay na nakikita ko. And he gladly answering it.
"Look!" manghang sigaw ko sa kanila habang nakaturo sa isang bagay na napapalibutan ng ilaw na nagpapatay sindi. Mixture of red, green and white lights. May iba't iba rin itong disenyo na hindi ko alam ang pangalan. May bilog, pahaba at star.
"Christmas Tree ang tawag diyan," si Johannes ang sumagot. Napatango ako sa kanyang sinabi, nanatili akong nakatingin sa 'Christmas Tree'. Hindi pa naman December ngayon bakit may Christmas Tree na sila?
Hanggang sa makarating kami sa Locraine. Pinark niya ang kotse niya sa bandang may naka-paskil na 'Parking Lot Area'.Hindi ko maiwasang igala ang aking mata pagkababa ko sa kotse. Buhay na buhay ang labas ng ospital dahil sa kulay berdeng nakapalibot sa mga halamang naroon at mga street lights na nagmistulang pathway. Maliwanag ang buong paligid kung kayat nakikita ang kalawakan ng kapaligiran. Bermuda grass was all over the ground.
"Magandang gabi Sir, sakto ho ang dating niyo at katatapos lang na naghapunan ang mga bata." Bungad sa amin ng babaeng nakasuot ng kulay puti, kung tama ang hinala ko ay isa siyang nurse.
"Magandang gabi rin, Nurse Maria." sabay na bati ng dalawa kong kasama.
"Kayo pala sir, magandang gabi sa inyo at sa'yo rin ma'am pasok po kayo nasa hall po ang mga bata," ani naman ng hindi katandaang babae na may suot na rosaryo. Tipid ko siyang nginitian.
BINABASA MO ANG
The Purpose
RomanceHave you ever been ask, what is the purpose of living? Purpose of life? _brknspecie❣