Chapter 15

16 3 0
                                    


Chapter Fifteen.

Masasabi kong isa sa araw na 'to ang araw na hindi ko makakalimutan. Unang araw na natagpuan ko ang sarili kong nakangiti. Hindi pilit na ngiti kundi mga natural na ngiti sa labi. Natagpuan ko ang sarili kong nag-eenjoy kasama ang mga estrangherong ngayon ko lang nakilala. Mga estrangherong nagbigay sa akin nang gaan sa kalooban. Nang kakaibang saya.

"Did you enjoy?" Nabaling ang tingin ko kay Glenn na kasalukuyang nakatingin sa mga batang nakangiti dahil katatanggap lang nila ang regalong ibinigay nila Glenn.

"Oo, salamat." Lumingon siya sa akin. "Salamat sa pagdala niyo sa akin dito, I realized one thing."

Lumipat siya ng pwesto at umupo sa tabi ko.

"You're always welcome, diba nangako ako sa'yong tutulungan kita? Kaya ginagawa ko ang lahat, seeing how happy you are masaya na rin ako. Gusto kong lagi kang nakangiti," hinawakan niya ang nilalamig kong palad. Na naging sanhi ng paywawala na naman ng puso ko. Hinawi niya ang hinahangin na buhok ko at inipit 'yon sa likod nang tainga ko.

"G-glenn, you think mapapatawad pa ba ako ng Diyos?" Out of nowhere ay bigla kong naitanong sa kanya. Maging siya ay natigilan din sa tanong ko at hindi agad siyang naka-react. Babawiin ko na sana ang tinanong ko sa kanya pero ngumiti siya sa akin.

"Oo naman, mapagpatawad ang Diyos. Why did you ask?" Umiling ako at saka ko binalik ang tingin ko sa mga batang masayang nagpapaalam kay Johannes.

When I was a kid, I never been smile. Hindi ko naranasan ang buhay nang isang normal na bata, kahit gusto kong maglaro hindi nila ako pinapayagan. Lagi nila akong kinukulong sa kwarto kong madilim. Kung susubukan kong tumakas nahuhuli ako ni mama at ikukulong sa basement nag tatlong araw, minsan isang linggo hinahatiran lang nila ako nang pagkain. Maswerte pa ang mga batang ito dahil may kumopkop sa kanila, hindi ko maiwasang makaramdam ng selos, masaktan para sa sarili ko. Kung pwede lang sanang pumili ng magulang baka isa na ako don.

I still remember the day na gusto kong matutong magbasa at magsulat, sinubukan kong magpaturo noon kay mama pero sampal lang ang ginawad niya sa akin. Sariwa pa sa isipan ko ang sinabi niya noon sa akin.

"What for? Wala ka rin namang silbi! Nagsasayang ka lang ng tinta nang lapis at ballpen!"

Masakit.

" Hey, bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo? Masakit ba 'yong ulo mo? Tell me," naramdaman ko ang pagpahid ni Glenn sa nalaglag kong luha, hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. Basta ko na lang sinubsob ang mukha ko sa kanyang matigas na dibdib.

Gusto kong magsumbong sa kanya, sabihin lahat baka sakaling mabawasan 'yong sakit. Gusto kong sabihin kung paano nila ako inalipusta pero wala akong sapat na lakas para sabihin ang mga 'yon. Hindi ko kaya.

"Everything will gonna be alright," mahina niyang sabi at marahang hinagod ang buhok ko. Sana nga. Umaasa ako na sana nga darating araw na magiging maayos na ang lahat, maging tahimik na buhay ko. Yong hindi ako laging dinadalaw ng mga napagdaanan ko. How I wish darating nga ang araw na 'yon.

Humiwalay ako sa kanya at pinahid ang nanginginig kong daliri ang luha ko. "Ayos na ba ang pakiramdam mo? Gusto mong samahan kitang magpahangin para lumanghap ng sariwang hangin?" tanong niya sa akin.

" O-okay lang ba sa'yo?"  

"Oo naman."

_____

Napayakap ako sa sarili ko ng biglang lumakas ang pag-ihip nang hangin. Napatingala ako sa katabi ko ng ipatong niya ang suot niyang leather jacket sa balikat ko.

"Salamat," ani ko. Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Humilig ako sa pader na katabi ko at pinanood ang pagpatay sindi ng mga ilaw na nakapalibot sa halaman. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba kaming nandito sa labas at tahimik lang na naka-upo. Walang gustong magsalita sa amin. Huminga ako ng malalim.

The Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon