Chapter 26

170K 9.7K 3K
                                    

Chapter 26


Daughters

"Rebellion?" halos hindi makapaniwala si Pearl sa sinabi ko. Both of her hands were covering her mouth.

Hindi ko man lang inisip ang bagay na ito noon, dahil ang tanging mahalaga lamang sa akin ay ang mga oras na magkasama kami ni Evan.

I let myself be blind by our love.

I thought that he did love me enough. Pero ngayong may nakita ako sa nakaraan at handa siyang gawin itong muli, sa aming katauhan.

Unti-unti na akong natauhan.

Evan Lancelot Gazellian was the same man I've met before, mahirap lapitan at intindihan. There's no way that I could divert his own attention to me, because from the very first place, he went inside this university for his empire.

Not to find love, not to find me. But to be a great prince for his empire, and not to be my prince.

Ngayon ko pinagsisihan ang hindi pakikinig sa iba't-ibang usapan tungkol sa kanya, sa mga Gazellian.

I refused to listen about them, at tanging impormasyon lamang kay Evan ang nalalaman ko at hindi ko akalaing pagsisihan ko ito.

Talaga pa lang komplikadong magmahal ng isang Gazellian.

The professor might be part in his rebellion or—the woman is somewhat a kind of royalty to successfully conquer the vampire world.

A full blooded vampire child is needed to be born.

Ano nga ba ang maitutulong ko na isang dating tao sa pangakong kanyang sinumpaan sa kanyang tintitingalang hari?

I can only give him half-breed vampire. Royalty needs another royalty for power.

Bakit kailangang ako ang itinakda sa kanya na isang tao? If Evan needs a full blooded vampire why fate didn't grant it for him?

In the end, we both suffered. O tamang sabihin na ako lang? Evan always have his way, at ang pagpapainom sa akin ng alak na may mahika ang naging desisyon nito.

But what made him this desperate? Utos ba ito ng hari o sarili niya itong hakbang at kagustuhan?

Talaga ba na ganito kauhaw sa posisyon ang mga Gazellian? His brother is already the King of their empire.

Why is he asking for the whole vampire world?

Among his siblings, ang hari ang madalas nitong binabanggit sa akin, na halos ilang beses niya nang ipinagmalaki.

"I can do everything for him, Naha. Hindi lang ako, maging ang mga kapatid ko. Dastan deserves the vampire world, my brother gave us everything that a vampire couldn't imagine . At pagtutulong-tulungan naming pito, makita lamang siyang pinaghaharian at sinasamba ng mundong ito."

He vowed to make his brother the king of the kings, pero alam ba ni Evan ang magiging reaksyon ng kanyang tinitingalang hari kapag nalaman nito ang kanyang mga paraan?

Paano kung alam talaga ito ng hari?

Mas humigpit ang yakap ko sa aking mga binti, hindi ko na alam ang dapat kong isipin. I need to go. Hindi na ako maaaring magtagal pa sa lugar na ito.

Soon, Evan will approach me. Magbibigay na naman ito sa akin ng mga eksplanasyong madali kong paniniwalaan, at hahayaan ko na naman ang sarili kong mabulag kahit malinaw nang isinusubo sa akin ng nakaraan ang lahat.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon