Chapter 7

199K 11.8K 2.8K
                                    

Chapter 7

"You know what's good about tables, Evan?" I playfully asked him.

Sinubukan kong paglaruin ang ilang mga daliri ko sa mukha niya pero tinabig niya lamang ito, hindi katulad kanina na hinahayaan niya ako.

Of course, we're out of the attic. Our value is just in there.

Hindi natuloy ang mangyayari sanang kagatan sa pagitan namin. Uminit lamang ang ulo niya sa akin, kaya mas pinili niyang ipagpaliban ang pinagmamalaki niyang biting class.

Mabuti sana kung sa babang ulo ang uminit, masaya kaming dalawa. Pero mainit talaga 'yong ulo niya sa taas, kaya ito kami at kasalukuyan nang bumabalik sa kabihasnan.

Sa baba ng attic.

At dahil alam ko na kung paano ko siya lalabanan, sa unang pagkakataon ay nasunod ako.

Buhat lang naman ako ni Evan Lancelot Gazellian para ihatid sa aking silid. Mabuti na lamang at karamihan sa mga estudyante, mga propesor at iba pang mga bampira ay abala na ngayon sa pagtulog. Morning.

"Naha, stop that." Iritado nitong muling tinabig ang kamay ko.

"I told you to be gentle, Evan."

"Ibabagsak kita, Shalani Nahara. Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo." Umirap ako sa sinabi niya.

Hindi ako sumunod sa kanya, mabilis akong nakalapit sa kanyang tenga at bumulong ako dito.

"They always turn, Evan. They always turn."

"Just enjoy it Naha, wala pang babae ang maaaring makahawak sa aking leeg." Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Bakit ko naman hahawakan mahal na prinsipe? Kakagatin ko." Malanding sabi ko dito.

Saglit lamang itong sumulyap sa akin, hindi ko mabasa ang kanyang emosyon pero nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.

Napamura na lamang ako nang basta ako nito ibinagsak sa kama dahilan kung bakit nagising si Pearl na mahimbing nang natutulog.

"Hindi mo ba nakikita na natutulog na 'yong tao?!" sigaw ko sa kanya.

"She's a vampire," tipid na sagot nito.

"What happened?" mahinang tanong ni Pearl sa amin ni Evan. Pilit nitong iminumulat ang kanyang mga mata.

"No, nothing. This is just a nightmare, Pearl. Go back to sleep." Marahan kong itinulak ang kapatid ko patalikod para hindi nito makita si Evan na nakatayo lamang sa tabi ng aming kama.

I was about to open my mouth to say something when the damn vampire suddenly vanished. Hindi man lang nagpaalam o kung anuman.

Kaysa sa isipin ang ugali ni Evan na ubod ng sama, pinili ko na lamang matulog at yakapin ang kapatid ko.

Kinabukasan, kinumbinsi ko ang sarili kong hindi na ako papayag na sungitan at pagsupladuhan pa ni Evan. Babawi ako, babawi ako.

Nakailang ikot na ako sa salamin pero hindi pa rin ako makuntento.

"Naha, something happened? Hindi ba minura ka na ni Evan dahil sa iksi ng suot mo? That's too short. He approved that?"

"Hindi, bakit naman ako susunod sa kanya?" matapang na sagot ko.

Hindi ko sinuklay ang buhok ko, sinadya ko itong maging magulo. I should look hot and sexy, katulad ng Naha na siyang kilala sa mundo ng mga tao.

Yes, I am a bitten vampire but that doesn't mean that I have the lower beauty. Hindi naman ako bulag, higit akong mas maganda sa mga bampirang kasama ko sa klase.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon