Chapter Four
Tulala at wala sa sarili akong naglalakad pabalik sa kwarto kung saan ako nanggaling kanina. Para akong isang patay na naglalakad, hinayaan ko lang na umagos ang mga luha ko. Magulo at gusot-gusot ang pulang bestidang sout ko, wala din akong sout na panyapak.
Ramdam ko ang lamig ng sementadong sahig, na nagpapa-alala sa akin ng kababuyang ginawa niya sa akin. Sa bawat hampas, halaklak at sakit. Gustong gusto kong iuntog sa matigas na pader ang ulo ko, baka sakaling magising ako sa katotohanang kahit anong iyak ang gawin ko ay walang magbabago. Kahit pa siguro lumuha ako ng dugo ay hindi pa rin sila titigil sa pagpapahirap sa akin.
Gusto ko ng magpahinga. Bugbog na ang katawan ko. Mahina akong napatawa, bago sumalampak sa sahig. Sa totoo lang gusto kong pagtawanan ang sarili ko, bakit? Sa kabila ng mga sakit na pinapadama nila sa akin, ay heto ako at buhay pa rin. Hindi maubos-ubusan ng luha. Minsan hindi ko tuloy maisip, bakit pa tayo kailangang maghirap ng ganito? Ang dumanas ng ganitong klase ng buhay?
Wala naman sigurong may gustong ganito ang magiging takbo ng buhay niya diba? Kung talagang mahal tayo ng panginoon, bakit niya ako, tayo hinahayaang maghirap ng ganito? Pero bakit ganun? Parang hindi naman niya tayo, ako mahal. Hinayaan niya lang na dumanas ako ng ganito kasakit na buhay.
Napahikbi ako at inakap ang sarili. Ngayon ko lang naramdaman ang salitang 'nag-iisa', iyong walang gustong tumanggap sa'yo, dumamay at pakinggan ang bawat paghingi ng tulong mo. Ngayon ko lang din napagtanto kung anong buhay meron ako.
Ganito ba kasakim ang diyos sa akin? At kahit ang kalayaan ko man lang ay hindi niya kayang ibigay? When I was young I believe in his words, I praise and believe him. Pero bakit ganun? Why so unfair?
Ang dami kong gustong isumbat sa kanya! Itanong! Pero ni-isang salita walang gustong kumawala sa bibig ko! Bakit?
“Hoy, anong iniiyak iyak mo diyang pangit na punching bag ka? Masyado bang malaki ang burat kaya napaiyak ka?”
Hinayaan ko lang siya ng sipain niya ako. Nanatili akong nakatungo at walang imik. Wala akong lakas na magsalita. Parang nasaid lahat ng lakas ko, nanghihina na ako at pati ang talukap ng mga mata ko ay bumibigat na din.Mahina akong napa-ungol sa sakit ng may sumabunot sa buhok ko. Mariin akong napapikit. Kahit ayaw ko ng umiyak, pero ang mga luha ko, patuloy pa rin sila sa pag-agos. Hindi ba sila nauubos? Napapagod sa pag-agos?
“Ang pangit mo!” malakas niya akong sinampal, kaya humalik ang mukha ko sa malamig na semento. Kasabay ng kanilang pagtawa ng malakas. Bakit ba nila ako ginaganito? Ano bang ginawa ko sa kanila?
“Mira iabot mo nga sa akin yong gunting. Aayusin ko ang buhok ng ating bagong kasama, kawawa e mukhang hindi nagugupitan ng ilang dekada, sa sobrang haba. “
Bakit ba gustong-gusto nila akong inaapi? Ang mga taong alam nilang walang kalaban-laban?
Nakarinig ako ng parang pinunit ng isang damit. Kasabay ng panlalamig ng bou kong katawan, naramdaman ko ang pagdampi ng malamig na hangin na nanggaling sa aircon.
“Holy shit! Is this a fucking body or what ? Ash tray?” hindi makapaniwalang sambit ng babaeng pumunit sa damit ko.
Tama na. Ayaw ko na please. Kahit isang oras man lang pabayaan niyo muna ako pwede? Hindi ba nila nakikita ang itsura ko? Ang mga pasa kong halos araw-araw ay nadagdagan. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay mabaldado ang bou kong katawan, dahil sa pinaggagawa nila sa akin. Hindi ako hayop, o isang baboy na ginagawang parausan o babuyin. Tao ako.
Pero anong ginawa nila? Hindi nila ako tinuring bilang isang tao, kundi ginawa nila akong hayop. Araw-araw nagtitiis sa pinaggagawa nila, minu-minutos at inoras. Hindi sila nagsasawa, walang kapagurang parusa. Hindi ba nila inisip na, tao ako. Nasasaktan. Sana naging manhid na lang ang katawan ko sa mga pasakit na pinaggagawa nila sa akin.
Hindi ako bato na nanatiling matigas kahit ilang beses nilang apak-apakan ay ayos lang.
Nagpupumiglas ako ng bigla akong hawakan ng dalawang babae sa pulsuhan ko. Mahigpit, kulang na lang ay maghiwalay ito. Tumaas ang balahibo ko sa katawan ng naramdaman ko ang malambot na palad na humahaplos sa hita ko.
“hmm, gusto kong makita kung paano ka magmakaawa sa sobrang sakit sa gagawin namin sa'yo at sisiguraduhin kong masasarapan ka,” sigurado akong nakangisi ito ngayon, mas mariin akong pumikit. Ayaw kong makita ang kanilang pangisi at kung paano sila ngumiti.
Hindi na bago sa akin ang linyang iyan. Ilang beses na ba akong nakarinig ng ganyang linya? Isa, dalawa, tatlo? Lima? Anim? Hindi ko mabilang kung ilang beses nila akong binaboy at tinuturukan ng ipinagbabawal na gamot. Gusto kong takpan ang tainga ko ng magsimula silang umungol at humalaklak.
Parang sasabog ang ulo ko dahil sa sakit.
“I’m wondering kung ilan na ang nakatikim sa'yo? Ang luwag e. Hahaha!”
Baka hindi mo kayanin kapag sinagot kita. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa takot at pangamba.
Kasabay ng palakas na palakas na paghikbi ko ay siya naman ang kanilang paghaplos sa bawat balat ko. Marahas. Masakit. Walang bago. Palagi na lang ba? Ang katawan ko, parang hindi pa rin sanay. Ramdam ang panginginig ng katawan ko at pagtaas ng balahibo ko sa katawan.
“Aahh! Sh*t!”
“F*ck!”
Parang binibiyak an ulo ko sa bawat ungol na ginagawa nila. Sumasariwa na naman sa isipan ko ang ala-alang gusto ko ng ibaon sa limot, ala-alang muntik ng bumaliw sa akin. Ala-alang nagpapa-alala sa akin kung gaano kamisirable ang buhay ko. Ala-alang dahilan kung bakit ko pinagsisihang mabuhay.
Sana mabingi na lang ako para hindi ko sila marinig. Sana nabulag na lang ako para hindi ko makita ang karahasang pinaggagawa nila sa akin.
“Tama na..” iyon lang naman ang kaya kong sabihin ang mag-makaawa sa kanila, hanggang sa mag-sawa sila sa katawan ko. Nararamdaman kung nanlalabo na ang aking paningin. Nanghihina na ang aking katawam, lupaypay na. Bumabagal na ang tibok ng aking puso.
“P-perla..bakit parang hindi na siya humihinga?” kabadong tanong ng isang babaeng tinig.
“Shit! Napatay natin ata siya!”
“Lagot! Anong gagawin natin?”
“Tangina! Lagot tayo kay boss,”
Isang marahang pagtapik ang naramdaman ko. Wala na akong na lakas na dumilat pa. Pagod na ang katawan ko.
“tangina! Toryang tignan mo kung walang tao sa exit!”
“Hoy anong binabalak mo?”
“Hindi tayo pwedeng makulong! Kunin mo Yong trashbag!”
“Ano? Itatapon natin siya?”
“Ikaw kung gusto mong iuwi! Dali na”
Lumalabo na ang mga salitang naririnig ko. Hanggang sa tuluyan na akong walang narinig. Nilalamon na din ako ng kadiliman.
…
Habang sinusulat ko ito, hindi ko namamalayang lumuluha na pala ako. (TT)
-skl#Week3Compliant
BINABASA MO ANG
The Purpose
RomanceHave you ever been ask, what is the purpose of living? Purpose of life? _brknspecie❣