Chapter 10

29 4 3
                                        

Edhard's POV

Lintik! Ba't ba ako napapangiti bigla. Malala na ata ako ah.

"Oi hindi ka makamove-on kay BG mo no? Haha! Hi CB! Hindi ka na si Edhard kundi CB. Diba mga pare? " ang sabi ng kumag na si JC at nakipag-appear kay Ryan at Jake. Hay naku.

"Tigilan mo ko JC. Gago!" Bato ko sa kaniya ng lata ng pepsi. Andito kami ngayon sa isang covered court at kakatapos lang naming maglaro ng basketball. Minsan lang naman kami maglaro dito kapag bakante kaming apat. Malapit ng mag 7 pm pero andito parin kami.

"Grabe ka naman CB. Ay este Edhard. Haha! Ayaw mo tawagin kang CB kasi gusto mo si Vanz lang ang tatawag sayo ng ganon,noh? Asus style mo Edhard." Nakakarindi din talaga tong boses ni JC . Parang babaeng putak ng putak. Aish!

"Si Edhard naman ang natripan mo. Kanina todo pacute ka kay Aika ata yun pero mukha mo parang ewan. Haha! Diba Jake?" Ang sabat ni Ryan habang nagpupunas ng pawis niya.

"Tss. Ewan ko sa inyo. Ikaw nga kanina may pa titig effect ka pa." Ang sagot ni Jake na may halong ngiti. Himala.

"Hala. Isang himala! Lord salamat at pinagsalita mo si Jake. Kasi yun ang pinakamahabang sinabi niya ng ilang taon." Ang sabi ni JC na idinaop ang mga palad na tila nananalangin. Tinignan lang siya ng matalim ni Jake. Haha! Mahaba nga yung sinabi niya kasi puro lang 'tsk' at 'ewan ko sa inyo ang' ang sinasabi niya.

"Congrats pare! Nakakapagsalita ka na ng normal dahil siguro yan sa chix na kasama nila BG no? Yung irap ng irap sayo. Haha!" Ang sabi ko sa kay Jake na natatawa. "Shut up." Tanging sagot niya. See? Bumalik na naman siya sa dati. Halos may saltik ata mga kaibigan ko. Ako lang ata ang normal dito . Lol.

"BG na naman. Haha! Ikaw nga kanina halos malusaw na si BG mo sa titig mo." Ang mapanudyong sabi ni JC na halos mabilaukan ako dahil timing pa na umiinom ako ng softdrink.

"Relax pare. Naiintindihan ka namin lalo na ako kasi ganyan talaga pag gwapo." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko. Takte na lalaki to.

"Ano konek ng pagiging gwapo ha?! Tinititigan ko lang siya kanina kasi halos hindi ko na siya makilala. Meron sigurong masamang espirito ang sumapi sa kaniya." Ang sagot ko sa kaniya na tila kinokontrol ang galit . Gago talaga.

Natawa lang sila.

May papalapit na mga babae sa covered na sanhi para matuon doon ang atensiyon namin. Teka, parang familiar ang mga babaeng paparating.

Andito na naman siya?!

*****
Vanz POV

Pagkatapos namin mag workout sa pub namin dumiritso kami sa covered court. Malapit lang naman yun sa pub namin. Habang naglalakad, nagkukulitan sila at kinukulit din nila ako. Puro naka-jersey kami ngayon at may dala akong bola na Spalding.

"Oi, Monica nagblush ka kanina! Haha! Ayeih! Wag ka ng magdeny." Ang pangungulit ni Aika kay Monica habang nasa daanan kami.

"Duh! Hindi ako nagblush! Blush on yun! Blush on." Iritang sagot ni Monica. "Ikaw nga kanina parang maiihi ng nagpacute na si JC . Feeling." Dugtong niya ng may irap.

"Care mo naman. Haha! At least yun lang ang nangyari. Yung iba nga diyan panay irap sa piping mama na kasama nila kanina. Parang may something na hindi natin alam." Ngumiti ng makahulugan si Aika kay Kamryn.

"Tsk. Yayks! Sadyang hindi ko lang siya gustong makita. You know tsaka nag-iinit ang dugo ko sa kaniya. Duh! yung iba nga diyan may pa CB CB pang nalalaman." Ang sabi ni Kamryn na siniko pa ako. Hindi ko yun nabantayan agad. Tsk. Walangyang babaeng to.

Tinignan ko lang siya ng matalim.

"Payback yun sa ginawa niya sa akin." Ang sabi ko sa kanila.

"Ayieh!" Sabay-sabay sabay nilang sabi.

"Huwag niyo akong pinagtitripan kasi badtrip ako kanina sa suot ko. Akala niyo nakalimutan ko yun lalo na yung sa lip balm? Tsk." Ang himutok ko sa kanila. Sino ba naman ang matutuwa kapag nilagyan ng ganon? Sila lang! Sila! Hindi ako!

"Hey! Relax! Sexy mo nga kanina eh. Susulitin nating maglaro ng basketball ngayon para mawala ang inis mo." Nakangiting saad ni Aika. Medyo malapit na kami sa court ng mapansin kong may 4 na tao sa court. Parang familiar sila. Hm.

Nagkukulitan sila at napahinto ng mamataan nila kami. Sinasabi na nga ba. Kaya pala familiar ang mga taong ito kasi sila CB pala. Tsk. Bakit andito sila? Stalker? Vanz ang feeling mo.

"Hello Vanz! Magbabasketball din ba kayo? Coincident ba to or destiny? Haha!" Ang makulit na sabi ni JC habang ibinaling ang tingin kay Aika. Tinignan naman siya ng masama ni Edhard. Oy, don't get me wrong ha. Sadyang alam ko na ang pangalan nila.

"Ahem!" Ang reaksiyon ni Ryan. "Hi girls! Hi Monica!" Ang sabi nito ng may ngiti samin lalo na kay Monica.

"H-hello din." Nauutal na bati din ni Monica. Tsk.

Ngumiti naman sila Aika at Kamryn bilang response sa bati ni Ryan.

"Magbabasketball din pala kayo, ano. Well nakapaglaro naman na kami so inyong-inyo na ang court." Ang nakangiting saad ni JC.

Wala akong imik. Tinatamad akong magsalita kaya tinanguan ko na lang siya.

"Wait. Para mas masaya, what if maglaro na lang tayo. Team niyo vs. sa team namin. Malay niyo baka matalo namin kayo." Nakangiting sabi ni Aika. Hm. Magandang idea. Pero makakalaban ko ang asungot na yun? Nah. Nevermind.

"Asa." Tanging sambit ni Jake.
"Confident masyado." Ang bulong ni Kamryn na parang nayayamot.
"May sinasabi ka?" Ang tanong ni Jake kay Kamryn na tila nanunudyo.
"Oo. Bakit? Aangal ka?" Taas-kilay na sagot naman ng babae. Naku .

"Andaming satsat. Maglaro na nga lang tayo." Ang tanging nasabi ko para mahinto ang sagutan ng dalawa.

"Oi pare oh. Payag na si BG mo. Maglaro na tayo." Ang sabi ni JC kay Edhard.

"Ok" tanging sagot niya ng may ngisi.

Confident talaga sila masyado na hindi namin sila matatalo. Ano tingin nila sa amin? Tsk.

(A/N: Hello readers! Nagustuhan niyo ba ang update o sobrang waley na naman? Haha! Wala akong maisipan masyado kasi busy lage sa school. Maraming contest na sinasalihan. Hindi naman masyadong matalino si author sadyang ako lang talaga yung napipili. Sorry sa mga typos and salamat sa mga votes ninyo tsaka sa mga nagfollow sakin. I do appreciate po. Sorry kung hindi lahat nasasabihan ko ng thank you kasi minsan lang talaga ako gumagamit ng wattpad. So yun lang bye. Pls. Vote and comment para malaman ko ang reaksiyon ninyo. Lovelots!)

My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon