Chapter 7

69 13 96
                                    

Thank You for this 😘😘

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thank You for this 😘😘


Chapter Seven

DIM

"Hahahaha! Akin ka na!"

"Wala ka ng kawala!"

"P-papa..t-tama..n-na..maawa ka sa akin.."

Pigil ang luhang pagmamaka-awa ko pero hindi siya nakinig. Muli niya akong hinampas ng latigo sa likuran.

Mahina akong napadasal para itigil na ni papa ang ginagawa niya sa akin.

"Tumahimik ka!"

Napapikit ako sa sakit at tahimik na umiiyak. Mahigpit ang paghawak ko sa bedsheet, kung saan ako nakakapit.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong akin ka lang! Akin ka! Naiintindihan mo? Akin ka!"

Habol ang hiningang mabilis kong minulat ang aking mata kasabay nang biglaan kong pagbangon sa malambot na kamang kinahihigaan ko. May tila kong anong nabunot na nakatusok na bagay sa kamay ko dahil sa biglaan kong pagbangon, bigla kasi itong kumirot.

Humiga ulit ako. Ramdam ko ang pagdaosdos ng butil-butil kong pawis mula sa noo ko. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng mga gamot.

Malakas ang kabog ng dibdib ko, bahagyang nangingig pa ang katawan ko at nakaramdam ako nang pagka-uhaw.

Naalala ko na naman yung napanaginipan ko kanina, isang panaginip o mas tamang sabihin na isang parte nang alaalang matagal ko ng gustong maibaon sa limot. Pero para itong isang bangungot na lagi akong dinadalaw.

Ginala ko ang paningin ko sa paligid. Puro kulay puti ang nakikita ko sa paligid. Maging ang kinahihigaan at sout ko ay puti. Purong puti ang ding ding na nakapalibot sa akin.

Sinong nagpalit sa akin? At..at..
Nasaan ako? Napahawak ako sa ulo ko nang bigla iyong kumirot. T-teka, bakit may benda sa ulo ko? Sinong naglagay dito? Napangiwi ako ng hindi ko masyadong maigalaw ang paa ko.

Muli akong bumangon para maghanap ng tubig, dahil nauuhaw na talaga ako at hindi inaasahang bigla akong nahulog sa kamang kinahihigaan ko.

"A-aray!"

Napahawak ako sa ulo ko ng tumama ito sa sahig, medyo nahilo ako. Pinilit kong inabot ang puting bed sheet para pagkapitan. Nanginginig ang kamay ko habang pilit iyon na inaabot.

Hindi naman ako nabigo. Mabilis ko iyong hinila para gawing suporta, para makatayo ako. Hindi pa ako nakakalahati sa paghila ng bigla sumakit ang ulo ko. Napapikit ako at napahawak dito.

The Purpose Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon