AN/ Next week na po ulit ang update. I'm sorry for the slow update, as what I've said before. I'm currently editing my manuscript for publishing. After this life of edits, I'll assure you that my everyday update will come back. Thank you!
Chapter 29
Tula
Napuno nang masigabong palakpakan ang buong silid-aralan na punong-puno ng pagkamangha at matinding pagkagulat dahil sa nangyaring tunggalian ng mga salita, sa pagitan ng kilalang propesor at ng isang mag-aaral na nakilala sa katangiang hindi iisiping may kakayahan sa larangan ng literatura.
Uri ng literaturang mabubuhay sa aking dugo at kalamnan, sa kaunting kalabit ng aking pasensiya at pang-unawa.
Karamihan sa mga bampira ay napatayo dahil sa tulang inisip ng nakararaming isang tunay nang pagbabatuhan ng mga salita ng isang kabit at legal na asawa.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang tulang aming binigkas ay higit pa sa uri ng punyal na nais naming itarak sa katawan ng bawat isa.
Nanatiling naka-ekis ang aking mga hita, mga kamaong nangunguyom, matang pilit nilalabanan ang apoy at mga pangil na kinakalmang huwag magpakita ng talim at karahasan.
Hindi ko akalaing ang pangangabit ni Evan ang bubuhay sa aking lengguwaheng bampira. Tang-ina niya at ni Circa.
Nais mo ng magandag uri ng tula, mahal na prinsipe? Pagbibigyan kita sa lengguwaheng matagal mo nang hinihiling sa akin.
Kung nalalaman ko lamang ang aking espesyal na kakayahan bilang isang bampira, nais ko nang saktan ang lahat ng inutil na bampirang kasalukuyang humahanga sa akin at sa propesor.
Itinaas ni Circa ang kanyang mga kamay bilang senyas na maaari nang tumigil ang lahat. Naupo na si Evan at maging ang lahat ng estudyante.
"What the hell, Naha?" agad na bulong sa akin ni Evan.
"Nasa loob tayo ng klase, mahal na prinsipe. Kung anumang nais mong sabihin sa akin, makapaghihintay naman siguro ito. Hindi ko nais palabasin ng ating bagong propesor sa ating silid dahil nakikita niya kinakausap ko ang lalaking kinakabit niya."
"What the fuck?" saglit akong lumingon sa kanya. "Paumanhin, ngunit ako'y tumutula." Umawang ang bibig ni Evan sa sinabi ko.
"N-Naha," huminga ako nang malalim. Hindi nga siguro ito kayang tiisin na hindi kausapin.
"Hayop ka, huwag mo akong kausapin." Madiing sabi ko bago ko tuluyang ibinigay ang atensyon sa babaeng nasa unahan.
Alam kong ang tula ay umpisa pa lamang ng kalbaryong klaseng ito.
Huwag niyang aasahang isa akong inutil, dahil sa unang pagkakataon simula nang mabuhay ako bilang tao hanggang maging isang bampira, kagabi lamang ako nagbasa na higit pa sa aralin na inatas sa araw na ito.
If she planned to throw me daggers during her subject, then I have mine to massacre her.
Our subject is literature.
Nakakamangha na nananatiling tahimik si Evan, sa ibang klase ay masyado itong matalino na halos ipahiya niya pa ang propesor dahil mas marami siyang nalalaman sa mga ito.
Why too quiet hon?
Sinadya kong ipakita sa bagong proposer na hindi ako interesado sa kanya, pero nasisiguro ko na sa sandaling tawagin niya ang pangalan ko ay may maibibigay akong kasagutan.
Ilang beses nagtatama ang aming mga mata at kahit isang segundo ay hindi ako kumurap para lamang tanggalin ang pagkakadikit ng aming mga titig.
Siguro, sa harap ng mga bampirang nakakapansin, isa lamang itong uri ng kompetisyon ng isang normal na propesor at estudyante sa unang araw ng klase.
BINABASA MO ANG
Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)
WampiryFree-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus queen. With her as a typical party-loving college student, her kind older sister, and her devoted par...