Chapter 35
The Prince outside the painting
It is not the vampire world that could be consider as full of deceptions, but those vampires themselves with their endless jigsaw puzzles. It would be easy if every piece of the puzzle was situated in a same place, but it couldn't be possible. There is no such thing as answers in the same place in the world of vampire.
The answers were always scattered. Katulad ng sitwasyong kinahaharap ko sa mga oras na ito. I might have some answers, pero hindi ko alam kung saang kasagutan ito, kanino ko isusunod o kaya naman ay kung saan ko iuugnay.
One of the vampire world's greatest puzzle is no other than Evan's father. King Thaddeus Leighton Gazellian. How could he possibly predict that his son's mate will come inside this painting? Was it still part of his journey with his first love? To what extent was their journey?
The past might have showed me a piece of him, but I should have kept myself reminded that it would always be just a part of him. Not everything, not the whole him as a king, as a husband and not even the whole him as a father.
Siguro nga sa mata ko bilang babaeng ipinanganak sa mundo ng mga tao ay mali ang ilang pamamaraan niya, pero sa mga mata ng mga bampira na kayang tingnan at timbangin ang isang uri ng sakripisyo sa mundong ito, habang buhay nilang yuyukuan ang bawat desisyon ng hari.
I used to despise his name before, matapos kong makita ang kapiraso ng kanilang nakaraan. Pero habang tumatagal ang pananatili ko sa mundong ito, habang unti-unting inilalahad sa akin ng mga pangyayari ang walang katapusan niyang sakripisyo para sa kanyang mga anak at sa emperyo, nakikita ko ang sarili kong umiiling sa mga salitang binitawan ko noon.
And as I decipher his sacrifices from different creatures who've witnessed his greatness, I couldn't help but to feel heavy. Bakit nakakaramdam ako na sa bawat paglalakbay ng hari ay may dala itong matinding kalungkutan?
Or was it the effect of the necklace?
Nang isuot ito sa akin ni Mrs. Madeline, may kung anong bagay na nadikta sa akin na tanging ako lamang ang may karapatan sa kwintas. That I should accept it and keep it. The necklace was made for me.
Umihip ang banayad na hangin, nagsayawan ang mga nagliliwanag na alitaptap, humalina ang mabagong amoy ng bulaklak at humaplos sa aking mukha ang aking umaalong buhok.
Liwanag ng buwan ang mas nagbigay buhay sa malawak na harding napupuno ng kakaibang uri ng mga bulaklak. Nais ko tuloy malaman kung totoo ba ang lugar na ito o nagmula lamang ito sa imahinasyon ng pintor.
"Mahal na prinsipe, maaari ba akong magtanong?" mahinang sabi ko sa prinsipeng tahimik na nakatindig sa aking tabi habang mas binibigyan ng pansin ng mga alitaptap.
Kanina pang natapos ang aming usapan sa pagitan ng mga larawan, pinili kong gumawa ng distansya mula sa kanila ngunit sumunod sa akin ang prinsipe at nirespeto nito ang ilang minutong katahimikan na nais ko.
Saglit itong lumingon sa akin, hindi ito agad sumagot sa aking katanungan sa halip ay naglakbay ang mapanuring mga mata nito sa aking buong katawan na parang inaanalisa maigi ang bawat parte ng aking katawan. Nasa akto na akong sasawayin ito sa pagtitig sa akin nang eksaherado itong tumikhim.
Muli nitong ibinalik ang kanyang atensyon sa mga alitaptap, na kasalukuyan nang dumadapo sa kanan nitong kamay.
"Maganda ka para sa isang dating tao, kaya makakapagtanong ka sa akin." Umikot ang aking mga mata. Siguro ay kailangan ko nang sanayin ang sarili ko sa ugali ng prinsipeng ito.
BINABASA MO ANG
Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)
VampireFree-spirited Nahara Shalani Carjaval is. She couldn't be more pleased to be the center of attention and to be recognized as the most daring campus queen. With her as a typical party-loving college student, her kind older sister, and her devoted par...