Chapter Eleven.Umirap ang tindera sa lalaking kasalukuyang nakayakap kay Dim, si Glenn. Kunot-noo namang lumabas sa van ang dalawa niyang kaibigan, si Johannes at Brix. Nanatiling nakatayo roon ang dalawang nurse na kasama.
Linapitan nila ang tinderang akmang aalis. Dahil doon ay nakuha nila ang attensiyon ng ilang mga tinderang naroon, maging ang mga tambay.
Nilapitan nila ang tinderang akmang aalis. “Hmp! Pasalamat siya at hindi ko siya pinaliguan ng ketchup at suka! Hay, naku! Madami na talaga ang mga nagkalat na malas dito.” matalim at may diin ang pagbigkas niya sa salitang ‘malas’ bago tumingin kina Glenn, na inaalalayan si Dim sa pagtayo.
Arte! Buwesit!
Tumaas ang dalawa niyang kilay nang napansin ang dalawang binatang sumusunod sa kanya. Sigurado itong kasamahan ito nang lalaking kasalukuyang umalalay sa babae.
“May kailangan kayo?” mataray niyang tanong sa dalawa. Ngumiti sila bilang sagot bago nagsalita, “‘wag niyo po sanang uulitin ang ginawa niyo sa kanya.” Saka tinalikuran ang ginang.
Umismid ang ginang at padabog na nilapag ang hawak na bote ng ketchup. Halos malaglag ang ilang tinuhog na fishball mula sa malapad na pinaglagyan dahil sa lakas ng pagkakalapag niya roon.
“Wala bang masakit sa'yo?” nag-aalalang tanong niya. Umiling si Dim, nanginginig ang mga daliring naka-hawak sa balikat binata. Pinakatitigan niyang mabuti ang tuhod nito hanggang sa kanyang talampakan. Wala siyang suot na panyapak.
Nagsalubong ang dalawa niyang kilay ng mapansing may maliliit na hiwa sa gilid nang kanyang paa. Nanatili nakatungo ang dalaga, pinipilit na kinakalma ang sarili.
She's almost holding her breath because of his presence. Marahan siyang nagpakawala ng sunod-sunod na malalim na hininga. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kabog nang kanyang dibdib. Marahil ay dahil natatakot siya sa maari niyang gawin? O mayroon pang ibang dahilan kung bakit ganoon na lang ang naging reaksiyon nang kanyang puso.
Napapitlag ito ng maramdaman niya ang palad nang binata sa kanyang pisngi. May kung anu-anong libo-libong boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan nang haplusin niya ito.
“i-im...o-okay, s-she just push me...” pahina nang pahinang bulong niya. Hindi niya magawang tignan ito sa mata. Samantalang ang binata‘y walang balak putulin ang pagkakatitig sa kanya.
“You sure?” paninigurong tanong ni Glenn. Tumungo siyang tumango. Naramdaman niyang bumaba ang palad niya, pababa sa kanyang brasong nanginginig. Namalayan na lang niyang inaalalayan siya nang binata patungo sa sinakyan nilang van.
Gusto niyang magsalita para magtanong. Marami siyang gustong itanong sa binata, ngunit ni isang salita ay walang gustong lumabas sa kanyang bibig. Nanatili iyong tikom.
Ang kaninang mga katanungan sa kanyang isipan ay muling nadagdagan, dahil sa kanilang inaasta. Marami. Nakakabaliw. Sumasakit ang ulo niya tuwing pinipilit niyang sagutin iyon sa kanya ring isipan. Lalo na at puro iyon mga negatibo, wala ni isang positibo.
Sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha nina Brix at Johannes. Sa tabi nila ay dalawang naka-puting kasuotan, nasisiguro niyang mga nurse iyon. Napatigil sa paghakbang ang mga paa niya. Umatras siya ng ilang hakbang.
Naramdaman iyon ni Glenn. “It’s okay, they're not going to hurt you. I'm here okay?” pagpapagaan niya sa kanyang loob. Ngunit hindi iyon sapat, mayroon pa ring takot sa kanyang dibdib.
Marahang pinisil ni Glenn ang kanyang braso at nakangiting tumitig sa kanya.
Doon siya naglakas-loob na titigan ang binata. Bigla siyang nagsisi at kung pwede ay hindi na niya sana iyon ginawa pero huli na lahat. Bahagya siyang natulala sa nakangiti nitong mukha. Na mas nagpadagdag sa kabang naraamdaman niya.
BINABASA MO ANG
The Purpose
RomanceHave you ever been ask, what is the purpose of living? Purpose of life? _brknspecie❣