Chapter 42

189K 10.7K 4.5K
                                    

Chapter 42

Gazellians and the gift

Nakahanda na ang karwahe at nasa loob na ako nito habang hinihintay si Rosh na nakikipag-usap pa sa kanya mga kapatid. Dahil malakas ang pandinig ng mga bampira, naririnig ko ang kanilang pag-uusap lalo na at hindi naman sila kalayuan.

"I want to go with you, Rosh."

"Ilang beses kong sasabihin sa'yo na hindi pwede? Don't tell me you are going to chase Zen-" hindi pinatapos si Rosh ng kanyang babaeng kapatid.

"Matagal nang nawala ang pagtingin ko sa prinsipe ng mga nyebe."

"Really?" hindi makapaniwala ang boses ni Rosh.

"She is after Caleb right now, narinig ko siyang nagtatanong ng tungkol sa ikaapat na prinsipe ng Parsua Sartorias." Tamad na sagot ni Pryor.

Suminghap si Rosh nang marinig ito mula sa kanyang kapatid. "W-What? Caleb!"

Bahagya na akong sumilip sa nagkakagulong magkakapatid sa labas.

"Look at your sister Tobias! Nawala lamang ako ng ilang taon ay hinayaan niyo na naman siyang mahibang sa isang Gazellian! And from all the Gazellians? That crazy bastard! Maraming babae ang hinihingi niya sa akin Marah!"

"Ngunit napagtanto kong higit siyang makisig sa prinsipe ng mga nyebe."

"Foolish!" sabay itinaas ni Tobias at Pryor ang kanilang dalawang kamay nang tumitig sa kanila si Rosh.

"Mga konsintidor! Hindi ka sasama sa akin Marah!"

"You knew your sister too well, Rosh. She is merely playing." Katwiran ni Tobias.

"Ha! Playing! Kaya ba lumilipad na rin sa akin ang balitang napapadalas ang paglabas nyo ni Harper? Tobias she is mated! You idiot King!" nagkibit balikat lamang si Haring Tobias.

"What about my news, Rosh?" tanong ni Pryor.

"Puro kabaong!" tumalikod na si Rosh sa kanyang mga kapatid na kunot na kunot ang noo.

"Rosh, we were just kidding." Natatawang sabi ni Pryor, siniko pa ito ni Marah.

"Prince Caleb isn't my type. Higit na makisig pa rin si Zen, that blind vampire." Rosh impatiently brushed his hair before he turned his gaze again with his siblings.

"And what about you, my king?"

"I can't deny, Harper and I are friends." Simpleng sagot ng hari. But Marah waved her hand.

"There is nothing special, you idiot. Remember, Harper is a good singer. Our empire often invites her for performance. Yes, Kalla is also a good singer but-" saglit na napatigil si Marah.

"Yes, I can understand." Pagtatapos ni Rosh.

"Do you have any word for your dear friend, Tobias?"

"Nothing, alam ko susulat siya o siya mismo ang pupunta rito para kausapin ako." Tumango si Rosh.

Rosh joined me inside the carriage, pulled the bell to alarm the driver and continued to be silent until the wheels started to move.

Nag-alangan ako kung magsasalita ba ako o mananatili akong tahimik. There's something about Kalla and the Le'Vamuievos siblings.

Alam kaya ito ni Kalla?

"Sana'y sarilinin mo na lamang ang lahat ng 'yong narinig mula sa aking mga kapatid, Naha." Tipid akong tumango sa kanya.

Huminga siya nang malalim at tinanggal ang pagkakakrus ng kanyang hita, bago ako mas bigyan ng atensyon.

"They are not always like that, my apologies for my sibling's behavior."

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon