Chapter Nine.
"Are you Mr. Glenn Aguilar?" Anang ng boses mula sa pintuan. Inayos ko muna ang pagpapahiga ko sa kanya bago ito hinarap.
"Ako nga po, bakit po?"
"Gusto ka raw maka-usap ni Dra. Carina, patungkol sa kalagayan ng pasyente. Sumunod po kayo sa akin,"
Tumango ako bago sinundan ang nurse. Nilingon ko muna siya bago tuluyang sinara ang pintuan.
"Sleep well,"
Tahimik kaming naglalakad sa pasilyo ng hospital, hanggang sa makarating kami sa opisina ni Dra. Carina. Kumatok ng tatlong beses ang kasama kong nurse. Bago kami pumasok sa loob.
Nadatnan naming nagsusulat si Dra. Carina.
"Dok, andito na po si Mr. Aguilar," imporma niya. Nag-angat ng tingin ang doktora saka ngumiti sa amin.
"Thank you, maiwan muna kami."
Pagkalabas ng nurse ay pina-upo niya muna ako sa bakanteng upuang gawa sa antique.
"Gusto niyo raw po akong maka-usap?" panimula kong tanong. Tumikhim ito bago tumango.
"Oo, kahapon pa sana ngunit hindi pa kasi ako sigurado sa mga nalaman ko tungkol sa pasyente ko, about her condition."
Bigla akong kinabahan dahil doon.Anong ibig niyang sabihin? Kahit hindi ko naman kadugo 'yong tinulungan namin ay nag-aalala pa din ako sa kalagayan niya.
"About her wounds, akala ko mga simpleng sugat lang ang mga iyon noong tignan ko but when I look closer. Ilan sa mga ito ay paso mula sa sigarilyo, ginawa nilang ashtray ang magkabila niyang braso, hindi lang iyon kundi pati ang hita niya,"
Napatanga ako sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko namamalayang nakakuyom na pala ang dalawa kong kamao.
Paano nila ito nagawa sa isang inosenteng tao? Balak ba nila itong patayin ng buhay? Oh god.
"I don't know kung anong klaseng pagmamaltrato ang ginawa nila sa kanya. I can't explain, monster is not enough to define what they are. The patient is not only suffering physical and emotional pain, but also her mental health has been affected. Na-trauma na siya, kaya ganoon ang kinikilos niya pagka-gising niya, marahil ay dahil sanay siyang sinasaktan nang mga taong nakapaligid sa kanya. At sa tingin ko ay mas lumala ito dahil sa pagka-untog niya. Nati-trigger ang katawan niya tuwing may lalapit o hahawak sa kanya, according to nurse Tina. At isa pang nakita ko sa katawan niya ay hindi lang paso ng sigarilyo kundi pati na din mga latay ng latigo or something na pinampalo sa katawan niya. " Mahaba niyang sabi.
In fact, I don't know what to say or react. Matapos iyong sabihin ni Doktora. Para akong biglang nahilo sa mga narinig ko. Mas lalo akong naawa sa kanya, she suffer so much in pain.
Tumikhim si doktora para ipagpatuloy ang pagsasalita napansin kung parang nag-aalinlangan pa siyang magsalita dahil umiwas siya nang tingin at bahagyang napalunok, habang medyo nanginginig ang ilang daliri.
Kinabahan ako bigla sa kanyang inasta.
"May problema po ba?" kinakabahang tanong ko. Nagsisimula na akong panlamigan ng palad sa hindi malamang kadahilan.
Umiling ito. "But be ready and be strong,"
Naguguluhan man ay tumango na lang ako. Bakit iba ang pakiramdam ko sa sasabihin niya? Nagsisimula na ding kumabog ang dibdib ko sa kaba.
Nagsisimula na akong hindi mapakali sa kina-uupuan ko.
"Ang isa pa kaya gusto kitang maka-usap ng ikaw lang ay gusto kitang tanungin kung alam mo ba talaga ang nangyayari sa'yong kamag-anak, hindi ba't kamag-anak mo siya? Hindi sa gusto kong manghimasok pero gusto ko lang talagang malaman ang background ng pasyente. As her doctor, I'm concern." Ani niya. Halata din sa boses niya ang pag-aalala.
BINABASA MO ANG
The Purpose
RomanceHave you ever been ask, what is the purpose of living? Purpose of life? _brknspecie❣