Chapter 49

181K 10.3K 2.5K
                                    

Chapter 49

Gate and Key

Paanong sa gitna nang kaguluhan, sa mga pangil na nagngangalit, mga matang nagniningas, liwanag na unti-unting tumatakas, lupang yumayanig, ingay ng karahasan at mga katawang sigaw ay pagdaing...

Ay saglit na nilamon nang mainit na kislap ng isang berdeng diyamante. Diyamanteng tangay ang init ng higit sa apoy, ningning na animo'y mga bituin, mga pagyanig na tila lumipat sa aking puso, ingay mula sa aking mabigat na paghinga at aming mga katawang nais mag-isa...

Tila nagkaroon ng sariling mundo at ang tanging nais gawi'y yakapin at damhin ang presesiyang itinakdang angkinin nang sandaling buhay ay igawad at tanggapin.

Ang ikalimang Prinsipe ng Parsua Sartorias ay aking nakilala sa katangian nitong hindi pagsang-ayon sa kakayahang mayroon ang mga tao, ang mga nilalang na nakagisnan ko.

Ngunit ang makita siyang gawin ang isang bagay na minimithi ng isang babaeng nakaisip at lumaki sa mundong inakala niyang kanyang tahanan, ay hindi man lang nakapagpababa sa pagkakakilanlan ng prinsipeng aking pinagmamasdan.

Walang ampat ang pagbagsak ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang patuloy na pagkislap ng batong nasa kanyang palad.

Tila nawala ang lahat ng mga bampira at tanging kami na lamang ang nasa loob ng isang bulwagan.

Nawala ang tugtugan ngunit napalitan ito ng kakaibang uri ng musika, ang malaming at banayad na agos ng tubig sa aking mga paa ang nagsilbing himno sa bawat pagpintig ng aking puso at ang lalong pagsiklab ng apoy sa bawat tagiliran ng bulwagan ang nagsilbing patnubay sa aking mga paghinga.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili, tuluyan ko nang nasapo ng aking mga palad ang aking pag-iyak at hinayaan ko ang sariling humagulhol nang napakalakas.

Naghalo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Saya, tuwa, kalungkutan, pagkamangha at pait...

Totoo na ba ito? Talaga ba na nakarating na kami ni Evan sa hangganan?

Sa ilang taon naming pananatili sa unibersidad, sa lahat ng sakit at luhang aming naranasan, sa lahat ng katanungan, pagdududa, pagtatalo, sa lahat ng mga ngiti, yakap at walang katapusang halik...

Humugot ako nang mabigat na paghinga.

"T-Totoo na ba ito, Evan? H-Hindi naman ako nananigip, Mahal na Prinsipe? H-Hindi ako makapaniwala..." patuloy sa pangangatal ang mga labi ko habang pilit siyang inaaninaw sa aking mga matang mayaman sa mga luha.

"Yes." Mariing sagot ni Evan.

Sa pagkakataong ito ay mas itinulak niya ang singsing sa aking harapan. Pansin kong hindi na rin nito nagugustuhan ang matagal niyang pagluhod, mukha na itong naiinip.

"Oh my! I'm sorry, hon..." agad kong inilahad sa kanya ang aking kamay.

Mabilis tumayo ang prinsipe at sinimulan niyang isuot sa aking daliri ang kanyang singsing.

"A-Ang ganda..."

Marahang humalik si Evan sa batong nasa aking noo. "I will shower you the most precious stones in this world, Naha."

I snaked my arms around his nape, and I gave him my sweetest smile. "Allow me to shower you kisses, My Prince."

I tiptoed and planted a soft kiss on his lips. Nang akma nitong palalalimin ang aming halik ay ako na mismo ang humiwalay sa kanya.

"A passionate kiss can wait, Prince Evan." I softly caressed his cheeks.

Ngumisi ito sa akin. Ibinalik ko ang aking atensyon sa buong paligid, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik sa dati.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon