Chapter 24

183K 9.7K 4.2K
                                    

Chapter 24


Champagne 

Napuno ng napakalakas na pagtawa ng kapatid ko ang buong silid nang bumalik akong umuusok ang ilong dahil kay Evan.

"Are you filling a divorce again, Naha? Nakailang file ka na?"

"Shut up, Pearl. This is serious, may babae si Evan." Instead of taking my side, my dear sister just gave me an amused look.

Nakadapa ito sa kama habang nakapangalumbabang pinagmamasdan ako.

"Paanong may babae? Tulad ng sinabi ko sa'yo dati, Gazellians are loyal to their mates. Gumagawa ka na naman ng problema." I rolled my eyes.

Seriously? But she's the one who had told me about Evan's father and his first love.

"Buong akala ko ay hindi mo gusto si Evan para sa akin? Bakit parang siya ang kinakampihan mo?"

"Nang-aasar? Kilala mo naman ako, Naha. Kasiyahan ko ang kaartehan mo sa mundong ito. Wala na akong pakialam kung sino ang papanigan ko. You're so amusing dear sister, na para akong nakakapanuod ng babaeng nababaliw gabi-gabi." Bumuntong-hininga ako at dahan-dahan nang umupo sa kama.

"Naging babae niya ang bagong propesor natin."

"Oh really? The one with the larger boobs than you?" nanlaki ang mga mata ko sa kapatid ko.

"W-What? Mas malaki sa akin!"

"Oo," she said with a grin.

"Oh my gosh!" muli akong napatayo at nagsimulang maglakad nang pabalik-balik habang pinapaypayan ang aking sarili gamit ang aking isang kamay at ang isa ay nasa aking bewang.

"Karibal nga 'yan, Naha. Divorce na. Ipagpapalit ka na ng ikalimang prinsipe ng Parsua Sartorias sa propesor na mas malaki ang dibdib." Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan sa kapatid ko.

Her words were always conflicting just to justify her entertainment.

Eksaherada akong napahawak sa aking noo na parang mawawalan ako ng panimbang.

"Papaano nangyari ang bagay na ito sa saglit na panahon?" I said in the most dramatic way.

Hanggang sa tuluyan na ako matumba at mapaupo sa malamig na sahig, kapwa nang nakahawak ang dalawa kong palad dito habang nakatungo kasabay nang pagkakatanggal ng pagkakapusod ng aking itim na buhok.

Just like a hopeless female lead in a historical school theatre. I remembered some scene during our art class before.

Hindi nagtagal ay nakarinig na rin ako ng mabagal na palakpak mula sa kapatid ko.

"So dramatic, so excellent Naha. Kuhang-kuha mo ang bida sa arts class natin."

"Hindi ko na kaya Pearl, nasasaktan na ako. Hirap na hirap na ako." I said with my fake shaking voice.

Ganito kami madalas ni Pearl sa mundo ng mga tao. Bigla na lamang akong may gagayanin na linya mula sa mga sikat na palabas sa mundo ng mga tao o kaya ay iba't-ibang sikat na parte sa bawat palabas. Minsan ay sumasabay rin sa akin si Pearl, pero madalas ay nanunuod lang siya sa akin na may kasamang pag-irap.

Kung hindi kami mga bampira, siguradong sikat na artista kami ng kapatid ko.

Sa pagkakataong ito, mas gusto niya yatang samahan ako sa ginagawa ko. Bumaba ito sa kama at hinawakan ng kapatid ko ang magkabilang pisngi ko.

"Kayanin mo Naha, ito ang nakatadhana sa'yo. Kayanin mo kapatid, pagsubok lamang ito sa inyong relasyon." Madrama akong umiling sa kapatid ko.

"Ngunit patuloy niya akong sinasaktan, Pearl. Ang pag-ibig ko'y nag-uumapaw sa kanya, ngunit tila laging may pader na nakaharang sa pagitan namin. Nasasaktan na ako Pearl, walang tigil na nagsisikip ang dibdib ko." Humugot nang malalim na paghinga si Pearl.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon