Chapter 48

178K 11.4K 4.1K
                                    

Le'Vamuievos second song (inspired again): Colors of Love by Thomas Bergersen (search the youtube channel Two Steps from Hell)


Chapter 48


The Performance

Sumayaw ang liwanag sa kalawakan ng entablado. Nagningning ang nakasabog na ginto at diyamante sa kanilang mga kasuotan. Kulay ng dugo'y napalitan ng atraksyon sa halip na dahas at walang humpay na pagsiklab ng mga apoy sa nagkalat na simbong yumayakap sa bulwagan.

Mga mata'y napako, labi'y umawang, hanging tila nawalan ng puwang at lamig na parang animo'y uri ng yakap na walang maaaring takbuhan. Mga bampira'y saglit itinapon ang panahon... isang uri ng musikang pumukaw sa atensyon... isang obra maestrang mailalabas lamang ng kakayahang nilinang, hindi mula sa nakapakaraming taong lumipas...

Kundi isang kakayahang may yakap ng pagmamahal.

Nagpatuloy ang nakapaninindig balahibong pagtatanghal ng magkakapatid na Le'Vamuievos sa buong unibersidad. Ang kanilang buong presensiya bilang mga dugong bughaw ay nagawang itago ng kanilang magandang musika.

King Tobias continued to play his piano with his bowed head. Katulad ni Rosh ay nakasuot din ito ng uniporme ng mga musikero. Marah and Pryor graced the two largest violins of the orchestra with full of enjoyment. Hindi man lang ang mga ito nag-abalang itago ang kanilang sarili habang si Rosh ay patuloy sa paggamit nang pinakamalaking trumpeta.

Buong akala ko ay tanging plauta lamang ang babagay sa kanya, pero hindi nagawang bawasan nang malaking instrumento ang kakayahan ng ikalawang Prinsipe ng Parsua Deltora na dalhin ang kanyang sarili sa pinakamakisig na paraan.

Pinaglakbay ko ang aking mga mata sa karamihan ng mga bampira, pawang tulala ang mga ito at hindi magawang ilihis ang kanilang mga mata na parang ayaw bigyan ng pagkakataong may makalampas na parte sa pagtatanghal.

Nang muli akong sumulyap sa posisyon ni Evan ay wala na ito, wala na rin ang mga katabi kong Gazellian. Si kamahalan, Casper at Caleb na lamang ang naiwan na nanunuod din ng pagtatanghal.

"In vampire world, if Parsua Sartorias was known for our symbolic trees with its great abilities. Then, Parsua Deltora possessed the beauty of different arts and music. This world's best orchestra would only be found inside their empire. At sila mismo ito, every Le'Vamuievos was born to live music with them. Kung hindi ako nagkakamali lahat ng uri ng intrumentong pangmusika ay kaya nilang bigyan ng magagandang pagtatanghal." Napatulala ako sa mahabang paliwanag ni Casper.

"B-But I can't—" halos hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.

Muling lumipad ang aking mga mata sa magkakapatid na tumutugtog sa unahan. Talaga bang nararapat ako sa kanilang pamilya?

"You have the arts, Naha." Madiing sabi ni Haring Dastan.

"That's it. I've been wondering why Parsua Deltora was known as the Empire of Arts and Music? Yes, music is indeed an understatement. Si Naha pala talaga ang kulang sa kanila." Sabat ni Caleb.

Nanatiling tahimik si kamahalan at nagpatuloy ito sa panunuod ng pagtatanghal ng mga Le'Vamuievos.

"What now? Wala pa rin nakakapansin sa atin." Tanong ni Caleb.

Sa halip na sumagot si kamahalan sa kanyang kapatid ay lumingon ito sa akin.

"They knew?" tanong ni Haring Dastan sa akin.

Tanging pag-iling lamang ang nagawa ko. Wala akong ideya sa mga nalalaman ng mga Le'Vamuievos. Maging ako ay naguguluhan din, pinaniwala ni Rosh si Evan bago kami umalis na hahayaan na lang namin siyang tapusin ang labang ito mag-isa. Pero anong nangyayari ngayon?

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon