Chapter 50

183K 10.4K 1.3K
                                    

AN/ Sorry for the late update. My Aunt turned off the wifi for almost two weeks. Matulog daw ako nang maaga. Lol (Sa gabi pa naman ako nagpo-post ng update.) Haha. Anyway, enjoy reading!

Chapter 50

Found

Hundred years ago, my mother bowed her head to the righteous King. A King that existed not just in the ink of the history, but a King that was beautifully painted with different colors in every vampire heart...

I used to despise him. I used to hate him and even cursed him for his manipulative and unreasonable puzzles. I even wished for another man for my mate's father. But as I slowly gathered the pieces of puzzles, the way I traced it together, the answers in his every riddle and the reality in every side of a story...

I learned that he is indeed a King... a friend and a father.

Isang uri ng Haring ipinatikim lamang sa mundong ito.

"I am fulfilling it now, Mother." I whispered.

Just like her, I will recognize my own King. Until to my very last breath... I will always lower my head, bent my knees and accept his every command. Not because I was instructed, but because my heart could recognize him.

He is my ruler, my mate's brother that he adored so much. Our King.

A King that will bring the best history, not from pain but from unfathomable love.

Isang uri ng hari na magtatalaga ng magandang kasaysayang hindi kayang hipan ng hangin, sunugin ng pinakamainit na apoy, tangayin ng mga alon ng karagatan at mapawi sa isang simpleng dampi sa buhangin.

Dahil ang haring nakatakdang aking tingalain kasabay ng lalaking aking minamahal ang magpapalaya sa mundong ito na punong-puno ng sakit.

"Naha..."

Ngumiti ang aking labi nang marinig ang bulong ng lalaking ipinagkaloob sa akin. Dumating ako sa mundong ito na may takot at walang katapusang katanungan, piniling manatili sa kanyang likuran at hayaang siya ang lumutas nang napakaraming problema.

Pero ngayon, kasama nang pinakamagigiting na bampira sa dalawang pinagsamang emperyo, ako'y nabigyan ng pagkakataong tumindig sa kanilang unahan, para bigyang pugay ang unang pagkilala sa akin bilang isang bampirang may pangalang yumayakap sa unang laban at responsibilidad.

Sa bawat segundong lumilipas hindi ipinadama ng mga Gazellian at Le'Vamuievos na nag-iisa ako sa labang ito, dahil ang kanilang nag-uumapaw na presensiya ang siyang nagsisilbing aking gabay at lakas.

Ramdam ko ang unti-unting pag-init ng berdeng diyamante sa aking noo at ang pagningning nitong sumasalamin sa matataas na tubig na pilit humahati sa pagitan ko at ng mga masasamang bampira.

"I will open the gate, My King. I will." Madiing sabi ko kasabay nang unti-unting pag-angat ng aking mga mata sa kisameng siyang huling nilapatan ng mga kamay ng aking ina.

Sa aking nakaluhod na mga tuhod, marahan kong inangat ang aking dalawang mga kamay. Namayani ang ingay mula sa agos ng tubig dahil sa lalong pag-angat nito na tila sinusundan ang bawat kumpas ng aking mga kamay.

Nagsimulang tumulo ang aking mga luha kasabay nang dahan-dahang panunulay ng maliit na berdeng liwanag mula sa aking noo, hanggang sa umabot ito sa madilim na kisame at tuluyang humalik ang liwanag nito.

"Ina..."

Luha, ngiti at matinding paghampas ng aking dibdib ang siyang naging liriko ng aking buong sistema habang unti-unting kumakawala ang bawat kulay mula sa buhay na larawan ng aking ina. Nanunulay ito sa maliit na liwanag na nagmumula sa aking noo.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon